NPID 13

1.4K 48 40
                                    

Dalawang araw na simula nung pinagluluto ko si Ivan. So far ayos pa naman ako, nakakapagod pero okay lang. Aba ikaw ba naman ang madaming trabaho. Fake girlfriend na ako tapos chef niya pa ko take note nagwo'work din ako sa studio, every hapon pumupunta pa ako dun. Isang dakilang monster pa ang amo ko. Sigh. Aside from that sinisimulan na namin yong mga kailangan naming simulan para sa fashion show.

But still... It's fine with me. It makes me happy because I have true friends here. They make me happy in short span of time. Kahit na puro pang babash minsan ang nararanasan it doesn't matter at least here I can be myself. I don't have act strong and cold.

Sigh. Ano ba yan ang drama ko na naman. Magluluto na nga ako ng dinner namin ni Ivan baka pauwi na yon. Don't get me wrong sadyang ganitong oras siya pumupunta dito para kumain.

Kung itatanong niyo kung kamusta na kami, ganoon pa din walang pinagbago, madalas hindi pa din kami magkasundo. Hindi na ata talaga kami magkakasundo.

*after one hour*

Natapos ko na ang kare kareng pinapaluto ni Ivan. Pero hanggang ngayon wala pa din siya. Hmm ayoko naman siyang tawagan baka sabihin nun nagpifeeling na naman ako.

Mabuti pa ituloy ko muna yong mga gagawin ko para sa fashion show para may pagkaabalahan ako.

After how many minutes...

*ding dong*

Baka si Ivan na yan.

Hindi muna ako tumayo para tapusin saglit tong tinatahi ko. Pero nairita na ko dahil sobrang impatient talaga ni Ivan at pinaglaruan pa yong door bell ko at hindi lang yon may kasama pang katok. Sigh. Nakakarita talaga. Nang tumayo na ko tumigil na yong tunog ng door bell at yong katok. At nang malapit na ko sa pinto rinig na rinig ko ang ingay sa labas. Huh? Imposibleng si Ivan yon kaya binuksan ko na.

Pagbukas ko nakita kong hinihila ni Alexa yong tenga ni Mike habang tawa naman ng tawa si Ivy at siyempre si Ivan walang pakielam at mukang inip na inip na kaya pumasok na lang ito bigla sa pinto.

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong ko.

"Steph tulungan mo ko, hinahalay na naman ako nitong si Alex" Tawag sakin ni Mike na nagmamakaawa.

"Anong hinahalay mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mo Mike. Kadiri ka!"

"Aray! Aray! Tama na tama kapag ako nakawala sayo hahalikan kita"

Sinipa sinipa naman ni Alexa si Mike dahil sa sinabi nito.

"Hahaha. Hayaan mo sila Steph ang kulit kasi ni Mike pinaglaruan yang door bell mo kaya ayan."

Natatawang sabi ni Ivy. Kaya pala.

"Pero anong ginagawa niyo dito?"

At doon ko lang napansin na may mga dala pala itong pagkain.

"Wala, naisip lang naming kumain dito." sabay taas ng mga dala niyang pagkain.

Buti na lang at may dala silang pagkain kung hindi kulang ang niluto ko dahil para saamin lang yon ni Ivan.

"Ah. Hahaha. Sige tulungan na kita jan. Ipasok na natin to sa loob"

Tinulungan ko si Ivy ipasok ang mga pagkain pero si Mike at Alexa andun pa din sa labas nag sasagutan. Nako! Magkakadevelepan talaga sila niyan. Daig pa talaga nila ang aso't pusa. *parang kayo ni Ivan* hindi hindi... Napailing na lang ako sa naisip ko at pumasok sa loob.

Niyaya ko si Ivy na dumeretso na kami sa kusina, at nakita namin si Ivan na nasa living room at nakaupo sa couch habang nanunuod ng t.v.

Pasimple akong napatingin kay Ivy at tama nga ang hinala ko ang laki ng ngiti nito iba ang tingin sakin. Napangiwi na lang ako dahil doon at pumunta na sa kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nerd Princess in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon