Kinaumagahan, habang naglalakad ako sa corridor, para akong pinapatay sa mga titig ng mga babaeng nagtititili kahapon.
Jusko! Ang tatalim! Kung nakamamatay lang ang titig, malamang kanina pa ko pinaglalamayan dito.
"Guys, ayan na si Linette."
"Ayan na yung malandi."
"Layo kayo, here comes the linta."Bulung-bulungan ang mga babae sa hallway. Anong pake ko? Kilala ba nila ko? Dumiretso nalang ako sa classroom namin.
9- Generous
"Linette!!!!" ayan nanaman ang aking frieny na si Mika.
Mike sa umaga, Mika sa gabi. Pero trip ko siyang tawaging Mika kahit umaga. Walang pakialamanan!
"Ano nanaman ba yan Mika ha?" sabay lapag ko sa mga gamit ko sa upuan ko.
"Sus! Painosente pa si ate gurl! So ano? Anong nangyari kahapon?" eto talaga, kahit kelan napakachismosa!
"Anong nangyari kamo?" pambibitin ko, tumango naman siya. "WALA!!"
"Hoy ikaw babae ka ha. Nagsisikreto ka na!" sabay duro niya sakin.
"Wala naman kasi talaga. Batukan kita dyan eh." Irap ko.
Wala naman talaga eh. As in! Binigyan niya lang ako ng flowers and stuff! And then boom, wala na agad.
"Hay nako bakla ka. Ayaw magshare. Hmp!" sabay irap ng gaga.
Kilala niyo ba siya? Siya lang naman ang nag-iisang frieny ko dito sa school. Si Mike. Beki siya, oo bakla. Pero mabait yan saka lablab ko hihi. Puro kasi plastik yung mga girls namin dito plus! ang aarte pa. Not my type! -____-
"Wag ka nang magalit. Wala naman talaga eh. Bakla ka talaga."
*kriiiiiiiiiiiing* (sound effect yan ng bell!!!!!!)
Pila pila kaming pumunta sa gymnasium. Eto nanaman, flag ceremony nanaman. Ang pinakahate kong part sa pagiging mag-aaral!
"Psst. Beks, dali na kasi. Ano? Nadedevelop ka na ba?" pangugulit nanaman sakin ni Mika.
Lumingon ako sa gilid ko para tingnan siya at irapan siya ng bonggang-bongga!
"Ano ba Mika? Wala nga sabi diba? WALA!!!!" napalakas ang pagkakasabi ko sa sobrang inis.
*SHWISJDUDKDNDHSPSLDHU* (kuliglig effect)
*awkward*
"Is there something wrong here?" matindig na tanong samin nung dambuhalang teacher namin.
Humindi nalang ako para matapos na. Nakakatamad makipag-usap. Hanggang sa matapos yung flag hindi ko pinapansin si Mika. Naguiguilty tuloy ako!! :'(
Fast forward>>>>>>>>>
Nagdaan ang tatlong subject at lunch break na. Wala pa rin kaming kibuan ng bestfriend ko. Hayys. Edi eto ako ngayon, mag-isang pupunta sa cafeteria!
"Ay ano ba yan! Hindi tumitingin sa dinadaanan!" nagulat nalang ako nang may sumigaw sakin.
Natapon ko pala yung dala niyang tray. Pareho kaming natapunan dahil dalawa yung coffee na dala niya.
Ang hapdi. Parang nilalapnos yung dibdib ko sa init nung kape na hawak niya.
"S-sorry." Kung minamalas malas nga naman ako. Wala pa yung tagapagtanggol ko.
Naramdaman ko nalang na lumanding yung palad niya sa pisngi ko. Ang hapdi. Ang lakas ng pagkakasampal niya.
:'(
"HOY IKAW BABAE KA! SINO KA PARA SAMPALIN MO NANG GANYAN YANG GIRLFRIEND KO HA?!" 0_o
Whut?! Girlfriend?! Ang gaga talaga neto ni Mika! Galit na galit yung mukha niya. At mukhang hindi na siya makapagtimpi dun sa babae.
Napahiya yung babae. Umalis nalang tuloy. Hay salamat naman at wala akong babayaran! Kuripot po ako!
"Hoy gaga, ano at nakalumpasay ka dyan?! Tumayo ka nga!" tinulungan niya akong tumayo.
Tinignan niya ko mula paa hanggang ulo. "Anong fes yan bes?! Ang chaka!" hinila niya ko palabas ng cafeteria.
Pumunta muna kaming locker para kumuha ng uniform. Buti nalang at may extra ko!
"Alam mo bakla ka, infairness sayo walang nakakahalatang beki ka." Umirap ang gaga. Feelingera!
"Sa gwapo ko ba namang 'to eh! Ay maganda nga pala ko! Hihihihi!" sabay palo niya sa braso ko. Ouch ha!
"Nga pala kanina, sorry bes huhuhuhuhuhu!!!!" Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.
"Ewwww Linette ano ba!" tinutulak tulak niya ko. "Joke lang bes, okay lang yon." Niyakap niya ulit ako.
"Sorry talaga. Sige, magbibihis muna ko."
"Okay gurl. Ill wait you here." Sabay irap. Bakla talaga yon!
Pagpasok ko sa cr, mga nagbubulungang babae nanaman!
"Two timer yan diba?"
"Nilalandi dalawang lalaki!"
"Kahapon si Nate, ngayon naman boyfriend na niya si Mike!"
"Oo nga girls! Super landi!"Wala akong ginawa kung hindi umirap nalang! Ganyan naman yang mga yan eh! Mga walang magawa sa buhay! Makapagbihis na nga lang.
Pagkatapos kong magbihis, nagretouch muna ko! Syempre, kailangan mas maganda ako kay Mika! *grin*
Buti nalang at lumabas na yung mga echoserang frog na walang ginawa kung hindi pag-usapan ako!
"Hoy bakla! May kasalanan ka saken!" panduduro ko sakanya.
"Ano nanaman yan bakla?!" irap niya saken, kahit kelan talaga to si Mika oh!
"Bat mo ko tinawag na girlfriend kanina?! Ewww ka ha! Pinagbubulung-bulungan tuloy ako nung mga chakang girls here!" Pagmamaktol ko sakanya, tumawa naman siya. "Natawa ka pa talaga?!"
"Pasalamat ka pa nga eh!" yun lang yung sinabi niya saka umalis na. Iniwan nanaman ako ni beks! Panigurado maghahanap lang yon ng pogi!
BINABASA MO ANG
Sakali
Teen FictionPreface: "Ano ba ang kahulugan ng Love? Meron ba? Kung meron, ano? Marami ang hindi makasagot sa tanong na ito..." Bumagsak ang ulo ko sa lamesa ko habang nagsusulat ng mailalagay sa project namin. Ewan ko ba dun sa teacher namin! Dyahe! Kala mo na...