Chapter Two

3 1 0
                                    

Nang mag-uwian ay inalok ako ni Mika na siya na daw maghahatid sakin. Edi gumora ako! Kesa naman magsayang pa ng pera di ba?!

Saka, minsan minsan lang to. Madalas  mga lalaki sinasakay neto galing ibang school eh! Ewan ko lang talaga kung bakit walang nakakahalatang beki to si Mika.

"Anong tinatanga mo dyan gurl? Lets go na!" hindi na niya ako hinintay makasagot at hinila nalang para makasakay na sa sasakyan niya.

"Bastos ka ah! Hindi pa ko nakakapagsalita eh!" tinignan niya lang ako pero hindi siya nagsalita, matalim na tingin yung binigay niya sakin, meaning "Eto na tatahimik na."

Buong byahe pareho kaming tahimik, ang awkward no? Bayaan mo na! Atleast hinatid di ba? I should be thankful! Pak!

Pagkatapat namin sa bahay namin, "Pasok ka, gusto mo? Dali!"

Umiling siya, "Hindi na girl, next time nalang. Excited na ko makita yung mga papa ko sa bar eh! Kamusta mo nalang ako kila Tita Maye ah!" humarurot agad yung sasakyan niya. Bwiset talaga yon!

Pumasok nalang ako sa bahay namin. Sinalubong agad ako nung alaga kong aso, si Miracle. "Hi baby Miracle, mommy's here." Sabay yakap ko sakanya.

"Oh, hi nak. How's school? Magbihis ka muna tas dadalhan kita ng donut sa room mo. Gumawa ako." Pambati sakin ni mama.

"Ah, ayos naman ma. Sige ma, salamat po. Bihis lang ako." Umakyat agad ako kwarto ko.

Like the usual, buksan muna ang laptop bago magbihis. You know na.

*tok tok*

"Hay nako ikaw talagang bata ka. Hindi ka mabubuhay nang walang internet no? Eto na yung donuts mo sinamahan ko na ng pizza." Sabay lapag nung tray sa study table ko.

PIZZA AND DONUT IS HART HART

"MA!!! THANK YOU THANK YOUUUUUU!!!" nagpapadyak ako sa harapan ni mama. alam niya talaga yung favorite kong pagkain eh!!

"Ang takaw mo ah! By the way, kamusta nga pala yung manliligaw mo?" Bigla akong nabilaukan sa pagkakasabi ni mama!

"Ma naman! Eh ayun nga ma, hindi ko alam. Pagtapos nung kahapon? Boom! Wala na. Ewan ko ma." Tumango nalang si mama. Nang biglang--

*tingkkkk* (may nagchat!!!!!!)

●Nate Lerie Anderson (5min ago)
Hi, Linette! Ako nga pala si Nate, yung kahapon, hehe :)

PANO NIYA NALAMAN YUNG FB ACCOUNT KO?!

Biglang pumalakpak si mama, "AYIEEEE NAK OH HI DAW SABI NI POGIII!!!"

Napabuntong-hininga nalang ako sa naging reaksyon ni mama. Parang bata. Mas excited pa siya sakin. :(

"Mama naman eh. Hindi ko nga kilala yan eh! Tas kikiligin ka pa?!" Pagmamaktol ko kay mama.

"Ano ka ba! Okay lang yan nak! Chat mo na dali!" Kinukuyog ako ni mama para lang ichat yung lalaking yon. Sino ba kasi siya?

"Okay eto na ma, okay na?" Nagiisip na ko ng maichachat dun kay Nate.

•Sofie Linette Pressman
Hello!

"AYIEEEE!!" nagulat ako nang biglang tumili nang malakas si mama.

"Ma naman, ang ingay mo. :-("

"Ang first love ng anak ko!!!" ngawa ni mama na parang ewan hay nako.

"Mama, ang mabuti pa dun ka nalang po sa kwarto mo kasi matutulog po muna ko." pagpapaalis ko kay mama HAHAHAHA.

"Ayy ang gaga! Masyadong possessive kay pogi!" Hala si mama talagaaaaa :-((

"Ewan ko sayo ma."

Yun nalang ang huli kong naalala bago ko makatulog.

>>>>>>>>>>>

"Linette, will you marry me?" lumuhod siya sa harapan ko at saka nilabas yung singsing.

Maraming tao ang nakapalibot sa amin at mukhang tuwang tuwa sila. May mga bata, teenagers at matatanda.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Masayang masaya akong sinabi ang "NATE YE---"

Naputol ang sasabihin ko nang dumating si Mika. Bakit siya andito at anong ginagawa niya?!

"HINDING HINDI MO PAKAKASALAN YAN!" galit na galit ang mukha niya at----

"SOFIE ISA NALANG PAG HINDI KA GUMISING DYAN BUBUHUSAN NA TALAGA KITA NG TUBIG!" si kuya marco pala!!! panira ng panaginip! este ng tulog pala!

"Ano ba kuya yang iniiyak mo dyan?! Sarap sarap ng tulog ko eh!" Binato ko si kuya ng unan! HAHAHA!

"Aalis tayo ngayon diba? Anong oras na!!" sigaw niya sa mukha ko, yung laway niya umaabot saken!! eww!

Dun ko lang napagtanto na buong gabi pala ko nakatulog kahapon, tapos ngayon 8am na, eh ang lakad nga pala namin ay 9am!! Patay nanaman ako neto!! :-(((

SakaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon