Habang nasa byahe, antok na antok pa din ako. Pero hindi ko talaga makalimutan yung panaginip ko! Andun daw si Nate pero bakit andun din si Mika? Ang epal talaga non.
Infairness naman kay Nate, pogi siya tapos mabango. Yun lang! Ni hindi pa nga kami close nun para sabihin kong mabait siya.
Patagal nang patagal nakaramdam na ko ng antok......
"LINETTE NAMAN ANO BA TULOG KA NG TULOG!! ANDITO NA TAYO!!"
Bwiset talaga 'tong si kuya kahit kelan e, kitang natutulog ako tapos bigla niya kong gigisingin?! Hayf!
Bumaba nalang ako ng kotse at inirapan si Kuya. Kinuha ko na yung bag ko sa likod ng sasakyan at dumiretso na sa hotel.
Aaagh, ang sarap ng hangin dito!! Kahit 9am na at medyo patanghali na, ang sarap pa din ng hangin.
LIEMARPAU BEACH RESORT
Nabuhayan ako ng dugo habang pinapagmasdan ko yung mga alon ng tubig, gusto ko tuloy lumangoy :-( Kaso naalala ko di nga pala ko marunong haaays :'-((((
Pumasok na ko sa hotel at napagpasiyahan na matulog muna ulit. "LINETTE KAKAIN DAW MUNA SABI NI MAMA!!" amf! kelan kaya titigil tong si kuya? Ang sarap lunurin! Dejk mahal ko po yung kuya kong disaster ♡
Sinunod ko na yung sinasabi nung bwiset kong kuya at bumaba sa pantry. Pagbaba ko may napansin ako na agad napukaw ng mata ko.
"N-nate?"
Namamalik mata ba ko? Pinikit pikit ko yung mata ko para masigurado kung si Nate nga talaga yon. Si nate nga! "Oh linette? Hi!"
Nastun ako ng mga five seconds HAHAHAHA (nabilang ko po talaga) Winave niya yung kamay niya sa mukha ko para matanggal ang kahibangan ko. "Ahh h-hello. Hehe, bat ka andito?"
(A/N: WOW SAYO LINETTE?)
"Ah wala naman, namamasyal lang. San punta mo?" Sabi niya with matching ngiti ngiti pa na abot sa edsa. "Ahh sa pantry lang. Una na ko ha?" Nagbabye na ko sakanya at nakakailang steps pa lang ako--
"Linette! Hatid na kita? :)" hindi na niya inintay yung sagot ko at agad akong dinala sa pantry.
Ang bagal ng lakad namin, ewan ko kung nahihibang lang ako or ewan. Basta siguro mga 30 minutes kaming naglakad eh mga nasa 4th room lang yung pantry.
Maya-maya.....
"AYY PUTANG--!!!" napasigaw ako pero agad ko namang natakpan nang bigla kong naramdaman yung kamay niya..............sa kamay ko. (Wag kayong green minded.)
Yung ibang tao na kanina'y may iba't ibang churvaloo ay natingin samin. May mga bata, pero mas marami yung matanda. Lumakas yung bulung-bulungan. "Di ba yan yung anak ni Mr. Anderson? Ang gwapo! Teka sino yung kasama niya? Ang ganda ah! Mukhang girlfriend ata."
Si nate ba yung tinutukoy nila? At ano daw?! Anak ng may-ari netong resort! Holly horse! Rk ang anak ni mayor!! Wohooo!!
"Andito na tayo. So pano? Iwan na kita dito?" tugon niya nang nakarating na kaming pantry. Tumango nalang ako at hindi na nakapagpasalamat sa sobrang hibang ko.
"Anak! Anak!" Nakita ko na ang kamay ni mama na nagwewave malapit dun sa may bintana kung saan mo makikita ang dagat.
Pumunta na ko don, "Ang ganda naman dito ma! Dito nalang tayo tumira!" Di ko na napigilang ang sarili ko sa sobrang ganda talaga ng lugar. Binatukan ako ni mama, "Gaga hanggang bukas lang tayo dito no!"
Bigla kong napasimangot sa sinabi ni mama :-( Good bye baby blue sea. "Oysh! oysh! Tama na drama kumain ka na dito. Meron ditong sweetened scallop saka lobster, yung favorite mo."
BINABASA MO ANG
Sakali
Teen FictionPreface: "Ano ba ang kahulugan ng Love? Meron ba? Kung meron, ano? Marami ang hindi makasagot sa tanong na ito..." Bumagsak ang ulo ko sa lamesa ko habang nagsusulat ng mailalagay sa project namin. Ewan ko ba dun sa teacher namin! Dyahe! Kala mo na...