Chapter 1

52 2 0
                                    

  * And if you feel your sinking I will jump right over into cold, cold water with you*

   Nagising ako dahil sa Alarm sa cellphone ko. Pasukan na pala kaya maaga na naman ang gising ko ngayon.

   Pumunta na ako ng banyo at nagmamadaling naligo. At dahil First day ngayon ay dapat hindi ako ma late. Ayaw na ayaw kong na lelate ako.

   Pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan kung kumakain na sila Mommy at Kuya.

"Good Morning Baby, kain ka na para makapasok ka ng maaga" sabi ni Mommy

"Good Morning Princess" bati ni Kuya Angelo

"Good Morning Angela" bati naman ni Kuya Marco

"Good Morning rin po" sabi ko at humalik sa kani-kanilang pisngi.

"Maupo kana" sabi ni Kuya

"Baby sumabay ka nalang sa mga Kuya mo, may lalakarin pa kasi ako" sabi ni Mommy habang kumakain kami.

"Sige po, Okay lang naman" sagot ko

"Kanino ka sasabay sa'kin o kay Kuya Angelo?" tanong ni Kuya Marco

"Sa'kin ka nalang sasabay Princess" sabi naman ni Kuya Angelo.

"Sige, kay Kuya Angelo nalang ako sasabay Kuya" sabi ko kay Kuya Marco

"O sige" sagot nya

   Ganyan sila ka sweet sa'kin, tinatawag nila akong Baby kundi Bunso o minsan naman ay Princess. Napakaswerte ko talaga sa kanila.

   Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa sasakyan ni Kuya.

"Ano, ready ka na ba Angela?" tanong ni kuya.

"Yup, I'm always ready" pagmamayabang ko.
    
   Narinig ko namang tumawa si Kuya.

"Ikaw talaga, kahit kailan napakayabang mo parin" sabi ni kuya at ginulo ang buhok ko.

"Kuya naman" simangot ko at inayos ulit ang buhok ko.

"Pero wag na wag mong kakalimutan ang sinabi namin sa'yo" sabi ni kuya

"I Know kuya. Hindi rin naman ako papayag na lalapit sila sa'kin" nakangiting sabi ko.

"Mabuti naman" sabi nya

   Ganyan sila, palagi nila akong sinasabihan sa t'wing lalabas o nasa eskwelahan ako. Books first before Boys, yan ang palaging nilang sinasabi sa'kin. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan ni Mama. Mahal na mahal ko sila kaya hindi ko sila bibiguin. Mag-aaral ako ng mabuti gaya ng ipinangako ko sa kanila.

"Baba ka na Angela, nandito na tayo" sabi ni kuya at bumaba na ng sasakyan.

"Bye Kuya, una nako See you later. LabYou" paalam ko sa kanya.

"Bye Princess, ingat ka ha yung bilin ko sayo wag mong kakalimutan. See you later, LabYou Too" sagot nya.

   Naglalakad ako ng biglang tumunog yung phone ko. Si Jane pala nag text.

From Jane:
   Girl, asan ka na? Nandito kami sa Cafeteria puntahan mo nalang kami dito.

   Hindi ko na sya ni replyan at pumunta na ako sa Cafeteria. Doon ko naman sila naabutan. Cafeteria o Gym ang tambayan namin ng mga kaibigan ko.

"Ayan na si Angela" sabi ng kaibigan kung bakla, si Jennifer. Actually Jasper naman talaga ang pangalan niya pero pinalitan niya ito dahil bakla siya, Haha.

"Hi guys" bati ko sa kanila

"Alam na namin kung anong section ka, magkaklase pa rin tayo" sabi ni Jane

You and Me for a Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon