Prologue

52 1 0
                                    

(Flashback)

     Habang iyak ako ng iyak ay may batang lumapit sa'kin.

"Uy bata, ba't ka umiiyak?" tanong niya sa'kin.

"Wala" sabi ko sabay punas ng mga luha sa mata ko.

"Wag ka nang umiyak. Ako nga pala si John, ikaw anong name mo?" pagpapakilala niya sa'kin.

"Ako naman si Michelle" pagpapakilala ko rin sa kanya.
    
      Umupo ako sa may upuan sa harap ko at tumabi naman siya sa'kin. Nandito kasi ako sa school kaya may upuan. Umiyak ako kanina dahil inaaway ako ng mga kaklase ko. Palagi nila akong inaaway dahil wala raw akong Daddy, ang sabi ni Mommy hindi ko nalang daw sila papatulan dahil wala silang alam kaya sa tuwing inaaway nila ako ay lalabas ako ng room at iiyak. Pero ngayon hindi ko inakala na may bata palang kakausap sa'kin.

"Okay ka na ba? Ba't ka nga pala umiiyak?" tanong niya.

"Oo, okay na'ko. Umiiyak ako dahil sa mga classmate ko, palagi kasi nila akong inaaway na wala daw akong tatay." sumbong ko sa kanya.

"Alam mo Michelle, wag mo nalang silang pansinin inggit lang sila sa'yo at kapag inaway ka nila ulit wag ka naring umiyak dahil kapag iiyak ka mas lalo ka nilang aawayin kasi umiyak ka, ang dapat mong gawin ay  pabayaan nalang sila."  sabi niya.

"Thank You John ha! Ilang taon ka na pala?" tanong ko.

"6 years old na'ko. Ikaw?" sagot niya.

"6 years old? Pareho lang pala tayo, 6 years old din ako. Pero teka, ba't ang galing mo nang magpayo para kang hindi 6." natatawang sabi ko.

"Ganyan kasi ang ginagawa sa akin ng Mama ko sa t'wing iiyak ako. Palagi niya akong pinapayuhan." sabi niya.

"Pwede bang maging Friends kita? Wala kasi akong mga Friends dito." sabi ko.

"Oo naman. Ano, Friends?" sabi niya sabay lahad ng kamay niya sa'kin.

"Friends". Tinanggap ko naman ang kamay niya.

(End of Flashback)

   Sa t'wing naaalala ko yon palagi ko siyang naiisip. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay naging magkaibigan nga kami, hindi lang basta kaibigan naging bestfriend ko rin siya. Umabot ng 4 na taon yung pagkakaibigan namin palagi kaming masaya, lagi siyang nandyan sa tuwing inaaway ako at sabi niya hindi raw niya ako iiwan. At sa loob ng 4 na taon ay unti-unti akong nagkakagusto sa kanya, natatawa nga ako sa t'wing naiisip kong nagkagusto pala ako sa kanya. Ang bata-bata pa kaya namin at nagkagusto na ko sa kanya.

   Akala ko hindi nya ko iiwan pero nagkamali pala ako. Kinailangan nila ng Mama niya na pumunta ng ibang bansa dahil pinatawag sila ng Papa niya. Nung nalaman ko yon ay nagalit ako sa kanya, dahil sabi nya wala raw kaming iwanan, eh siya lang pala tong mang-iiwan. Bago sila pumunta sa Airport ay pinuntahan nya ko sa amin. Gusto nya raw mag sorry at magpaalam sa'kin bago siya umalis. Dahil nga galit ako sa kanya ay hindi ako lumabas ng kwarto ko, tinawag ako ng Mommy ko na aalis na daw sila pero hindi talaga ako lumabas kaya wala siyang nagawa at umalis nalang siya. Iyak ng iyak at sising-sisi ako nung araw na yun dahil hindi ko man lang siya pinansin at hindi kami nakapagpaalam sa isa't-isa.

   6 na taon na ang nakalipas simula nung umalis siya. Marami na ang nag bago. Pareho na siguro kaming 16 ngayon, 10 pa kasi kami pareho nung umalis siya. Mas naging matured na'ko, overprotective na din sa'kin ang mga kuya ko pinagbabawalan nila akong ligawan dahil daw baka masaktan ako gaya ni Mommy. Kaya naisip ko rin na hindi nalang ako mag entertain ng mga manliligaw ko. Marami nang nanliligaw sa'kin pero walang niisa sa kanila ang sinagot ko. Yung iba naman ay nagpumilit pero sumuko nalang sila dahil tinakot sila ni Kuya at hindi ko rin sila pinapansin.Natatakot kasi akong masaktan, baka iwan na naman ako gaya ng ginawa ni Daddy at ni John.

You and Me for a Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon