Chapter 2

36 1 0
                                    

   Nandito na'ko sa school ngayon. Magkasama kami ng mga kaibigan ko.
 
   Pero parang naiihi ako.

"Guys tara pasok na tayo sa room" yaya ni Mae.

"Ahm Girls, una lang muna kayo. Niihi kasi ako eh" sabi ko sa kanila

"Samahan nalang kita Angela maaga pa naman" suggest ni Anne

"Wag nalang kaya ko naman eh. Una nalang kayo" sabi ko

"Sure ka ha? Baka mapano ka" sabi ni Jane

"OA nyo naman, pupunta lang ng Cr mapano na kaagad?" tawa ko

"Baka mag-alala kasi si Marco Myloves sayo eh, kasi mag-isa ka lang" kilig na sabi ni bakla

"Basta. Niihi na talaga ako, Bye guys!" Paalam ko sa kanila

   Naglakad na ako papuntang Cr ng may napansin akong tatlong lalake na nakatingin sa'kin. Hindi ko nalang sila pinansin at tinuloy ang paglalakad.

   Sa hindi inaasahan ay bigla nalang nila hinatak ang braso ko. Patay!

"Hi Angela"sabi nung lalaki (Boy1)

"Hello, sige mauna na'ko" sabi ko at kinuha yung braso ko na hinawakan nya.

   Maglalakad na sana ako ulit nang kamay ko naman ang kinuha nya.

"Mamaya nalang, maaga pa naman eh" sabi nung isa pang lalaki (Boy2)

"Oo nga, baka pwede tayong mag-usap" sabi naman nung isa pa talagang lalaki (Boy3)

"Sorry nagmamadali kasi ako eh" sabi ko at pilit na binabawi ang kamay ko.

   Lord, Pls. Sana may dumating na tutulong sa'kin. Wala pang masyadong maraming tao sa Cr, kasi nga diba maaga pa.

"Ang arte mo naman sandali lang naman" sabi ni Boy3

"Bitawan nyo na'ko pls, kailangan ko nang umalis" sabi ko na nagpipigil sa luha ko

   Pilit kong tinatanggal ang kamay ko na hawak nya. Pero bigla nya nalang ito nabitawan nang may dumating na naman na lalaki.

"Hoy! bitawan nyo nga sya" sabi nung lalaki na bagong dating

   Thank you Lord at may tumulong na sa'kin. Baka pagalitan ako nila Kuya pag nalaman nya to.

"Teka? Sino ka ba ha?" sagot ni Boy2

"Di nyo na dapat malaman yun" sabi nung lalaking tumulong sa'kin at hinila ako palapit sa kanya.

"Pakialamero ka ha, kabago-bago mo lang dito at ganyan ka na umasta" sabi ni Boy1 at aakmang susuntukin yung lalaki.

   Bago sila nagsuntukan ay biglang may dumating na Security Guard. Buti nalang, baka mag-away pa'tong mga to.

"Hoy! Hoy!" sabi ni Manong Guard na tumatakbo papalapit sa'min.

   Mabilis na tumakbo yung mga 3 lalaki.

"Okay lang kayo? Hindi ba nasaktan yung Girlfriend mo?" tanong ng Guard sa lalaki

   Nabigla ako sa sinabi nya. Girlfriend? Yuck, hindi ko nga kilala kung sino yang lalaking yan eh. At saka never ko pang naranasan magka Boyfriend.

"Ahm hindi ko po siya Boyfriend" sagot ko

"Upo, tinulongan ko lang po siya kasi binastos siya ng mga lalaking yun" sabi nung lalaki

"Ah ganun ba? Akala ko kasi magsyuta kayo. Sige mauna nako" sabi nung Guard at umalis na.

   Kami nalang nung lalaki ang naiwan dito. Tinitigan ko yung lalake, bakit parang pamilyar yung mukha nya? nagkita na ba kami?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and Me for a Lifetime Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon