Chapter 10: Ang pagbabago

804 10 1
                                    

Nakauwi na ako sa amin. Naligo ako, kumain ng almusal at naglaro na ako sa ipad ko. Wala naman akong ibang malaro sa ipad ko. Hindi naman ako masyadong marunong gumamit ng ipad. Ganun din sa iPod at iPhone ko. kaya binuksan ko nalang ang mac book ko. 

Ilang oras din akong nakababad sa internet. Nakilala ko kasi si facebook, twitter, at tumblr. At masasabi kong na-adik ako. Marami akong mga taong nakilala. Lalo na sa tumblr. Biruin mo, Nakaka-ilang oras pa lang ako sa tumblr, may 560 na agad akong followers. Kasi, lahat nalang mine-message ko na i-follow ako. Odiba? ang galing! Halos lahat ng posts ko hindi nauubusan ng notes. Nag post ako ng HI, maraming nag like. Ang galing! naka-ilang oras akong nag tumblr. Fast learner kasi ang lola niyo. Madali ko lang natutunan ang tumblr. 

Walang nang-iistorbo sakin. Kahit si papa. pero friends kami kanina, nung kumain ako ng almusal. nag smile naman ako sa kanya. 

Alas 6 na pala. naka-tumblr pa rin ako. oh, 1200 na agad ang followers ko. kaloka teh! feeling ko sikat na agad ako. marami akong nakilalang mga tao, magaganda't gwapo. pero mas gwapo pa rin si Elay.

Shet. si Elay! magkikita pa pala kami sa Sogo. pinatay ko nalang ang mac book ko. Nagpaganda ng todo. at nagpahatid kay Sep sa Sogo.

Pagdating ko sa Sogo, dumerecho ulet ako sa kwarto niya. Hindi naman ako na-late eh. so ayos lang.

Pumasok na ako sa kwarto, nadatnan ko siyang nakahiga. Hindi ko naramdaman ang hornyness ah. first time. tinabihan ko siya agad. pumatong ako sa kanya. OO. pumatong talaga. kahapon lang kasi ako pa-virgin. na expire na yung pagiging pa-virgin eh. nakalimutan kong mag pa register ulet sa 5566 para maging unli pa-virgin. de joke lang.

pero bakit ganun? kahit nakapatong ako sa kanya, hindi ako na-horny. wala talaga as in. so umupo nalang ako sa kama. okay na sana ang lahat eh. i-kikiss na niya sana ako. pero okay lang. hinawakan niya naman ang kamay ko. ok na siguro yun.

"may problema ka ba?" tanong ni elay.

"hiwalay na tayo elay."

hindi ko alam kung bakit sinabi ko yun. hindi pa nga siya nanliligaw, tapos hiwalay agad? napaka tanga ko talaga. siguro dahil wala na akong ibang inisip kundi ang mag tumblr. HELLO? FAMOUS AKO AGAD!

"hiwalay agad?" tanong niya. nakatingin lang  siya sakin.

nakatingin lang din ako sa kanya. hindi ko alam eh. 

"kung yan ang gusto mo, okay lang sakin. basta friends pa din tayo ah." 

tumango lang ako. ang laki ko talagang tanga. lumabas sa kwarto. lumabas sa sogo. mangiyak ngiyak lang ako. nagpasundo ako kay Sep. at umuwi na.

.

.

.

Ilang buwan ang nakalipas, ang relasyon namin ni Elay ay naging isa nalang alaala. Pero ganumpaman, wala akong pinagsisihan. 4000 na ang followers ko sa tumblr. Hindi ko naman sinasabi na mas importnate ang tumblr kay sa kay Elay, pero mas masaya kasi ako dun. Balang araw, malay mo, maging kami ulet, diba? Tink pasitib lang ako lage. Sa ganda ko bang to, sino makakatanggi?

Marunong na din pala akong mag english ngayon. At yan ay dahil sa papa jack ko. close na nga pala kami. Si sep? magkalaro kami sa Draw Something. Masaya naman kahit papaano. dumadalaw naman si Elay dito paminsan minsan, kasi nga friends kami. Si niezel din. Si Anne? Ewan ko kung anong nangyari dun. Wala akong pake sa kanya.

Sa isip ko lang, single man ako sa ngayon, pero may mac book, ipod, iphone, at ipad naman ako. And that's close enough.

Si TinderellaaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon