Chapter 5: Ang pagbabago ni wonder lola

501 7 3
                                    

“Tinderellaa!”

“Tinderellaa!”

“TINDERELLAA!!”

Tinatawag na pala ako ng lola. DInistorbo na naman ako sa pagpapaganda ko sa harap ng salamin.

“asan ka ba tinderellaa?!”

Nakakahiya talaga tong lola ko. Gabing gabi na, sigaw pa rin ng sigaw. Di na nag-isip kung nadidistorbo ang mga kapitbahay. Tsaka broken hearted ako. Kailangan kong mag-emote! Tiyak akong may ipatatarabaho na naman tong matandang to. Pero dahil no choice ako, lumabas nalang ako sa  banyo.

“la, bakit po?” mahina lang ang boses ko. Kasi kagagaling lang mag emote.

“hala, may problema ka ba apo? Kumain ka na muna.”

Hinawakan niya ang balikat ko. Bigla tuloy akong natakot kasi baka bubugbugin na naman ako. Pero laking gulat ko nung nihatid pa niya ako sa hapag kainan. Ano to? Ba’t bigla siyang bumait? Dahil kaya ito sa sobrang sarap na ginawa nila ni Sep? Ewan ko talaga.

“Oh hija, kain ka na. Tinirhan talaga kita. Masarap yan, sinigang na bangus.”

Pinaupo niya ako. maliit lang ang mesa. Nasa mesa ang isang mangkok na may sinigang na bangus, at ang plato kong wala pang kanin. Kinuha ni lola ang kaldero ng kanin at nilagay sa hapag kainan.

Wow. First time tong nangyari sa kasaysayan ng buong buhay ko. Bakit kaya biglang bumait si lola? Mamamatay na kaya siya?

“wow lola. Masaya na sana ako kasi pinapakain mo na ako, pero sunog na kanin lang naman pala ipapakain mo sakin. Na-impress naman ako sa kabaitan mo lola.” Sabi ko, nung nilagyan na niya ng kanin ang plato ko. AND TAKE NOTE, yung maitim talaga na kanin. kasi sunog nga.

“at choosy ka pa talaga? Buti nga’t tinirhan pa kita eh! Inggrata ka talaga kahit kalian!”

NAMAN! Ikaw kaya. Tinirhan ka nga ng pagkain, SUNOG naman! Hay buhayyy!

“kumain ka na, at huwag ka na muna magbenta ng rugby bukas. Darating kasi ang papa mo bukas.”

Nabulunan ako nung sinabi niya yun. Tengene lang.

“ano? Hindi ako makikipagkita sa kanya! Iniwan na niya ako, kaya bakit pa niya ako pupuntahan?” subo lang ako ng subo pagkatapos kong masabi yun. Hindi ko nalang pinansin na ampanget ng lasa ng sunog na kanin.

Hindi ko alam kung magagalit ako or matutuwa kasi parang gusto ko rin naman siyang makita para masumbong ko itong si lola sa pagmamalupit niya sa akin.

“basta, pupunta siya bukas. HARAPIN MO.” Pagalit na ang kaniyang boses.

Oh sige, para masumbong talaga kita. Huling subo ko na, nung tinanong ko si lola,

“eh bakit ba niya ako iniwan?”

“kasi ampanget mo.” Sagot ni lola sa tanong ko.

Masakit na salita, nasaktan ako.

“eh maganda naman ako inside and out ah. Char lang. Basta, ayoko sa kanya, kasi iniwan niya ako.”

“mayaman ang papa mo. Mabibili ka niya ng magagandang damit.”

Nakatingin ang lola sa reaksyon ko. Nakangiti kasi ako. Mayaman daw eh.

“Mayaman ba kamo?” makakabili na rin ako ng magandang tsinelas para matalbugan ko si anne.

“Sige, makikipagkita na ako sa kanya bukas.” Dagdag ko.

Baka kasi ilibre niya ako ng halo halo sa Jollibee. Grabe, hindi pa talaga ako nakakapunta sa Jollibee, or nakatikim man lang ng halo halo. Tsaka makakabili na rin ako ng magagandang damit. Lalo na yung damit na kulay pusha. Sabi kasi ni niezel, uso daw yun.

“nakarinig lang ng mayaman, eh nagbago na agad ang isip.”

Tinawanan ako ni lola.

“aba siyempre! HAHAHA”

Nagtawanan lang kami.

“teka lola, bakit ambaet mo ngayon? Kukunin ka na ba ni kamatayan?”

Napatigil siya sa pagtawa. Eh nakakapagtaka talaga kasi ang bigla niyang pagiging mabait.

“aba, darating ang papa mo bukas! Kailangan mokong sabugan ng grasiya. Malalagot ka talaga sakin kung wala”

SABUGAN NG GRASIYA? Eh ikaw kaya ang pasabugin ko? At tinakot pa talaga ako!  Hayop ka talaga kang matanda ka! Plastic ka! Tangina mo ka! Sabi ko sa isip ko.

Tumayo na ako at niligpit ang aking pinagkainan.

“ano ba oras darating si papa bukas?” tinanong ko si lola habang papunta ako sa kusina para hugasan ang plato ko. Nasa mesa pa rin si lola.

“Mga alas 10 daw ng umaga. Kaya matulog ka na agad pagkatapos mo jan.”

Tumayo na si lola at pumasok sa kanyang kwarto. Habang naghuhugas ng pinggan, iniisip ko kung ano kaya ang itsura ni papa. Kung ano ang itatawag ko sa kanya. Kung papa ba or daddy.

Si TinderellaaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon