Chapter 3: Ang muling pagkikita

643 8 8
                                    

Lumabas na si Lola. galit na galit. Dahil ba chismosa ako, oh dahil napahiya siya kasi sa tanda niyang yan, nanonood pa siya ng porn. jusme naman oh.

"SA LABAS KA MATUTULOG NGAYON" sabi ni lola.

ano daw? eh hello? alas cuatro pa ng hapon, patutulugin agad? tsaka pwede ba. gutom na gutom na talaga ako eh.

Hinila niya ako palabas. Sinara lahat ng pinto. Eksaherada. eh isa lang naman ang pinto. Masakit pala  ang feeling na ginaganito ng lola palagi. Yung walang man lang magtatanggol. Hindi ko na kaya. kinse anyos lang ako. ang sakit sakit.

Iniwan ako sa labas. Kasama ko lang naman sa labas ang mga langgam. Ang plangganang pinaglabhan ko. Ang mga damit na nakasampay. Ang lungkot ko. Nagugutom pa ako. Kaya naisipan kong lumabas muna, para makahingi ng pagkain. Bubuksan ko na sana ang gate, kaso may puting kotseng huminto sa labas ng gate. Bumukas ang pintuan sa harap. At bumaba ang isang lalake. Pamilyar ang lalake. Matikas. Naka shades pa. wow ha, hapon na hapon, naka shades? K. Naka 3/4ths na polo. Naka jeans. Ang coool. Kaya pala pamilyar, siya si Sep!

"Sep! Anong ginagawa mo dito!" tanong ko. na excite ako eh kasi natunton niya ako.

"Sinusundan mo ba ako? Hindi mo makaya ang kamandag ko noh?" Eto na naman ako. feelingera na naman. pero wala akong pakialam. Ang ganda ko kaya!

"oo, sinundan talaga kita!" sabi niya. Wow ha. may stalker na ako. ampogi niya lang. nakakahorny talaga.

"kasi mali pala yung bayad ko sayo. Dapat pala 100 lang eh. 5 times 20. 100 lang eh. niloloko mo lang akio eh." sabi niya.

nagulat ako. kasi akala ko matalino. ano yun? nagkamali ng kompyut? humanga na sana ako eh. 

"Kasalanan ko ba yun? Ikaw nag kompyut diba? tapos ngayon sisisihin mo ko? Tsaka nabigay ko na sa lola ko ang pera kaya sa kanya mo nalang hingin!" ang lakas ng boses ko. dinig ata ako ng kapitbahay. daig ko pa si lola kung sumigaw. 

"Ano ba Tinderellaa! Ba't ba ang ingay mo!" Kitams? Nadinig nga ako ng lola. 

"Uy, Sep! ikaw ba yan? Oh Tinderellaa, bakit nakatayo ka lang jan, papasukin mo ang bisita! Baka gulpihin kita jan eh!" na mind-fuck ako ah. (chaar lang. marunong pala akong mag english!) magkakilala pala sina lola at si Sep. 

Pinapasok ko si Sep sa gate.Nung papasok na kami sa bahay, hinarang ako ng lola. 

"JAN KA LANG!" nanlilisik ang kanyang mga mata. kung hindi lang kita lola, baka dinukot ko na yang mga mata mo eh. sabi ko sa loob ko. 

Binigyan na lang ako ng bente pesos ni Sep.Yun oh. nay pambili na ako ng pagkain! Hmmm. ano kaya mabibili ko sa bente pesos? mag-mamagic flakes na nga lang ako. Pupunta nalang ako sa tindahan nina Niezel. 

Mag-aalas singko na. Nagugutom na talaga ako. Habang naglalakad patungo sa tindahan nina Niezel, napaisip ako. Ano kaya ginagawa nina Sep at ng Lola? Wag mong sabihing ginagawa nila yung nasa porn? Hindi ko lubos maisip. Kadiri ah. Bakit naman papatol si Sep sa isang matanda? Ewww ha.

"Uy Tin!" 

"Niezel!!!"

friends kami ni Niezel eh. mula pa nung elementary student pa siya. Oo. siya lang, kasi hindi naman ako pinag-aral ni Lola. kinawawa niya lang ako.

"Anong ginagawa mo dito?" 

"Ay, bawal bang dumalaw? De joke lang. pabili nga ng crackers. Gutom na gutom ako eh. yung mura lang ah" 

"Gusto mo ng mura? Eto, tag tres pesos lang etong Magic Flakes. expired kasi. Gusto mo?" tanong ni Niezel.

Eh hindi ko naman alam kung ano ibig sabihin ng expired eh. yun ba kabaliktaran ng inspire? 

"oo. pabili na ng tatlong piraso ng expired na crackers." 

"Uy. ano ka ba! syempre joke lang yun. tag limang piso ang isang Magic Flakes." 

"bat mo ba ako niloloko? gulpihin kita jan eh!"

"Oh.eto na nga oh. pakabusog ka jan."

"salamat niezel ah. kaibigan talaga kita." 

"bayad mo uy!" 

"galit ka teh? magbabayad naman eh. nagdadrama na nga lang. panira ka talaga!" sabi ko. 

"Uy, may kwento pala ako. may nakilala pala akong gwapo kanina. Shet. ang hot niya. niyakap pa niya ako! nahohorny talaga ako sa kanya. kaso nga lang, holdaper siya."

kinwento ko lahat ng nangyari. 

"kaloka ka talaga tin. sa holdaper ka pa talaga magkakagusto! ang cheap mo ha. HAHAHA" 

habang kinakain ko ang crackers, lumingon ako sa kaliwa, naguho ang mundo ko. isang di kanais-nais na tanawin. ang sakit sakit. 

Si TinderellaaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon