Chapter 9: Revelations

248 7 3
                                    

____________________________________________

Erwin Joseph Fernandez POV:

____________________________________________

Isang buwan na ang lumipas at ngauon ang monthsary namin ni Donnie.

Sa isang buwan na iyon ay naging masaya ang pagsasama namin. Masaya kasama kasi si Donnie. Di nauubusan ng sorpresa. Maalaga at maalalahanin. Higit sa lahat ay pinapakita niyang mahal niya talaga ako.

Madali nalimot ng puso ko paano tumibok para kay Argel ng ganitong kabilis salamat sa kanya. Sabi nga ni Jhepeth si Donnie ang “Wonder Drug” ko. Mabilis ang tama!

Kung sa una pa nga langsa kanya ako na inlove agad. Siguro hindi kami dumaan sa ganoong gulo. Pero look at us now. Heto at masaya.

As for Argel. Simula ng gabing iyon ay wala na akong balita sa kanya. Hindi matawagan o text, burado ang facebook account, maski si Jhepeth at Kenji ay din a rin alam nangyari sa kanya pagkatapos ng gabing iyon.

“Mr. Fernandez, is your mind pre occupied by something else other than what am I teaching here?” pagtawag ng pansin sa akin ng prof. kong mataray na nahuli akong nagiisip ng kung ano ano sa gitna ng klase niya.

“Ah…… Eh……” Ang tangi kong nasagot ko sa kanya dahil na din sa pagkabigla.

“Ok. Sige making ka na at lagyan mo ng angkla ang isip para di lumilipad kung saan saan.” Mataray na sabi sa akin ng prof. ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko ay raratratin ako ng pangaral ng prof. kong ito.

Nakinig naman na ako sa kanya pero nabaling nanaman ang atensyon ko sa iba ng may kumalabit sa tagiliran ko.

“Mhie ok ka lang ba?” bulong ni Donnie sa akin.

“Opo Dhie. May naisip lang.” bulong ko pabalik sa kanya.

Maynarinig naman ako mahinang hagikgik sa likod ko.

“Mhie yung dalawa pinagtatawanan ka.” Sumbong ni Donnie sa akin.

“Mamaya sa akin yang pagkatapos ng klase natin.”

Itinuon ko naman ang atensyon ko na sa pagtuturo ng prof. ko.

Pagkatapos naman ng isang oras ay natapos ang kaisaisang klase namin sa araw na iyon.

Pagkapaalam at pagkalabas ng prof. namin ay tumalikod ako kaagad ako.

“Pinagtatawanan ninyo ako kanina ah!” parang siga kong sabi kay Jhepeth at Kenji.

“Natuwa lang kami. Kasi kanina habang nagiisip ka naka bukas yung bibig mo. Parang susubo ka ng kwan sa itsura mo.” Humagagikgik na sabi ni Jhepeth  na nakipag apir pa kay Kenji.

“Ewan. Bahala kayo sa buhay ninyo.” Banas kong sagot. Totoo naman kasi na madalas pag malalim ang iniisip ko ay naka nganga ako ng di ko namamalayan.

“Dhie Halika na nga. Sa sm na tyo.” Aya k okay Donnie para makaalis na kami.

“Ano gagawin ninyo doon?” Tanong ni Kenji.

“Mag Check in! Matutulog! Maglalaba!” Pangaasar na sagot ko sa kanya.

“Friend Use this baka maka discount kayo.” Sabi niya sa akin habang inaabot ang SM Advantage card na naka ngisi.

Wala akong panalo sa araw na iyon sa pangaasar ng dalawa sa akin kaya lmuabas na lang ako ng classroom asar na asar. Habang karay karay ko si Donnie.

“Che, Pasalubong na lang sa amin ni Kenji. Happy Monthsary!” Sigaw ni Jhepeth na naka dungaw sa pinto ng classroom namin.

 “Mhie wala kang panalo ngayon sa dalawa ata.” Natatawang sabi sa akin ni Donnie.

Kiss The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon