Chapter 14: Cat fight

143 5 2
                                    

Erwin Joseph Fernandez POV:

Hirap akong imulat ang mata ko pero ipinilit ko pa din at tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga ko. Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa sakit. Nagtaka naman ako at bakit ang damang dama ko ang lamig sa balat ko.nagulat na lang ako ng masilip ko sa ilalim ng kumot na wala akong saplot.  Pagtingin ko sa kaliwa ko naman ay si Donnie agad ang nakita ko. Tulog pa din ito naka nganga at wala din itong saplot tulad ko.

“naginuman nga pala kami kagabi nila Jhepeth.” mahinang usal ko.

“Mhie good morning….” Bati sa akin ni Donnie na matatawa ka kung sakali ikaw maka kita.

“Good morning din.” Humahagikgik kong sabi.

Umupo naman ito sa tabi ko at niyakap ako.

“Mhie I love you.”  Bulong niya sa akin.

“I love you more Dhie.” Bulong ko pabalik.

“pa kiss ako.” Naka nguso nitong sabi.

“Ewww! Morning breath! Toothbrush ka na muna!” sabay balikwas ko  sa kama patayo at nagtatakbo palayo sa kanya.

Nasa akto akong ganun ng bumukas ang pinto at bumulaga si Mama. Knowing na wala pa akong ni kahit anong saplot sa katawan ay napasigaw ako at luhod sa kinatatayuan ko para takpan ang alam ninyo na.

“Mag bihis na kayo. May pagkain na sa baba.” Naka ngising sabi ni Mama habang sinasara ang pinto.

“Dhie, bihis ka na mauna ka na sa baba.” Naka nguso kong sabi.

“Opo aking porn star na nahuli ni Mama.” Pangaasar nito sa akin.

Dalian naman nag bihis si Donnie pati na rin ako. Pagkadamit nito ay hinalikan ako nito sa pisngi at bumaba na papunta kila Mama.

Ako naman ay nagsuot lang ng boxer shorts at sando. Pagkatapos ay inayos ang kwarto. Napansin ko naman ang cellphone ko na naka patong sa side table.  Kinuha ko ito at tinignan ang cellphone chain na binigay ni Argel. Napabuntong hininga na lang ako.

“This should end…” mahinang bulong ko habang naka tingin pa din sa cellphone ko.

Napagdesisyonan ko na tangalin ang cellphone chain na binigay sa akin ni Argel  at itinabi na lang ito sa shoebox na nasa cabinet ko. Kasama nito ang mga souvenirs noong highschool. Saka nilapag ko ulit ang phone ko sa side table. Akmang lalabas na ako ng pinto ng kwarto ko ng tumunog ito palatandaang may txt na natangap pero di ko na iyon pinansin at lumabas na ng kwarto.

Lumipas naman ang maghapon at dumating ulit ang dalawang kumag kong kaibigan. Sila Jhepeth at Kenji. Nagyaya ang dalawa na gumala sa isang mall sa divisoria.

“Peth, Sure ka ba na nasa  Divisoria pa tayo?” Sabi ko habang linga ng linga sa mga nakapaligid sa akin.

“daig mo pa si Dora. Ang galling mo humanap ng magagandang pasyalan.” Si Donnie.

“Tamana daldal. PapaDonnie, pahiram muna ako sa bestfriend ko ha! Baby Kenji, Igala mo si Donnie” sabi ni Jhepeth habang mabilisang hinihila ako palayo sa boyfriend ko.

Nagtatakang tingin lang ang ibinato ko kay Jhepeth habang patuloy kaming naglalakad. Ng makarating naman kami sa Starbucks ay agad pumasok ito at pinaupo ako sa pinakamalapit na sofa.

“My treat.Marami tayong paguusapan.” Naka ngiting sabi nito sa akin habang nasa harap ng counter.

“Ayan nanaman po kami….” Sabi ko na lang sa loob loob ko.

Maganda naman ang naging takbo na usapan naming ni Jhepeth. Lahat ng dapat niya malaman ay sinabi ko sa kanya. Wala ni isang detalye akong pinalampas.

Kiss The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon