1. WHERE AM I?

55 10 2
                                    

"Three! Two! One! HAPPY 17th BIRTHDAY JAMAICA!"

"Woooooo!"

"Maligayang kaarawan!"

Sigawan ng mga bisita at kamag-anak ko habang ang mga kaklase ko naman ay nagpatunog ng torotot at sinindihan ang 17 fireworks na binili nila para sa akin. Kung tutuusin nga parang new year ang birthday ko dahil ang ingay pero masaya.

How sweet! Hindi ko akalain na magagawa nila ito sa akin dahil napaka sungit kong President. Palagi ko silang sinisita at pinapagalitan pero laking gulat ko nang binilhan pa rin nila ako ng regalo at sinamahan pa nila akong i-celebrate ang aking kaarawan. Hindi ko alam kung guilty ako or what. Basta ang alam ko, ginagawa ko lang ang ikabubuti nilang lahat.

"Blow the candles!" Sabay-sabay nilang sigaw kaya napangiti ako ng malaki.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim at humiling kay Lord sabay ihip sa mga kandelang nakapalibot sa 4 feet na chocolate cake. Nagsipalak-pakanan naman silang lahat at nag-congratulation sila akin nang mapatay ko na lahat.

Jeez! Pinagpawisan pa ako.

"What's your wish Jamaica!?" Biglang sigaw ni Kim, my classmate since first year high school. Siya rin ang pinaka una kong naging kaibigan na lalaki sa school. Actually, napaka famous ang lalaking 'yan sa school. Maganda na nga ang boses, gwapo pa. Saan ka pa? Eh di siya na!

I chuckled. "Ang wish ko sana tumino ka na at magstick-to-one!" Sigaw ko rin pabalik na naging dahilan ng tawanan.

Nakita ko siyang napakamot sa batok niya, habang ang katabi naman niyang si Yera ay grabe kung tumawa dahil napaka lakas at hawak-hawak pa niya ang balikat ni Kim.

Haist! Sana palagi na lang ganito. Yung wala kang pinoproblema at palagi kang nakangiti. Pero malabong mangyari iyon dahil ang buhay ay napaka raming pagsubok. Hindi natin alam kung kelan darating ang pagsubok na iyon kaya dapat lang na parati tayong handa. Diba?

Pinagmasdan ko silang lahat. Napangiti ako bigla nang makita ko ang mga kaklase kong pinagtritripan nila sina Yera at Kim. Actually, may something ang dalawang iyon pero ayaw nilang sabihin. Tsk tsk!

Pagkatapos ng tawanan. Naglaro na kami ng kung anu-ano hanggang sa mapagod kaming lahat at maubos ang mga premyo. At higit sa lahat, naglaro kami hanggang sa matapos na aking kaarawan. But, nag-enjoy pa rim ako ng sobra-sobra at ito na yata ang pinaka masayang birthday party na nangyari sa buhay ko. Hmm. Paano na lang kaya sa Debut ko? Baka dalawang araw kaming mag-ce-celebrate. Hahaha.

"Okay guys! Magpahinga na tayo dahil umaga na at may trabaho at pasok pa tayo bukas!" Pag-aannounce ni Jeffry, my vice president, kaya natawa kaming lahat.

Naupo na nga kami at nagpahinga. But after few minutes, umakyat na ako ng stage para sa closing speech ko.

"Good morning everyone!" Panimula ko kaya natigilan sila sa kanilang mga ginagawa at tumingin sa akin. "First of all, thank you for coming guys. Dahil kung wala kayo, hindi ko naenjoy ang birthday ko. Well, I know that we are all busy for our projects and assignments pero nagawa niyo pa ring pumunta dito upang samahan akong icelebrate ang birthday ko. Thank you so much guys. Lalong-lalo na sa tatlo kong bestfriends na sina Kim, Yera, and Kelly. Thank you guys dahil muntik ko nang makalimutan ang birthday ko at buti na lang nandiyan kayo para ipaalala sa akin ang napaka importanteng araw ko." Nagsitawanan naman ang mga tao sa sinabi ko. "And of course, to my Uncle John and Aunt Emy for caring and loving me since my parents left me." I smiled. "Once again, thank you guys for everything. And also thanks to God for the blessings. Happy birthday to me!" Ani ko at nagsitayuan ang mga ito habang pumapakakpak.

Pagkababa ko ng stage, sinalubong nila ako ng napaka higpit na yakap.

"We love you Jamaica." Sabi ni Yera na nakayakap sa right arm ko.

JAMAICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon