3. Always black!

40 8 0
                                    

4 o'clock pa lang ng umaga ginising na ako ni Henrick kaya muntikan ko na siyang bugbugin kanina dahil ayaw na ayaw kong ginigising ako ng napaka maaga. Tsk. At sa sobrang inis ko, nagpagulong-gulong ako sa kama dahil bigla kong naalala na training ko pala ngayon kung paano gumamit at humawak ng baril.

I sighed.
Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa nilang dahilan kung bakit nila ako kinuha ng basta-basta. Pwede namang sabihin nalang nila ang totoo kesa gumawa ng karumal-dumal na istorya. Tsk. Nararamdaman ko tuloy ang nararamdaman ng mga kaibigan ko at nila Uncle John at Aunt Emy. Sadness and Pain.

"Bilisan mo, Jam. Excited na kaming turuan ka." Ani ni Henrick na naka upo sa sofa.

I rolled my eyes. "Alright." Saad ko at inaantok akong pumasok sa CR para maligo.

Klark told me yesterday bago ako matulog na sa undergound ng HQ kami magtre-training bukas. Ang sakit tuloy ng ulo ko kakaisip kung ano ang itsura ng Underground. Tsk.

Today, I'm wearing black-crop-top shirt na ang nakasulat doon ay "Move, give way, Bith Queen is on the way", and jeans and black converse. Sa totoo lang ang-co-cool ng mga damit ni Jeana. Gusto ko tuloy palitan ang favorite color kong yellow sa black.

Kasabay ko ngayon si Henrick papuntang Underground and ang sakit na ng tenga ko dahil dada ito ng dada mula kwarto hanggang dito sa library. Pagkapasok namin, naglakad kami papuntang gitna ng library at may inapak-apakan siya doon na naging dahilan para magkaroon ng hagdan pababa sa aming kinatatayuan.

"Cool." Bulong ko.

"Malapit na tayo." Nakangiting wika nito at nauna nang bumaba sunod ako. Habang pababa kami, may mga maliliit na ilaw na nagbibigay liwanag sa dinaraanan namin.

"Welcome, to our HQ's Underground!" Binuksan na niya ang pintuan at nauna akong pumasok.

"Wow!" Reaction ko at umikot-ikot.

Sa left side, nandoon ang boxing area habang sa right side naman ay nandoon ang shooting area. Ang daming baril dito na nakasabit sa mga pader. Hindi ko alam kung ano ang pupulutin ko at gagamitin dahil nagagandahan ako sa mga baril. Sa totoo lang no'ng bata ako mahilig akong maglaro ng baril-barilan kaya napagkamalhan akong tomboy ng mga kaklase ko. But I just laughed and tell them I am not.

"Here, ito ang paborito ni Jeana tuwing nagtre-training siya. Binigay 'yan ng matalik niyang kaibigan noong 9th birthday niya as a gift." Inabot sa akin ni Klark ang isang maliit na baril na may disenyong bungo sa paghahawakan nito.

"Nice one." Ani ko at kinuha. This is my first time na makahawak ng totoong baril and it's really freakin' heavy.

"Come on, time is gold. Kailangan mo nang magtraining" Sabi nito at sabay kaming pumunta sa shooting area.

May binigay si Kent sa akin na parang headphone at saka shade. Sinuot ko ang mga iyon bago ko sinimulan ang training. Sa una, nahirapan akong humawak ng baril dahil mabigat nga. Maliit nga itong hawak kong baril pero ang bigat-bigat, paano na lang kaya ang mga sniper at shotgun? Baka hindi ko na maitaas sa sobrang bigat. Tsk. Paano kaya nahahandle 'to ni Jeana? Unbelievable.

Hanggang tanghali ang shooting practice ko at hanggang hapon naman ang self-defense training ko. At ngayong gabi, magbabawas ako ng timbang dahil may pagka-chubby raw ako. Like DUH! Ang sexy ko kaya.

"Gosh! Ilang years ba ako magpapanggap bilang si Jeana Finn? Mamamatay na ako sa hirap ng training eh!" Pagmamaktol ko.

Umupo ako sa sahig dahil pagod na talaga ako katatalon with jumping rope kanina pa. Wala pa akong pahinga kaya kaunti na lang hihimatayin na ako sa sobrang pagod.

JAMAICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon