2. Meet Them.

51 10 1
                                    


"You stay, I'll go." She said at lumabas na ng kwarto. Blurred ang kaniyang mukha kaya hindi ko siya nakilala.

"I'm scared." And there I saw my little version, crying under the bed. Yakap-yakap ko ang isang teddy bear na napahiran ng dugo at putol ang isang kamay.

Maya-maya pa, ilang putok ng baril ang narinig ko at nakita kong pumasok si Uncle John sa kwarto at kinuha ako palabas ng bahay.





"Hey pretty girl. Wake up!"

Argh! Sino ba 'tong ang ingay? Ang aga-aga sinisigawan ako nakakabadtrip!

"Ano bang problema mo, ha?!" Sigaw ko rin sa kaniya at napatalon pa ito sa gulat.

"Jeez! You scared me!" Ani nito habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

"Bakit ba ano bang kailangan mo?" Mataray kong tanong at naupo sa kama. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko. "I have a weird dream tapos babadtripin mo pa ako. Tsk." Inis ko.

"It's lunch time, pretty girl. Bumaba na tayo para kumain." Sabi ni, oh wait.I forgot his name. "It's Henry, darling. My name is Henry." Natatawa nitong wika kaya napakamot ako sa batok.

"Oh. Right." Bulong ko.

"Come on, baba na tayo. They are waiting for us." Sabi nito at lumabas na ng kwarto.

Jeez. Nakatulog pala ako pagkatapos kong sabihin na pumapayag na ako sa request nila at saka lunch time na. Kamusta na kaya si Jeana? Nag-aalala ako sa kaniya kahit ngayon ko lang siya nakilala. Pero nag-aalala rin ako kina Uncle John and Aunt Emy. For sure, hinahanap na nila ako at alalang-alala na sila sa akin. And the worst is, hindi ako pumasok ng school! Aish! What am I doing?!

I sighed.

Bumaba ako ng kama at dumeretso sa CR para maligo. Ang kwartong ito pala ay kay Jeana. Akala ko isa sa mga lalaki ang nagmamay-ari nito dahil talagang panglalaki ang amoy at itsura.

Pagkatapos kong maligo at nagsuot ng damit ni Jeana, and take note, puro black ang kaniyang mga damit. Lumabas na ako ng kwarto at tila kuminang ang mga mata ko nang makita ko ang ganda ng bahay.

Jeez! Mas maganda pa ang Headquarter nila kesa sa bahay namin. Yes, you heard me right. Headquarter nila itong mala-palasyong bahay.

"Wow." Mahina kong sambit at inikot ang tingin. "Its," Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang sumulpot si Henry sa tabi ko.

"Amazing." Dagdag niya at kinindatan ako. "By the way, I'm Henrick, not Henry." Nakangiti niyang sinabi at iniwan ako na napapailing-iling.

Ang hirap talaga kapag may kambal kang kasama. Hindi mo alam kung siya ba si ano, or si ano. Argh! Nevermind.

Habang pababa ako ng hagdan ay hindi ko maiwasang mapa-wow sa mga nakikita ko ngayon. Ang ganda talaga. Feel ko tuloy isa akong prinsesa na naglalakad sa mala-gintong hagdan ng aming palasyo.

Pero nasira ang pag-a-aasuming ko nang biglang may nanghila sa akin kaya napasubsob ako sa matigas niyang dibdib.

"What the." Sabi ko at hinilot ang ilong ko.

"Huwag na huwag mong aapakan yang hagdan na 'yan." Cold na sabi ni Patrick habang tinuturo ang last/first na hagdan.

"Bakit naman hindi pwede? At saka akala ko ba nasa States ka kasama ni Jeana?" Tanong ko, ngunit naglakad lang ito paalis. "What the. Wala ba siyang narinig?! Manners please!" Sigaw ko sa sobrang inis.

Napatingin ako sa hagdang tinuro ni Patrick. "Anong meron sa'yo at hindi ka pwedeng apakan, ha?" Tanong ko, para akong tanga dito dahil kinakausap ko ang hagdan. Tsk.

JAMAICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon