Chapter One

128 5 0
                                    

Author's Note:

Ako ay nagbabalik after 123456789 years, charot. Na-busy lang ang inyong magandang author na ngayon ay may sakit.

Enjoy reading! Votes and comments are highly appreciated!

PS. Ang guwapo ni V. <3

Claxire's Point of View

"Sheet! Sheet!" Napasigaw na lang ako nang wala sa oras nang makita ko na wala pala akong dalang intermediate pad sa bag ko. Hinalughog ko ang bag ko para sa wala!

Sayang effort, amp.

Sa sobrang pagmamadali ko para pumasok kanina, tanging ballpen, pera, at notebook ko lang pala ang nadala ko. Nagdala pa ako ng backpack kung ganito lang din ang laman ng bag ko? Iba rin!

Jusko, kung ano naman ang kinaganda ng school ko, ganoon naman ako ka-poorita today. Wala man lang akong papel. Gusto ko na lang talagang ipukpok ang ulo ko sa pader minsan, eh. Ang shongabells!

Anyway, muntik na kasi akong ma-late kaninang umaga dahil hindi nag-alarm ang bwakangena kong cellphone. Four o'clock dapat ang gising ko pero five na ako nagising dahil sa pesteng alarm clock ko. Sobrang traffic pa naman papunta rito sa Lavoir!

Kailangan ko pang sumakay ng tricycle at jeep para lang makarating dito, tapos wala naman palang klase kaninang umaga. Wala kasi si ma'am Filipino, eh. Hindi man lang ako in-inform. E 'di sana ay hindi na lang ako pumasok, char. Napakasama ko talagang presidente.

"Sheet!" sigaw ko ulit nang walang pumapansin sa pagsigaw ko. Busy kasi sila sa kung anuman ang ka-ek ekan nila sa buhay! Ayaw nila ako pansinin, samantalang kapag may baon akong masarap na ulam ay lumalapit sila sa akin at nanghihingi.

Minsan nga ay wala na akong nakakain dahil sa pagiging buraot nila, tapos ay hindi nila ako papansinin?!

Ibitin ko sila patiwarik, eh. Ginigigil nila ako, eh.

"Shit na yan," bulong ko na lang saka ko hinilot ang sentido ko. Kailangan ko ng papel. Sayang naman kung bibili pa ako ng bago sa school supplies store rito, eh puwede namang manghingi na lang ako, 'di ba?

Oh, ha! Tipid tips 'yon from me!

Napalingon sa akin ang best friend ko na si Tracy Sanz Whitton na kasalukuyang nagbabasa ng science book ngayon. Ang kapal-kapal ng science book namin, pero kung basahin niya 'yon ay parang fictional book lang 'yon. Sabi niya kasi ay mas na-e-enjoy niya ang pagbabasa ng subjects namin kaysa sa mga fictional books.

Napangiwi na lang ako dahil sa sobrang kasipagan niya. Hindi ko kayang gawin iyan dahil isa lamang akong hamak na estudyante, at kung kaya ko man, mas gugustuhin ko na lang na manood ng Kdrama.

"Hoy, babae! Tigil-tigilan mo nga 'yang pagmumura mo, ha. Kanina ka pa! Ihampas ko sa'yo 'tong librong hawak ko, eh," pagsita niya sa akin na may kasama pang pagbabanta na kunwari ay hahampasin niya talaga ako.

Natawa na lang ako sa inasal niya.

Sus, isang cutie twinkling eyes ko lang diyan ay titiklop na 'yan, eh! Ako, hahampasin niya? Mawawalan siya ng magandang frienny kapag ganoon ang ginawa niya! Sayang naman ang kagandahan ko para hampasin lang!

Pero, wait, ano'ng nagmumura ang sinasabi ng isang 'to?

"'Di ako nagmumura, tangek!" sagot ko sa kan'ya. Ano'ng nagmumura ang sinasabi ng isang 'to? Nahingi lang naman ako ng papel, eh. Pagmumura na ba ang panghihingi ng papel ngayon?

"Anyway, may papel ka ba?" tanong ko sa kan'ya. Sana naman ay may papel siya. Kanina pa ako naghahanap, eh. Kaunti na lang ay baka si ma'am English na ang magbigay sa akin ng papel, pero matic na mayroong minus points iyon kaya hindi puwede.

Take One, Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon