Chapter Three

57 4 2
                                    

Claxire's Point of View

*beep beep*

Message
From: Tracy Nakakalishi

Wla dw c mam ngaun. Cge i2loy mo lng pglamon mo. Gudlak. >3

"Huh?" Bigla yatang sumakit ang ulo ko nang mabasa ko ang message ni Tracy sa akin. Baliktad pa ang heart emoticon niya.

Napailing na lang ako dahil sa kabaliwan niya.

Tama talaga 'yong ipinangalan ko sa kan'ya sa contacts ko. Nakakalishi talaga siya minsan. Hindi ko alam kung bakit siya ganito mag-type, samantalang kapag nagsasagot naman kami ng exams o kaya naman ay nagpo-post siya sa facebook account niya ay ang ayos ng pagkaka-type niya.

Saka, bakit niya ba ako ginagamitan ng ganitong klaseng lenggwahe? Pero buti na lang at naiintindihan ko ang message niya. Ako pa ba?

Nag-reply na lang ako kay Tracy na i-text ako kapag nandoon na ang teacher namin sa History, kasi babalik ako agad roon, malamang sa malamang.

Pero dahil wala si ma'am, yahoo! E 'di puwedeng-puwede ako lumamon dito sa cafeteria naming maliit, hehe. Sige, Clax, laitin mo alma-matter mo. Push mo 'yan.

Pero totoo naman, eh. Maliit lang talaga ang cafeteria namin. Kaya nga kadalasan ay sa court na lang kami kumakain ni Tracy. Ang init kaya sa loob! Nagpapawis ang kili-kili ko roon. Wala pa man din sa amin ang electric fan dahil ang mga hinayupak kong schoolmates ay gahaman. Tinututok lang nila sa sarili nila ang electric fan, kainis!

Message
To: Tracy Nakakalishi

Ano'ng klaseng alien language naman 'yan, ha? In-abduct ka na naman ba ng aliens?

Sent!

Hirap magkaroon ng baliw na kaibigan, jusko. Mas malala pa siya sa kapatid kong bulinggit, at sa kapatid kong mas matanda nga sa akin, pero wala namang pinagkatandaan.

Pagkasend ko sa kan'ya ng message ko ay agad na tumunog ang cellphone ko. Meaning ay nag-reply na siya kagaad.

Wow, bilis ah. Akala ko ba nagre-review 'to? Siguro ay bored na naman siya sa buhay niya roon sa room kaya ako ang trip niya. Madalas kasi ay ako lang ang kausap niya, eh.

Message:
From: Tracy Nakakalishi

Abxjzndhsksbdhsjsnsudjdbduneeisnsudnsudjsnduddnbdidndhdidkdjdndndmdndudndndjd

Ano na naman 'to?

Hindi na 'to kaya ng powers ko. Literal na alien language na 'to, eh. Hindi ko na siya kayang intindihin pa.

"Tangeners ka, Tracy. Ang sarap mo sapatusin," bulong ko sa cellphone ko na feeling ko ay kausap ko si Tracy sa personal kahit na hindi naman.

Gusto ko nga sanang tuktukan ang cellphone ko, kaso naalala ko na may crack na nga pala ito dahil naibagsak ko ito last time habang naliligo ako sa banyo.

Hindi pa alam ni mama at kuya na mayroong basag 'tong phone ko, dahil kapag nagkataon ay mayayari ako. Bagong bili pa naman ang vivo Y87 na 'to.

Jeez, masasabihan na naman ako na nagsasayang ng pera dahil hindi ko iniingatan ang gamit ko.

Itinabi ko na 'yong cellphone ko sa bulsa ko, bago pa ako makagawa ng mga masasamang bagay na nasa isip ko.

Anyway, bawal ma-stress, Clax the maganda! Ang mahalaga ay tapos ka na sa seatwork mo at puwede ka nang kumain!

Ayan, kain na naman ang nasa isip ko. Kaya ako nataba, eh. Pero, sabagay, kaya naman ako chubby dahil may kinakain ako, at may pambili ako ng pagkain. Well, well, papel.

Take One, Take TwoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon