Chapter 2

28 2 0
                                    

***

Sabrina's POV

Katulad nang sinabi niya ay hinatid niya nga ako. Ang saya saya niya ng sinundo ako. And I think I already know the reason behind it. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Lumingon ako sa bintana at agad ko kong pasimpleng pinahad ang aking mga luha. Nandito ako ngayon katabi si Justin kaya hindi ko dapat ito pahalata. Hindi niya pwedeng malaman.

Naramdaman kong may humawak sa kaliwa kong kamay kaya't hinarap ko siya.

"Why?" malumnay kong tanong at pilit na ngumiti sa harap niya. Kaya mo yan, Sab.

"Are you crying? Bakit?" nag-aalala niyang tanong. Napailing naman ako.

"No. No. Napuwing lang ako, hehehe."

"Really?" tumango ako at humarap muli sa bintana. Ilang sandali kaming binuo ng katahimikan nang nagsalita siya muli.

"May good news pala ako, babe." Alam ko. Liningon ko siya, bakas sa kanyang mukha at mata ang kasiyahan na kabaliktaran ng mga mata ko.

"Hmm?" maang-maangan kong tugon.

"Bumalik na sa dati ang company namin. I don't know what's gotten onto them pero nagsibalikan sila agad kagabi. Yes, kagabi talaga. Isn't it a little weird?" masaya at natatawa niyang saad. Kung alam mo lang, Just. Naiiyak na naman ako. Pilit kong pinakita sa kanya na masaya ako.

"Bye, babe. I love you... " I sweetly said to him. "...very much." mahina kong dagdag saka nagpaalam sa kaniya at sabay kaway sa kanya. Paalis na ako ng may biglang yumakap sa akin. Justin.

"Bakit ba pakiramdam ko may mangyayaring masama?" bulong niya.

Humarap ako sa kanya, "Ano ka ba! Wala. Wag kang paranoid babe. Hahaha. Love you ulit. Una na 'ko ha?" And I kissed him on the lips saka kumaway at tuluyan nang naglakad paalis. Ako ng bahala sa problema ko kahit kasali ka pa dito. Gustong gusto kong sabihin sayo ang totoo pero ayokong makipag-away ka kay Jared. Dahil alam kong dehado tayo kasi mas mayaman siya.

Hanggang matapos ang morning classes ko ay lutang ako. Pa'no ko ba iiwan si Justin ng hindi siya nasasaktan? Sana ganun lang kadali yun, kaso sa gagawin ko ay parang ako na rin ang sinasaktan ko. Mahal ko siya e, kaya mas masakit sa part ko na hiwalayan siya ng GANUN pa ang dahilan. Ibibreak ko siya at magiging kami ni Red (JaRED).

Nandito ako ngayon sa canteen. Actually, lunch break namin ngayon. Kaya nandito ako at bumili ng pagkain kahit hindi ko naman kinakain.

Ang hiraaaaap. Tsss. Sinabunutan ko ang aking sarili out of frustration. Grr.

"BWISIT KA KASING BWISIT KA E!AISH!" napasigaw na lang ako dahil sa inis.

"Nababaliw ka na ba?" sabi ng kaibigan ko. Si Therese. Kanina ko pa siya kasama e kaso di ko pinapansin dahil sa problema kong..Argh!

"Hinde! Hindi pa 'ko nababaliw!--" sigaw ko at eksaktong nahagip ng aking mata si Red na naglalakad papunta sa counter. Nandito naman kami sa mga tables at kasalukuyang nakaupo.

"--YAN! YAN ANG BALIW. MAKIKIPAG-BREAK DAW AKO KAY JUSTIN AT MAGIGING GF NIYA DAW 'AKO'?? HA! SOBRA. SOBRA TALAGA ANG PAGKABALIW NIYAN, KELANGAN NA NIYANG MAIHATID SA MENTAL!! GRR. BWISIT." hinihingal akong napaupo. Di ko pala namalayan na nakatayo na ako.

Tumingin naman ako sa paligid at nalamang nakatingin na pala halos lahat sa akin. Even Jared. Nanlilisik ang mga mata niya sa'kin. Hala.

"WHAT?? Did you just reveal everything that's on your mind, Sabrina?" gulat na tanong ni Therese. Nagtatanong na tingin naman ang iginawad ko sa kaniya. What? Ano bang pinagsasabi niya? Reveal? Reveal what?

Nanlaki na lang ang aking mga mata after I processed what I said kanina. Waaaaaaaa. Antanga mo, Sab. Ang tanga mo, sobra. Kung ikaw na lang kaya ihatid sa mental? Huhuhu. Yang bunganga ko kasi e.

"Sab." nanlaki ang mata ko. Lumingon naman ako sa gilid ko at nakita si Jared na seryosong nakatingin sa'min... sa'kin.

"What?" tanong ko. Ako dapat and galit pero hawak niya ako sa leeg.. at wala akong magagawa, I can't just back out now that I know na maayos na ulit yung kumpanya nila. E pa'no kung umatras ako sa usapan at gawin niya ulit yun?

"Let's talk." seryoso ngunit may kaunting bahid ng galit. Atsaka diretso diretsong tumaliko paalis. Tumayo naman ako. "Therese, mauna muna ako ah? Ill explain everything to you later." at ngumiti saka sumunod palabas kay Jared.

Nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang​ sa nakarating kami sa garden. Merong mga kakaunting tao ngayon, by partners? Or should I say couples? Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko na naman ang aking gagawin bukas. Ang hirap talaga. Lalo na't mahal ko talaga siya. Masakit na tinitingnan siyang nasasaktan.

"Alis." ma-awtoridad na sabi ni Jared. Sa akin ba?

"Ako ba? Sige." sabi ko maglalakad na paalis.

"Not you. Stay here." sabi niya habang itinuturo ang isang bench katabi niya. Sumunod na lang ako. Ano ba to? Master and Slave? Tumingin na lang sa mga couples dito na nakatingin pa rin kay Jared, nag-aabang ng sasabihin.

"All of you! Out! Now!" sigaw niya at tinuturo pa ang mga tao sa paligid. Natakot naman sila kaya dali-daling nagsi-alisan.

Nakalimutan kong sabihin na sikat pala siya dito. I mean, pinakasikat dahil sa kagwapuhan niya. Tsh, mas marami kasing babae dito e. Atsaka marami siyang admirers, yun lahat ang nagpasikat sa kanya.

Nang nakaalis na lahat ay lumingon na siya sa akin. Tumingin din ako sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya ngunit iniiwasan pa ring sumigaw. Nakatayo lang siya at nakalagay and kanyang dalawang kamay sa magkabilang bewang habang ako ay nakatingala habang nakatingin pa rin sa kanya.

***

Hi po. Simula po ngayon I think baka ganyan na lang kaiksi ang mga UD ko. Baka po kasi matatagalan ako pag mahaba. Hehehe. Tamad po kasi akong magtype madalas e. Hahahaha.

Anyway, thank you for still reading.



Just PretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon