4. What if

7 2 0
                                    

What if minahal kita ay masaktan lang ako?

What if minahal kita ay magsisi lang ako?

What if ikaw ang pinili ko kaysa sa kanya ay iwan mo ko bigla?

What if ikaw ang pinili ko kaysa sa kanya ay kasinungalingan lang pala ang lahat ng meron tayong dalawa?

Pero...

What if ikaw na pala ang nakatadhana sa akin pero naging duwag lang ako at natakot?

...Huli na ba ang lahat para sa isa pang pagkakataon? |

Nakatitig sa harap ng screen si Miguel. Hindi mawari ang kasunod na ititipa sa keyboard. Isang oras na nakatitig sa blinking cursor. Napabuntong hininga na lamang siya at tumayo. Pumunta sa harap ng bintana.

Napangiti bahagya ang binata. Isang malungkot na ngiti. Hindi makapaniwala na sa unang pagkakataon ay makakaranas ng writer's block.

Isang kilalang manunulat ng mga nobela at maiikling kwento si Miguel Velastro dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Ang pinakasikat niyang isinulat ay ang Tatlong Segundo.

Kailangan na niya matapos ang kanyang isinusulat dahil deadline na nito sa susunod na linggo.

Ang nobelang kanyang isinusulat ay tungkol sa isang lalake na puno ng 'What-if' at sa huli ay nagsisi dahil hindi niya nasabi na mahal niya din ang babaeng minahal siya nang lubos ngunit hindi niya pinahalagahan kaya nawala ito sa kanya.

Kring.kring.kring.

Kinapa niya ang kanyang bulsa at kinuha ang cellphone.

"Hello?" Sabi niya. Kausap niya ngayon sa kabilang linya ang kanyang matalik na kaibigan na si Erwin.

"Palawan? Hindi ako pde, pre. Alam mo naman na busy akong tao..." Palusot nito sa kaibigan na niyaya siya umattend ng kasal nito na gaganapin sa Palawan sa susunod na araw.

"Galing mo talaga mangosensya, Win! Ikakasal ka na pero ganyan ka pa din. Ahahaha..Oo na mag-iimpake na ako!" Sabi ni Miguel sa kanyang kaibigan. Hindi pa din nagbabago ang kanyang kaibigan na magaling mangonsensya. Napa-iling na lang siya at tinignan ang laptop na nasa lamesa. Nilapitan niya ito at in-off. 'Hays. Sana matapos kita' isip ni Miguel.

Ilang oras lang ang naging byahe ni Miguel papuntang Palawan. Nauna na kasi yung barkada niya at mga kamag-anak ng ikakasal. Siya na lamang ang kulang para makumpleto ang barkada.

"Miguel!" Rinig niya sigaw ni Erwin. Nakita niyo ito na kumakaway kasama ang iba nilang mga kaibigan.

"Oh, pre!" Bati niya.

"Buti nakarating ka! Akala ko di ka na sisipot sa kasal ko." Kunyaring nagtatampong sabi ni Erwin kay Miguel.

"Oo galing mo kasi mangonsensya!" Sabi nito.

"Ganon talaga eh! Tara na, pre!" Yaya nito sa kanyang kaibigan. Dumiretso na sila sa hotel kung saan gaganapin ang reception at saan tumutuloy ngayon ang mga guest. Niyaya nila na mamasyal si Miguel ngunit tumanggi ito dahil may tatapusin pang trabaho.

"Hay nako, Miguel! Hanggang dito ba naman trabaho pa din?" Sabi ni Karl, ang pinakamalapit na kaibigan ni Erwin.

"Oo eh. Kailangan ko na kasi matapos ito. Sige na mauuna na ako." Paalam nito.

"Sige sige basta dyan lang kami sa Pacs kung gusto mo sumunod, pre." Sabi nito. Nginitian niya na lamang ito.
Pumunta na siya sa kwartong nakalaan para sa kanya at kinuha ang kanyang laptop.

Ilang minutong lumipas pero wala pa rin siya tinitipa hanggang sa lumipas ang ilang oras. Napahilamos na lang siya sa kanyang mukha.

"Ah! Paano ba kita matatapos? Nakakainis!" Padabog nitong sabi sa sarili. Napagdesisyunan ni Miguel na lumabas muna para magpalamig ng init ng ulo.

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon