5. Raindrops

5 0 0
                                    

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakaupo sa tabi  ng bintana habang pinagmamasdan ang pag-ulan.

Ito ang pinakapaborito kong panahon. Sinusubaybayan ko ang patak ng ulan gamit ang aking daliri habang dumadaloy ito sa bintana. Naaalala kong pitong taong gulang ako ng mahiligan ko ang tag-ulan. Iyon ang gabing iniwan kami ng aking ama at sumama sa ibang babae.   Tandang-tanda ko pa kung paano ako nagmakaawa sa kanya na huwag niya kaming iwan at sinabing mag-aaral pa ako ng mas mabuti pero tila'y naging bingi siya.

Pinikit ko ang aking mga mata ng maalala kung paano ko siya hinabol sa labas kahit umuulan ng malakas. Sigaw ako ng sigaw habang pinapatahan ako ng aking ina na umiiyak din at basa ng ulan tulad ko.

Bumalik ako sa realidad ng maramdaman ang pag patak ng aking luha sa palad ko. Agad kong pinunasan ang aking luha. Bakit ko nga ba naging paborito ang ulan? Siguro dahil sa kadahilanan na pakiramdam ko ay dinadamayan din ako ng langit. Pag umuulan, pakiramdam ko umiiyak din ang langit marahil nasasaktan din siya.

Nang marinig kong bumukas ang pinto, nakita ko ang aking ina pumasok. Nagtama ang aming mga mata. Bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan pero nakuha niya pa rin ngumiti. Umupo siya sa aking kama habang ako ay lumapit sa kanya at niyakap siya. Narinig ko ang paghagulgol niya.

"Ma, huwag ka na umiyak." sabi ko. Tanging pag-iyak niya lamang ang ingay na maririnig sa aking kwarto. Niluwagan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko ang kanang pisngi niya. Nasasaktan akong tuwing nakikita kong malungkot o umiiyak siya.

"Ma..." malungkot na tawag ko.

"Anak, patawad. Patawarin mo ako kung nawalan ako ng oras sa'yo. Patawarin mo si mama kung hindi kita tinatanong kung okay ka lang. Patawarin mo ako kung naging pabaya ako sa'yo at palaging sa'yo ko binubuntong ang galit ko sa mundo." sabi niya habang umiiyak.

"Ma, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Huwag ka na umiyak." sabi ko.

"Sana mapatawad mo ako....." sabi niya. Sinundan ko ang kanyang tinitignan. Sunod-sunod nagsipatakan ang aking luha.

Napaupo ako nang maalala ang gabing iyon habang umuulan ng malakas. Nagkulong ako sa kwarto at tinakpan ang aking mga tenga. Sawang-sawa na ako. Pagod na akong iwan at masaktan nang paulit-ulit. Pagod na ako umintindi ng ibang taong hindi ako pinapahalagahan.

"Buksan mo itong pinto! Lucia!" galit na sabi ni mama.

"Ayoko! Umalis ka na! Hindi kita kailangan!" bulyaw ko. Hindi tumitigil ang pagkalampag ng pinto.

"Lumabas ka diyan! Nawawalan ka na ng respeto sa akin! Iyan  ba natutunan mo sa eskwela! Lumabas ka diyan at tuturuan kita ng leksyon."

Umiiling ako. Walang boses ang gustong lumabas sa aking bibig. Ang sakit-sakit na sa iisang bahay nga kami pero hindi ako makuhang tanungin kung okay pa ba ako o mabigyan man lang ng kaunting pagpapahalaga at oras. Muntik na akong gahasain ng sariling kasintahan. Ginamit ako ng mga tinuring kong mga kaibigan. Pag balik ko ng bahay, sampal agad bumungad sa akin mula sa aking ina sapagkat tumawag ang aking principal tungkol sa aking mga bagsak na grado.

"Lucia!" sigaw ni mama habang sinusubukan pa rin buksan ang pinto. Hinawakan ko ang aking dibdib sa hindi maipaliwanag na sakit at lungkot. Wala akong nadarama kundi kahungkagan.

"AH!" inis kong sigaw habang umiiyak.

"Humanda ka sa akin pag nabuksan ko ito!" galit na sigaw ni mama. Tumigil ang pagkalampag marahil kinukuha na niya ang susi. Hinalungkat ko ang drawer sa kaliwa ng kama. Nang makuha ko ang aking hinahanap, umupo ako.

Napatingin ako sa bintana at lalong bumuhos ang aking luha sa nakita. Kaisang-isang litratong naitago ko. Ang litrato namin ni mama at papa na masaya. Bakit? Bakit sa akin nangyayari sa akin mga ito? Anong nagawa ko para maranasan ang lahat ng ito?

Napatingin ako sa aking hawak. Walang pagdadalawang iisip na nilaslas ang aking wrist. Umagos ang pulang likido, ang dugo ko. Napatingala ako at parang baliw na tumatawa. Hindi sapat ang sakit kaya nilaslas ko ng paulit-ulit. Pulang-pula na aking uniform na kanina'y puti.

Inipon ko ang buong lakas na natitira at pumunta sa may bintana. Kinuha ko ang litrato at mapait na ngumiti. Huling naalala ko bago magdilim ang paligid ay tumakbo papalapit si mama at niyakap ako.

Binalik ako sa realidad ng marinig ko ang hagulgol ni mama.

"Ma..." tawag ko.

"Anak, kung nasaan ka man ngayon sana maging masaya ka sa piling Niya. Mahal na mahal kita." sabi niya. Niyakap ko siya. Napalingon ako sa aking likuran nang may napansin akong liwanag.

"Ma, patawarin mo ako dahil hindi ako naging matatag. Mahal na mahal kita." pagpapaalam ko bago pumunta patungo sa liwanag.

"People think depression is sadness. People think depression is crying. People think depression is dressing in black. But people are wrong, depression is the constant feeling of being numb. Being numb to emotions. Being numb to life. You wake up in the morning just to go back to bed."
- quote from HealthyPlace.com

To the one reading this, I dedicate this lyric message for you:

"I know your heart is heavy from those nights
Just remember that you're a fighter, a fighter
You never know just what tomorrow holds
And you're stronger than you know"

[Title of song: You're gonna be ok by Brian Johnson & Jenn Johnson]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once upon a timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon