C11: Bumalik ka na sakin

3.5K 97 17
                                    

Sa pag lipas ng araw ay wala pa ding palya ang pagpapadala niya ng mga bulaklak na may cards. Nakakakuha din ako ng text messages galing sa kanya.

From: Ashton

I am eating my lunch at my office. I hope you too and Daneyel. Enjoy the rest of the day babe!

Akala mo kung sinong mabait porket nahuli na. Sa una matapang kasi hindi ko pa alam pero ngayong iniwanan ko na at hindi kinakausap ay akala mo santo sa bait. I am not saying na hindi ko naaapreciate ang effort niya ngunit hindi mo maaalis sa akin ang galit sa kanila ni Danica.

Mga 2 weeks na kami ni Daneyel dito sa bahay nila Mommy, hindi na ulit pumunta si Ashton dito simula nung nag usap kami 1 week ago. Lalo na at nalaman din nila daddy dahil sila sa cctv na nakuhanan ang pag pasok niya.

Kami lang ni Daneyel ang nandito at yung mga katulong. Wala sila Mommy at Daddy nasa business trip. Habang nag hahapunan kami may narinig akong ingay sa labas kaya pinatignan ko kay Manang.

"Ma'am, hinahanap po kayo." Tumayo ako para puntahan yung tao sa labas na nag hahanap daw sa akin.

Paglabas ko nakita ko ang isang lalaking nakaitim na damit at jacket naka sumbrelo din siya ng itim, maong pants at sapatos na pamilyar sakin at may malaking check sa gilid. 

"Mommy?" Si Daneyel na sumunod sa akin.

"Manang pumasok na ho kayo sa loob, isama mo si Daneyel." Tumango naman ito.

"Sino po sila?" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil tibakluban niya ang bibig ko dahilan ng pagkawala ng malay.

Nagising ako ng nakasakay sa kotse at katabi si Daneyel na tulog o walang malay. Masakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan. Wala dito si manang na huli kong nakausap. May dalawang lalaki sa harap at babae ng katabi ni Daneyel pero pare pareho silang nakatakip ang muka.

"Hoy! San niyo kami dadalhin? At anong ginawa niyo sa anak ko?"

Hindi nila ako pinapansin pero ng nilingon ako ng katabi ni Daneyel ay naging pamilyar sa akin ang kanyang mga mata. Sinamaan niya lamang ako ng tingin.

"Your eyes.." Nag iwas siya ng tingin.

Napatingin ako sa  labas at huminto ito sa harap ng bahay na hindi ko masyadong makita dahil bigla nilang tinakluban ang mata ko.

"Ahhh!" Nagsisisigaw ako habang binababa nila ako. Naririnig ko ang pag iyak ng anak ko.

"Daneyel!" Nakarinig ako ng yabag na papalapit at mas nagpupumiglas ako.

"Mom-" Naputol yung sinasabi ni Daneyel. Alam kong siya yun at napalitan ang boses niya ng isang lalaki.

"Sshhh.." Nakarinig ako ng tawa pero mahina at halatang mga nag pipigil.

Ang anak ko.

Maya maya may bumitaw na sakin at nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Naka rinig din ako ng may nagbulungan hanggang tatlo bago tinanggal ang piring ko medyo malabo ang paningin pero binuksan ko ang pinto na nasa harap ko na pamilyar sa akin.

Pagbukas ko may sumagot na mga confetti at nang luminaw ang paningin ko nilibot ko ang mata ko maliwanag gawa ng mga string lights na nakalagay sa ding ding na tila kurtina. 

May mga roses at tulips petals sa sahig at biglang nagtatakbo palapit si Daneyel sa akin at binigay ang bouquet ng bulaklak na madalas ibigay ni Ashton.

May mini stage sa harap at naka upo dun si Ashton na may hawak na gitara. Nilapitan ako ni Laila at Kaye tapos pinaupo sa harap ni Ashton at nagsimula na siyang kalabitin ang gitara. 

Lahat ng takot ko kanina ay nawala. Ang kaba na baka saktan ang anak ko at ako ngayon ay napalitan na ng saya. Ang mga luha ko ay dahil sa takot at saya. Halo halo na ang aking nararamdaman.

Magaan na ba ang 'yong paghinga
Bumalik ka na sa'kin
Klaro na ba ang isip sinta
Bumalik ka na sa'kin

Titig na titig ang kanyang mga mata. Damn this man!

Hindi ka na nagparamdam
Buhat ng cool off, ako'y nahibang

Sige na please wag nang mainis
Bumalik ka na sa'kin
Sorry mahal, ika'y nasaktan
Bumalik ka na sa'kin

Nginitian niya ako na may pag susumamo sa mga mata na tila nakiki usap talaga. Tumigil siya sa pagkanta at nag salita.

"Zeanna. Baby..." Panimula niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kung mabilis na ito kanina ay lalo na ngayon na tila sasabog na ang aking dibdib.

"I know I hurt you... Alam mong mahal na mahal kita at hindi kita ipagpapalit kahit kanino pa. Lahat ng pag kakamali ko ay pinag sisisihan ko, ang umuwi sa bahay ng wala kayo ni Daneyel ay masakit para sa akin at hindi ko na dumaan pa ang linggo na wala kayo sa aking piling. Sana mapatawad mo na ako.." Natahimik ang lahat at mas lalo pa akong naiyak.

"Bumalik ka na sakin.. Kayo ni Daneyel. Kahit ano gagawin ko bumalik lang kayo sa akin." Lumapit siya sa akin at duon hindi ko na alam ang gagawin ko.

Nagulat ako sa biglaan niyang luhod. "Mapapatawad pa ba, Zeanna Louis?" He wipe my tears.

Everyone deserve the second chance and I know he deserve it too. Nagkamali siya, oo, ngunit alam kong natuto siya sa pagkakamali na iyon. After all he's my husband, the father of my son.

I smiled. "Yes, apologize accepted."

Tumayo siya para yakapin ako at halikan. Nakita kong tinakluban ni Kaye ang mata ni Daneyel na buhat naman ni Laila. Sabi na si Kaye yung babae kanina na sinamaan ako ng tingin at sila Ezekiel at Charles yung mga lalaki. Nagtulong tulong sila para dito sa surpresa ni Ashton sakin.

"I love you so much."

"I love you too.""

"Namiss ko kayo." Aniya.

Halikan niya ulit ako. Lumapit kami kay Laila at kinuha ko si Daneyel. Nagyayakapan ang mag ama habang ako nagpupunas pa din ng luha.

"Smile!" Sigaw ni Laila na may hawak na camera. Buhat ko si Baby Daneyel at si Ashton nakahawak sa bewang ko.

"Another one."

Biglang tumawa si Daneyel kaya nagkatinginan kami at biglang nagclick si Laila nang natapos ang picturan nilapitan ko siya para tignan ang picture.

Yung una naka ngiti kaming lahat pati si Daneyel at nakatingin siya camera, second naman si Daneyel ay medyo nakaliyad na tawa at kami ni Ashton nagkatinginan. How nice... So cute! 

Kaya naisipan kong ipadevelop yung mga pictures na iyon as a proof that we can still be a happy family kahit na nagka problema. Specially now that we have Daneyel to balance everything. 

Im now totally in love with my husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon