C26: Not again

1.9K 62 21
                                    

It has been a month medyo nagiging okay na si Mads at nakaka move on na siya. 

Bumalik na sa dati ang naging buhay namin at naging normal na ito araw araw. Nahuli na ang nagtangkang kunin si Mads at Daneyel pero wala silang sinabi kung sino nag utos sa kanila. Malakas ang kapit kung sino man ang may gawa nun kaya pinakukong na lang namin yung mga lalaki.

Nag aantay ako kay Ashton na kaarawan ngayon. Nag luto ako para sa kanya habang nag iintay naglalaro si Daneyel at Mads sa sala namin ako naman nag hahanda na ng lamesa kasi nagtext si Ashton na pa uwi na siya.

Gusto ko ako ang abala ngayon kaya hindi ko hinayaan sila Manang natulungan ako, pwera na lang kung kailangan ko talaga. 

"Honey?" Narinig ko mula sa may pintuan kaya pinuntahan ko siya at sinalubong. HInalikan niya ang mga bata bago ako. "Happy Birthday, daddy." Ani ng dalawa.

May inabot silang card na may drawing at sulat. Mukang iyon ang piangkaabalahan nila kanina nuong akala ko'y naglalaro lamang sila. 

"Wow. Thank you kids." Anito bago niyakap ang dalawa. 

Nilingon niya ako. "Hi, nag luto ako ng mga paburito mong pagkain. Tutal ayaw mo namang mag handa ng bongga kaya eto na lamang."

"Really? Sakto gutom na din ako." Nagpunta na kami sa kusina kasama ng mga bata. Nilagyan ko muna sila ng pagkain tsaka si Ashton bago ako naupo.

Habang nakain kami nag kukwento si Daneyel at Mads tungkol sa mga kaklase nila, kaibigan at iba pa. Kahit kami lang masaya na kami. Kahit nawalan kami ng isa pang anak alam naman namin na kasama na siya ni Lord kaya masaya na din kami.

At walang palya ang pag bisita namin duon lalo na pag may okasyon.

Nagbake ako ng chocolate cake kaya ng natapos kami kumain kinuha ko iyon at sinindihan ang kandila nito.

"Happy Birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday, happy birthday.. Happy birthday to you.." Kanta namin sabay sabay habang pumapalakpak.

"Happy Birthday Daddy. We love you always and forever." Sabi naming tatlo sabay sabay. Sinabi ko na sa mga bata kanina na yun ang sasabihin namin.

"Happy birthday babe. Mahal na mahal kita kahit anong mangyari. Basta nandito lang kami palagi para sayo." Ani ko tsaka hinalikan si Ashton at dun niya pa lang nag blow ang kandila pero syempre pinag wish muna namin siya. 

Masaya kaming kumakain ng cake ng biglang nagbukas ang pintuan sa harap. Mabilis namang pinuntahan ni Manang iyon na kasabay din namin mga magsikain ngayon.

"Well.. Well.. Well.. Ang sarap niyo panooding pamilya pero masakit sa mata kaya kailangan ko ng putulin ang sweet moment niyo." Panimula ni Danica ng pumasok bigla sa bahay namin.

Paano ito nakapasok.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Paninimula ko din. 

Naiinis na ako sa babaeng 'to pag may sweet moments kami lagi ng nakikigulo. Nadito ang mga anak ko kaya dapat hindi siya ganito. Ayokong kalakihan nila ang problema naming ito.

"Well.. hindi ako nag punta dito para makipag away."

Sunod niyang sabi na kinagulat ko. Siya hindi makikipag away? Kakaiba yata ang timpla nito ngayon kung ganon na nga.

"Nandito ako kasi may dapat kayong malaman." Nilingon ko si Manang at sinenyasan na itaas muna ang dalawa na mabilis naman nitong sinunod.

Kung may sasabihin siya ay hindi iyon dapat marinig ng mga anak ko.

"Stop this non sense, Danica." Matapang na sabat ni Ashton.

"Hindi pwede! Kailangan niyo 'tong malaman lalo ka na!" Nilingon kong muli si Ashton dahil sa kanya nakaturo si Danica. 

"What is it?" Ako na ang nagtanong ng matapos na ito.

Masaya kaming nag cecelebrate ng birthday ni Ashton tapos dadating siya at maninira. Kailangan ng matapos ang kahibangan niya. 

"Ashton." Diretso niyang ani. Hinawakan niya pa ang kamay ng asawa ko.

"Hindi ako papayag at ayokong lumaki ang anak natin ng walang tatay." Naguguluhan ako pero may hula na ako. No way! Ayokong maniwala. Hindi na ito magagawa ni Ashton sa akin sa pangalawang pagkakataon.

"What did you just say?" Nakakunot noong sabi ko. May kunuha niya sa bag niya at nilabas ang kulay puting may dalawang pulang linya. It says positive.

"I am pregnant to Ashton." Aniya na kinagulat ko. 

Nanlaki ang mata ko sa gulat at naramdaman ko ang pagsakit ng lalamunan sa pinipigilang iyak. Masakit oo pero ayoko maniwala. Hindi iyon magagawa ng asawa ko.

"Liar! Paano naman kita mabubuntis eh hindi nga kita nakakasama." Mahinahon pero madiing sabi ni Ashton. Ramdam ko na din ang galit niya. "Don't make up stories just to ruined my family. Walang namagitan sa atin, you know that."

"The day you're in a bar. Maybe you're to drunk but we made love. Please remember me."

"Made love? Eh hindi mga kita kasama nun and love? Hindi naman kita mahal. I am only surrending to my wife and not to you Danica. Stop with your story and go home. We don't want you here." 

Kita ko kung pano ni Ashton pang hawakan si Danica sa braso at itulak paalis ngunit hindi ito nagpatinag. 

"But you and I made love. I know, I remember everything. It was you." Umiling si Ahston dito.

"It was not me. Go home now.. Manang." Halos kaladkarin na si Danica palabas ng bahay. "Don't ever come back here. You are trespassing." 

Ang luhang mag babadya ay tumulo na. Hinawakan ako ni Ashton pero hinawi ko iyon. 

"Is it true? Nagkita kayo sa bar?"

Mabilis siyang umiling. I can see fear in his eyes. "No. I never met her there. Ask Ezekiel and Charles sila ang kasama ko nuong araw na iyon. Believe me."

Masakit sobra, malamang ang asawa mo may anak sa dati mong kaibigan na once ng naging problema. 

Tumango ako at nilagpasan na siya ngunit pinigilan niya ako. "Believe me, Zea. I am not cheating on you."

"I believe you. Just let me go gusto ko na magpahinga muna."

Nilingon ko siya at kita ko ang pag dadalawang isip niya ngunit sinunod ang gsuto ko. Diretso ako sa guess room at nilock iyon para magkulong. 

Nasaktan na ako ni Ashton dati kasama pa din si Danica kaya alam kong hindi na niya uulitin iyon. Nag sisi na siya, I can see it in his eyes but now.. Hindi ko na alam. 

Naiinis ako kasi lagi nalang gumagawa ng paraan si Danica para masira kami, naiinis ako kasi nagtatagumpay siya, at naiinis ako sa sarili ko pag naniniwala ako sa kanya. Ang pabaya kong asawa kaya nangyayari ang lahat.

Tao ako napapagod, nasasaktan at nagdaramdam. Ayoko ng masira ang pamilya namin kaya hindi ako papayag na mangyari iyon. I will fight for my husband. For my family. Not again, Danica.


---
Thank you so much kay  GirlBehindPain 😘 

Im now totally in love with my husbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon