Chapter 1

274 23 3
                                    

Nakangiti akong pinagbuksan ng pintuan ni Daddy ngunit agad na napawi iyon nang makita niyang umiiyak ako.

"What happened, sweetheart?" Tanong ni Daddy sa akin. Agad ko siyang niyakap at doon na ako napahagulhol. Hinimas-himas niya ang likod ko para pakalmahin ako. Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Tahan na. Halika na sa loob," sabi niya sa akin. Tumango naman ako at sumunod na sa kaniya papasok sa loob ng bahay namin. Dumiretso siya sa kusina at ako naman ay naupo sa couch.

Nang makabalik si Daddy ay may dala na siyang baso ng tubig. Ibinigay niya iyon sa akin at tinanggap ko naman iyon. "Thank you, Dad." Ngumiti ako sa kaniya at ininom na ang tubig.

"Ano'ng nangyari, Anak?" tanong ni Daddy sa akin. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya. Naupo na rin siya sa tabi ko. "Daddy..." Hindi ko mapigilang umiyak nanaman at niyakap naman niya ako kaya mas lalo lang akong naiyak. "Shh...Tahan na. Ano ba nangyari?"tanong sa akin ni Daddy. Iniyak ko ang sakit na nararamdaman ko. Iniyak ko 'yong mga luhang kanina ko pa pinipigilan sa harap nila Calvin. I wanted to look strong infront of them.

"Daddy, Calvin cheated on me."

"Nakita ko siyang may kasamang ibang babae. Daddy, niloko niya ako! Ayoko na! Masakit, Dad. Sobrang sakit! Akala ko ba mahal niya ako pero bakit niya nagawang lokohin ako?" sabi ko kay Dad. Parang pinipiga ang puso ko nang maalala ko iyong nakita ko kanina. Hindi ko kaya!

"Huwag ka nang umiyak, Anak. He's not even worth it. Huwag mong pag-aksayahan ng luha ang lalaking iyon. Siguro, iyon ang plano ng tadhana na paghiwalayin kayo kasi hindi kayo ang para sa isa't - isa. My baby princess doesn't deserve someone like him. You deserve the best. Always remember that," sabi ni Daddy. Siguro tama nga siya. Hindi si Calvin ang para sa akin at hindi ako ang para sa kaniya. Na dapat kalimutan at palayain ko na siya. 

Maybe, some things are not really meant to be -just like Calvin and me.  I sighed. Nilingon ko si Daddy at biglang napaisip. He really is a strong man. Eventhough he's the only one who takes good care of me, he remained strong for our family. Na kahit may kulang sa buhay niya, si Mommy, parang kumpleto pa rin siya. Or maybe, pinapakita lang niya na malakas siya sa harap ng ibang tao kahit na hindi naman 'yon ang totoo.

Mommy, Daddy, what happened to our family? Bakit naging ganito? Bakit ang dating masaya at buo na pamilya ay naging masalimuot na? 

Pagkatapos noong gabing 'yon ay naglakas-loob pa rin akong pumasok sa school. Knowing that Calvin will be there,  I still chose to go to school dahil hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko dahil sa isang lalaki lang.

When I went to school, lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nakatuon sa akin. Ang bilis pala talaga kumalat ng chismis. So, they knew? Of course! Who wouldn't, anyway?

Natapos ang buong araw na wala akong Calvin na nakita. I will admit that  I missed him already but  should stop myself for feeling this way. He doesn't miss me,  I should do the same. Nagpasalamat nalang ako na hindi ko siya nakita buong araw dahil siguradong hindi ako makakapag-focus.

Buong linggo ay naging abala ang mga estudyante sa mga requirements na ipapasa. Last sem na ng school year na ito at tapos na rin ang final exam. Ang kailangan nalang talaga ay ang mga lacking requirements namin para makapasa sa school year na ito dahil next year ay panibagong yugto na naman ang tatahakin namin - mas mahirap. 

Buong linggo ko rin hindi nakita si Calvin. Nasaan kaya siya? Bakit hindi na siya pumapasok? Marami rin siyang lacking requirements, ah? Ano na bang nangyari sa kaniya? Ayaw niya bang pumasa?

Matapos kong maipasa lahat ng requirements ay umuwi na rin ako. Exactly 7pm, I arrived home. Naabutan kong nakahanda na ang pagkain sa mesa sa dining area. Walang tao roon kaya dumiretso nalang muna ako sa kwarto ko sa taas para maghalf-bath at magbihis na rin ng pangtulog. Nakita ko sa labas 'yong kotse  ni Daddy kaya alam kong nandito na rin siya. Probably, in his library - where his office is.

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon