Chapter 7

127 12 0
                                    

Nagising ako dahil sa katok ni Manang Tessie.  I stretched my arms and get up from my bed. "Yes, Manang?" tanong ko sa kaniya at nagstretching rin ng mga paa. "Bumangon kana, hija dahil may bisita ka at kakain na rin ng umagahan." 

Bisita? Sino naman ang bisita ko? Wala naman akong inaasahan na bisita ngayong araw na ito. At isa pa, sabado ngayon. Gusto kong magpahinga. Lumapit ako sa may pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang nakangiting si Mana Tessie. "Sinong bisita, Manang?" Mas lumapad naman ang ngiti niya. "Naku, hindi ko natanong iyong pangalan pero napakaguwapong binata! Naroon siya sa baba at kausap ang daddy mo," sabi nito na nagpakunot sa noo ko. So, lalaki iyong nasa baba? Sino naman? 

"Sige po, Manang. Magsipilyo lang ako at maliligo. Pakisabi nalang po kay Daddy na mag-aayos lang po ako. Maraming salamat po!" Tumango siya at isinara ko na iyong pinto.

Dumiretso ako sa cr at nagsipilyo. Pagkatapos ko namang magsipilyo ay naligo na ako. It took me 20 minutes in taking a bath. Nag - ayos na ako ng aking sarili. Nagsuot ako ng highwaist shorts at pink buttondown top. Pagkatapos ko lagyan ang aking lips ng kaunting liptint ay napagpasiyahan ko nang bumaba para kumain at kilalanin kung sino man ang bisitang tinutukoy ni Manang.

Nang malapit na akong makababa ay narinig ko ang pagtawa ni Daddy. So he's enjoying talking to that guy, huh?

"Good Morning, Dad---WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE?!" Ang masaya kong pagbati sana sa aking ama ay napalitan ng pagkagulat at init ng ulo! What the fuck is he doing here? How did he know where I am staying?!

"Watch your mouth, Hailey." May pagbabanta sa boses ni Daddy at nakita kong ngumisi iyong lalaking nasa harap niya. Damn! 

"I'm sorry, Dad. Why did you let him in? " Naiinis kong tanong.

"Well, he told me that he's your friend so I let him in." Napataas ang kilay ko at tumaas ang sulok ng aking labi kaya naman napatingin doon si Tristan. Yes! The jerk Tristan is here! Damn him! 

"Daddy, he's not my friend!" Inis kong singhal. Tumawa naman nang mahina si Tristan kaya sinamaan ko siya ng tingin. 

"Kaibigan, hindi. Pero boyfriend, pwede," bulong ni Tristan ngunit narinig namin ni Dad dahilan para tumawa siya.

"This man is straightforward, anak. I like him." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni daddy. Wth?

"Dad!" Natawa si dad at liningon si Tristan at muling humarap sa akin. "Hindi pa kayo kumakain dalawa, magbreakfast muna kayo. Aalis muna ako dahil marami pang kailangang tapusin sa kumpanya. Tristan, mag-ingat kayo ni Hailey. Ingatan mo ang anak ko, iuwi mong buhay at buo," mapagbirong sabi ni dad na ikinainis ko. Pero, teka. Mag-ingat? 

"Yes po, Tito. I'll take good care of your daughter. Mag-ingat din po kayo," sabi ni Tristan. "Okay, good." Lumapit sa akin si daddy at hinalikan ako sa pisngi. "Take care, my princess. Enjoy!" sabi sa akin ni daddy at lumabas na para pumunta sa kumpanya. 

Pagkalabas ni daddy ay binalingan ko si Tristan at tinaasan ko siya ng kilay. He chuckled dahilan para mas lalo akong mainis. "Ano'ng nakakatawa, Salvedia?" inis kong tanong sa kaniya at nagtungo na sa kusina dahil gutom na ako. Sumunod naman siya.

"Ang laki naman ng galit mo sa akin. Kulang na nga lang mamatay ako dahil sa mga matatalim mong tingin," sabi niya na ikinairap ko. 

"Buti alam mo! Umalis ka na nga sa pamamahay ko!" sigaw ko sa kaniya. Imbis umalis siya ay umupo siya sa tabi ng uupuan ko sana. Napapikit ako nang mariin dahil sa inis ko. 

"Ano ba? Hindi mo ba ako maintindihan? Sabi ko, alis!" 

"Ayoko nga, may date pa tayo." Napatitig ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi. Date? Who the hell is he?! Ako, makikipagdate sa kaniya? HELL NO!

All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon