Taehyung's
"Yah hyung, ilan kayang milk ang kakailanganin ni Jin hyung mamaya?" Tanong ni kookie
"Kumuha ka nalang dyan ng mga lima siguro, hindi ko rin alam eh hehe."
"Aish. Sige hyung, oo nga pala hyung, dyan ka lang ha? May kailangan pa pala akong kunin dun." Sabi ni kookie sabay turo sa kabilang mga shelf"
"Sige basta dalian mo!"
"Ne hyung!" Sabi niya sabay alis.
Andito na kami ni Jungkook sa grocery store hays. Mahirap din talagang lumabas, lalo na't kailangan mong mag ingat psh. Mahirap mabisto mga tol! Alam niyo na, gwapo 'ko eh. Dejk! Pero oo gwapo nga pero yung totoo, mahirap dahil baka pagkumpulan aish.
"Hyung tara na! Kumpleto na lahat ng kailangan ni Jin hyung!" Biglang singit ni kookie na kaka check lang sa listahan na binigay ni Jin hyung.
"Sige tara na" sabi ko at diretso sa counter
------
"Were home!" Sabi ko ng masaya pag dating sa dorm. Syempre no, dapat always happy HAHAHAHAHA."Shh kaingay mo" sabi ni Yoongi hyung sakin, aish. Itong lolo na 'to eh.
"That's good, ilagay niyo na ni jungkook yung mga pinamili niyo dito sa table, at magpahinga muna kayo, thank you!" Sabi ni Jin hyung sabay turo sa table sa kitchen.
"Arasseo hyung!" Sabay naming sabi ni Kookie at nagkatinginan tsaka tumawa.
------
Andito ako ngayon sa sala, nag iisa. As always hayyys :( dejk! Andito ako sa sala kasama sila Jimin at Jungkook. Psh para naman kasing ako lang talaga mag isa dahil masyadong masaya yung dalawa, kabwiset. Hmp! Makalayas na nga lang dito leshe!Tatayo na sana ako nang biglang nagsalita si Jimin, i don't care kung walang hyung, months lang tinanda niya no!
"Oh saan ka pupunta?"
"Sa kwarto lang"
"Bakit?"
"Masama?"
Aish! Seriously?! Hindi niyo ba nahahalata na naiirita ako?! Pinagseselos lang ako netong si Jimin eh -____-"Hindi pero dito ka nalang! Bahala ka wala kang kasama dun"
Aish, sabagay lonely nga naman ako dun."Okay fine, kukunin ko nalang phone ko sa kwarto at babalik dito!" Sabi ko sabay punta na talaga sa kwarto at kuha ng phone ko.
Pagka balik ko ay andun sila nagkakatuwaan parin sa phone ni Jimin. Ano ba pinagkaka abalahan nila dun? Naglalaro kaya? May binabasa? O baka naman.... Nanonood?! HOY ANO KAYA YUN?
"Hoy kayong dalawa! Ano pinapanood niyo ha?!?!" Sabi ko ng naka sigaw aba syempre! Baka kung ano ano pinapanood ng Jimin na yan sa Kookie ko eh! He's too young, too innocent. <3
Tumingin yung dalawa sakin ng gulat. Bigla namang tumawa ng malakas si Jimin, problema neto?
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"B-bakit ka tumatawa?" Tanong ko
"HAHAHAHAHA HINDI KAMI NANONOOD NG PORN ULUL!"
"Ha?! Sino ba nagsabing porn pinapanood niyo?!?!"
"HAHAHA TIGILAN MO'KO! Alam kong yun yung iniisip mo uy! HAHAHA" sabi ni jimin at tumatawa parin, okay fine! Yun yung iniisip ko ba't ba kase?!
"Malay ko ba kase kung yun! Mga naka focus kayo eh! Bwiset!" Sabi ko nalang
"Ano ba Taehyung! Cartoons lang to!" Sabi ni Jimin phew!
"Oo nga hyung! Si hyung oh! Oa!" Biglang sabi ni Kookies and cream awiee HAHAHA
"Aba mabuti! Dapat lang. Ikaw Jimin, huwag mong tinuturuan ng kung ano ano si Jungkook! Masyado pa siyang bata! Inosente pa 'yan!" Sabi ko
"Eh? Yaan inosente?" Sabi ni Jimin sabay turo kay Kookie.
"HAHAHAHA di rin uy!" Sabi niya ulit
What do you mean Jiminie?"O-oy! Inosente ako!" Sabi ni Kookie
"Whatever, basta huwag kang ganong sama ng sama dyan sa Jimin hyung mo! Baka mawala pag ka inosente mo HAHAHAHA" sabi ko pffft!
"Ouch naman taetae" sabi ni Jimin tas sabay hawak sa heart niya na kunwari nasaktan
"Hehe joke lang! Sige na ituloy niyo na pinapanood niyo" sabi ko nalang sabay open na ng phone ko.