Jungkook's POV
Nagising nalang ako ng parang may nakadagan sa may gilid ng likod ko, I mean may nakayakap saakin.
Tinignan ko kung sino ang may ari ng mga arms na iyon at nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Taehyungie hyung. Aww ang cute talaga niya hihi.
Alam niyo ba? Medyo matagal narin akong nagkaka crush kay Taehyungie hyung. Ewan ko ba kung bakit, Alam kong mali dahil, ayun nga, lalaki kami. Pero okay lang naman diba? Okay lang dahil bakit sila Namjoon at Jin hyung? Diba? Diba? Wala namang pumipigil o pumigil sa pagmamahalan nila dahil mahal na mahal talaga nila ang isa't isa.
May pag asa kaya ako kay hyung?
May pag asa kaya kami sa isa't isa?Bigla namang humigpit ang yakap sakin ni Taetae hyung at ibinaon ang muka niya sa leeg ko.
Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na dumadapo sa leeg ko.
Sht. Nakikiliti ako! Hyung! Baka halikan kita 'pag 'dika tumigil!
Lumalayo ako ng dahan dahan ng kaunti para mapalayo sakanya pero ng dahil sa pag layo ko ay lalo niya pang hinigpitan ang pag yakap sakin.
HINDI KO NA KAYA!! TULUNGAN NIYO 'KO! SASABOG NA AKO DITO SA KILIG NG WALA SA ORAS!
"H..hyung.." Sabi ko tapos tinapik siya, pero wala paring talab.
"Hyung.."
"Hyung."
"Hyungieeee~"
"Shh. Don't leave me." Sabi ni Taetae hyung na nakapikit parin shems! Ang cute cute niya talaga.
Hinawakan ko ang pisngi niya at tinapat ang aking labi sa kanyang ears at bumulong
"Hyung, it's time to wake up, papagalitan tayo ng Jin hyung kapag hindi pa tayo bumangon."
Nakiliti naman si hyung at nagising.
Nagulat si hyung sa nakita niyang posisyon namin at napabaliktad that caused him na mahulog sa kama.
"Sorry Jungkook! Hindi ko sinasadya, ganun lang talaga ako matulog! Sorry akala ko unan kita eh, ikaw kasi eh, ikaw yung nag ayang matulog sa tabi ko kaya huwag mo'ko sisisihin! Hala hala sorry." Sabi ni Taetae hyung na sunod sunod
PFFT ANG CUTE HANEP! Nako okay lang hyung! Walang problema! Basta ikaw yayakap sakin ahihihi! *lande ang hanep* che wala kang pake! *psh*
"HAHAHAHA okay lang hyung! Yakap lang naman yun! No big deal!" Sabi ko sabay wink. BWHAHAHA puso.
"Ahh.. Hehe sorry, makulit ba ako matulog?"
"Hindi naman hyung hahaha"
"Ahh! Hahaha tara na at baka magalit si Jin hyung, anong oras na ba?"
Tinignan ko ang orasan sa wall clock sa may pinto at nakitang 11:51 AM na.
Holy shteu! LAGOT TALAGA KAMI NITO.
"11:51 na hyung."
"HALA TARA NA, LAGOT TAYO NITO KAY JIN NOONA! Este hyung!"
Yan ang sabi sakin ni hyung at kinuha na yung kamay ko para lumabas na ng kwarto.
--
Jimin's POV"At bakit ngayon lang kayo bumangon?" Sabi agad ni Jin hyung na at tinignan naman namin ang dalawang bagong gising lang at kakalabas ng kwarto.
"Oo nga, anong nangyari? May nangyari ba sainyo?" Tanong ni Hoseok hyung, aba! Kung ano ano nanaman iniisip ng horsey horsey na 'to.
"Oy umayos ka nga dyan, kung ano ano sinasabi mo!" Sigaw ni Jin hyung kay Hoseok hyung
"Ahh.. Na over slept kami hyung." Simpleng sabi ni Taehyung
"Nagpuyat ba kayo? Anong ginawa niyo?" Tanong ko. Tsk. Nag aalala lang ako huwag kayo!
"Aish. Nagseselos ka ba?" Tanong sakin ni Hoseok hyung.
What...
"Aish hyung! Hindi! Nag aalala lang ako."
"Waw. Makapag alala naman, akala mo kalaking problema. Parang nagising lang ng late eh"
"Psh. Ewan ko sayo hyung."
Hays. Bakit ganun? Lagi nalang nilang sinasabing may gusto daw ako kay Jungkook. Ang totoo naman ay wala talaga eh, wala dahil kapatid lang talaga ang turing ko kay Jungkook.
Oo sweet ako sakanya yun ay dahil nakikita ko sakanya ang kapatid kong bunso na lalaki. Yeah totoo yun. Para kasi talagang kapatid ko 'yang si Jungkook, that's why I love him so much, pero as a kapatid/friend lang talaga.
Si Jungkook nalang talaga pinupuntahan ko kapag namimiss ko na kapatid ko, close na close kasi talaga kami nun. Kaya kayo? Kung iniisip niyo na may gusto ako kay Jungkook, well mali kayo. Kasi.... May gusto na talaga akong iba.... Magka ibang magkaiba ang ugali namin kaya hindi ko alam kung may pag asa ba ako :(
"Totoo ba? Wala na talaga kayong ginawang iba kagabi?" Tanong ni Jin hyung kina TaeKook. Pfft! Oy huwag nga kayo! Fan nila 'ko no HAHAHA. Kinikilig lang kasi ako sa dalawang 'yan, HAHAHAHA shh lang kayo ha!
"Oo nga hyung! Si hyung naman eh." Sabi ni Kookie
"Oo na sige na. Sige dyan lang kayo at ihahanda ko na yung lunch at TANGHALI na kasi." Sabi ni Jin hyung at napatawa nalang ako dahil diniin pa ni Jin hyung yung word na 'Tanghali' sa dalawa.
"Psh." Sabi nalang ni Yoongi/Suga hyung. Problema nito?
"Problema mo hyung?" Tanong ko kay Yoongi hyung
"Wala" sagot niya at binaling na niya atensyon niya sa phone niya. Psh, sungit talaga nakakainis. Cold mo epal.
Lumapit naman ako kina Taehyung at Jungkook na magkatabi sa kabilang sofa.
"Oy kayong dalawa, wala ba talagang nangyari?" Pang aasar ko sakanila pag tabi ko kay Taehyung
"Oo noh!" Sabi ni Taehyung
"Naku, 'di nga?"
"Oo nga hyung!" Sagot ni Jungkook sabay hampas sa may braso ko ng pabiro.
"Hahahaha joke lang! Pero I just want you two to know na I'm not against if ever na may relationship kayo, okay? At sabihin niyo agad sakin ha? Hindi naman ako magagalit. At hindi naman kami magagalit. Tanggap namin kayo, tanggap na tanggap!" Sabi ko ng tuloy tuloy.
"H-ha? Hyung? Okay ka lang ba?" Tanong ni Taehyung
"Oo okay lang ako, basta sasabihin niyo agad kung meron man ha? Bestfriend niyo akong dalawa! Huwag na huwag kayong magtatago sakin. Kundi paguuntugin ko kayong dalawa." Sagot ko
"Ewan ko sa'yo hyung! Tara na nga at tinatawag na tayo ni Jin hyung! At ikaw Jungkook, tara na kain na tayo." Sabi saamin ni Taehyung at inaya na papuntang kusina para kumain.
Sus! 'tong Taehyung na 'to! Alam ko namang may gusto 'to kay Jungkook, psh. Pabebe pa eh! Alien talaga. *ano konek?* wala leche sige na bye.
_____
Yo guyseu! May nagbabasa ba? Huhu sana meron T^T . Alam kong lame pero Thankyou sa mga nagbabasa! (Kung meron?)
Aish basta itutuloy ko'to kahit walang nagbabasa, malay ko diba? Malay ko balang araw merong magbabasa. HAHAHAHA.
1020 words <3