Chapter 5 (Namjin?)

344 17 1
                                    

Taehyung's

"So ano ba yung sinasabi mong importante na sasabihin mo hyung?" Tanong ni Yoongi hyung

Andito na kami sa dining table at kumakain na.

"Oo nga hyung, ano ba 'yun?" Tanong naman ni Hoseok hyung at nakatingin kaming lahat kay Jin hyung.

"Mamaya na! Ubusin niyo muna pagkain niyo? Okay?" Sagot ni Jin hyung

Tumango lang kami at kinain ang masarap na pagkain ni Jin hyung.
Hmm, ano kaya meron? Bakit parang kinakabahan si Jin hyung? Aish, sana okay lang ang lahat.

--
"Oy hyung sabihin mo na sasabihin mo" sabi ni Jimin

"Oo nga hyung! Tapos muka ka pang kinakabahan, okay ka lang ba? Nag aalala ako eh" sabi ko

"Oo nga!" Sabay sabay na sabi nila hyung at jungkook.

Bigla naman akong napatingin kay Namjoon hyung at nakita kong pinagpapawisan. Ha? Mainit ba? Parang hindi naman ah? Kalamig lamig nga dito eh -_-

"Oy Namjoon hyung! Pawis na pawis ka ata? Anyare sayo?" Tanong ko

Bigla namang tumingin sakin si Namjoon hyung

"Aah... Eeh.. Wala to, mainit kasi!"

"Kalamig lamig eh!" Biglang sabat ni Jimin

"Oo nga naman hyung!" Sabat naman ni Jungkookie

"So ano na sasabihin mo hyung?" Sabay sabay naming tanong kay Jin hyung, well, except kay Namjoon hyung, wth is going on with him?

"Ano kasi... Uhmm... Huwag kayong magagalit ha? Promise niyo yan? Please huwag kayong magalit"

"Hindi yan hyung ano ba!" Sabi ni Kookie

"Oo nga dali na" sabi ni Yoongi hyung

"K-k-ami na ni N-----namjoon..."

"........."

"........."

"........."





"OMG TOTOO BA?! SO NAMJIN IS REAAAAALLL~ LIKE OMGGG!" Biglang sigaw ni Hoseo hyung na parang nagfafanboy.

Pero teka, hindi ko narin mapigilan SHTTTTT! NAMJIN IS REAL MGA TOL!

"OO NGA HALA NAMJIN IS REAAAALLL!!! SABI KO NA KAYO RI MAGKAKATULUYAN EH" sigaw ko bigla

"OO NGA HANEP MGA HYUNG CONGRATS SAINYO!!" Sabi ni Jungkook

"SO HAPPY SAINYO HYUNGS! EEEKK~" sabi ni Jimin na kinikilig pa

"Nako nako nako, kayo ha! May nangyari na sainyo no? Kaya nagpa celebrate ka pa sus!" Biglang sabi ni Yoongi hyung na siya namang ikinagulat namin

"Oy! Hindi noh! Masaya lang ako kaya nagpacelebrate!" Sigaw ni Jin hyung kay Yoongi

"Geez, joke lang syempre! Pero Congrats sainyo, sana mas marami pa ang lutuin ni Jin hyung ng dahil sayo Namjoon, pfft. Swaeeg" sabi ulit ni Yoongi hyung na ikinatawa naman namin HAHAHA akala ko tutulugan niya yung announcement eh pfft!

"Thankyou ha?" Sabi ni Jin hyung

"Para saan hyung?" Tanong ko

"Thankyou dahil tinanggap niyo kami"

"Syempre naman! Akala nga namin matagal nang kayo eh, pano muka naman talaga kayong mag syota lalo na sa mga fansign meeting, psh. May pa kindat kindat at flying kiss pa nako!" Mahabang sagot ni Hoseok hyung

Sabagay, totoo nga naman kasi HAHA

"Totoo? Hahahaha sorry naman" sagot ni Jin hyung.

"Oo nga pala hyung, kailan naging kayo?" Tanong ni Jungkook

"Nung isang araw lang"

"E bakit hindi niyo agad sinabi samin???"

"Surprise syempre, tas naghanda pako no"

"Sabagay hehehe"

"Osya sige na, punta na kayo sa kwarto niyo ako na bahala mag ayos ng mga pinagkainan" sabi ni Jin hyung

"No, let me help you" sabi naman ni Namjoon hyung sabay yakap kay Jin hyhbg, awee! Lande leche HAHAHA.

"Landi ng mga to eh, pda!" Sabi ni Hoseok hyung, totoo naman HAHAHA.

"Oo nga tara na nga" sabi naman ni Yoongi hyung

"Psh mga bitter! Sige magsitulog na kayo!" Sabi ni Jin hyung

----

"Hyung, may nagugustuhan ka na ba?" Tanong ni Jungkook sakin.

Andito na kami sa kwarto, yeah, magka room mate kami.

"Ha?"

"May nagugustuhan ka na ba kako? Yung crush ganun? O higit pa dun."

"Ahh... Oo naman"

"Talaga hyung? Sino naman?"

"Syempre secret!"

"Aissshhh! Ang daya mo hyung! Sige na kasi!"

"Secret nga! Tsaka ko nalang sasabihin sayo!"

"Kailan?"

"Sa tamang panahon? HAHAHAHA"

"Eeehhh! Basta sasabihin mo ha?"

"Oo na!"

Pagkasabi ko nun ay humiga na'ko sa kama. Ko.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at nakita si Kookie.

"Hyung, pwede bang tabi muna tayo matulog?" Tanong niya

"B-bakit?" Syet tulungan niyo 'ko! Nauutal ako X_X

"Gusto ko lang, sige na hyungggg"

"Sige na nga, halika dito." Sabi ko at gumilid at tinap yung gilid ko para dun siya mahiga.

"Yehey thankyou hyung" sabi ni Jungkook sabay higa sa tabi ko.

"Goodnight hyung" sabi ni Kookie at nakatulog na, eh? Kabilis naman pala neto makatulog.

"Goodnight Kookie" sabi ko sabay kiss sa forehead niya. I love you Kookie, no matter what happen. I will make you mine kookie, I promise that.

Just Me and You VKOOK/TAEKOOKWhere stories live. Discover now