Magda Feat. Rico Blanco - Gloc 9

252 0 0
                                    

(Chorus)

Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena

at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena

na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo

Ito’y kwento ng isang babae, tulog sa umaga gising sa gabi

Ang kanyang muka’y puno ng kolorete, sa lugar na ilaw ay patay sinde

Simulan natin ang storya

Ako’y kanyang matalik na kaibigan, Ernesto ang aking pangalan

kwentong dapat nyong malaman, wag ng magbulagbulagan

Bakit ang nais natin ay, malaman ang baho ng iba

pag bibigyan kita, kilala mo ba si magda

Na aking kababata mula pa ng pagkabata

kami lagi magkasama Mga bangkang papel sa sapa,

Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid

at pag syay dumadaan mga leeg ay pumipilipit

Ubod ng ganda noong sya ay nag dalaga

tuwing kausap kona malimit akong tulala

Kahit may nararamdaman pinilit kong isara ang bibig at pintig ng puso para sa kanya

At sasayawan matapos kaming makapag tapos,

dahil pinawis ang mukha ako’y nag punas ng pulbos

kahit parang hindi pantay nag mamadaling hinila

Pinakilala nya lalake na taga maynila

(Chorus)

Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena

at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena

na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo.

Maraming taon ako’y nalipasan pinilit ko mang takasan

bagkos ay aking nalaman ang tunay kong kailangan

Di ko maibaling ang pag tingin ko sa iba

minamahalko sya hahanapin ko si magda

Lumuwas habang nagdarasal na maabutan

sa lugar na ang sabi’y kanyang pinag tatrabahuan

Nakita kong larawan nya na nakadikit sa pintuan

iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan

Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti

dahil ubod ng saya hindi na nag atubili

Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim

madaming lamesa’t mga nag iinumang lasing

Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta

sa maliit na entablado ay nakita ko na

ako ay nagtaka nag tanong nag kamot

Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot

Ito’y kwento ng isang babaeng, Tulog sa umaga gising sa gabi

Ang kanyang muka’y puno ng kolorete, Sa lugar na ilaw ay patay sinde

Ituloy natin ang storya

Agad s’yang sumama sakin walang kakaba kaba

ang trato nya sakin ay nobyo tila kataka taka

Bumaba sa taxing pinara sa may Sta. Mesa

parang ako’y bida sa mga sumunod na eksena

Kung ito ay panaginip ayaw ko nang magising

ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising

Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag

liham para sakin na isinulat nya magdamag

Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin

di malilimutan ang mga sinabi nya sa akin

Mahal kong ernesto alam kong tulog mo’y malalim

di nako nag paalam dina kita ginising

Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay

at sa pinaka masayang gabi ng aking buhay

Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko

isang tunay na pag ibig ang matatagpuan ko

Hinanap kung saan saan at kung kani kanino

di ko inakalang ito ang kahahantungan ko

Imbes na ako’y sagipin itinulak sa bangin

ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim

kung mabaho sabunin, Kung makati gamutin

kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin

kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng

Alam ang amoy ng laway ng iba’t ibang lalake

isa lang ang kaya kong sayo’y maipagmalaki

Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi

gusto ko mang manatili sayong mga yakap

Ako may natutuwa dahil ako’y iyong nahanap

wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat

At ang katulad ko sayo ay di karapatdapat

pinagarap kong sa altar akoy iyong ihatid

Ngunit sa dami ng pait ang puso ko’y namanhid

di ko makakalimutan ang pabaon mong halik

Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik

Regalo ng may kapal ng ikaw ay makilala

Salamat sa alaala, Nagmamahal magda

(Chorus)

Magdalena anong problema, bakit di ka makawala sa kadena

at sa gabi gabi ikaw ay nasa selda, na hanap buhay mo ngayon

Magdalena anong problema alam naman natin na dati kang nena

na sa iyong ama ikaw ay prinsesa anong ng yari sayo (2x)

Ito’y kwento ng isang babae..

iMusic Lyrics 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon