One: The Heroine

12 1 0
                                    

Miyerkules, isang normal na araw para sa dalagang si Ynes.

"Hah!" sigaw nito. Kakatapos lamang kasi nilang umikot ng tatlong beses sa oval na parte ng kanilang warm-up.

Huminga ito ng malalim upang ipunin sa baga ang hangin saka pinakawalan ito sakanyang bibig. Inulit niya ito ng ilang beses bago napagpasyahang umupo sa damuhan kung nasaan ang kanyang mga kaklase.

"Nakakapagod." wika nito sa sarili. Pinaypayan niya ang sarili gamit ang kanyang kamay. Nang hindi siya makuntento sa hangin na binibigay nito ay napagpasyahan niyang kunin na lamang ang kanyang panyo. Dinukot niya mula sa kanyang bulsa ang isang puting panyo na bulaklakin ang disenyo. Pinunasan niya ang pawisan niyang mukha at leeg. Pupunasan rin sana niya ang kanyang basang kilikili ngunit nagdalawang isip siya rito. Sa huli ay pinagpasyahan na lamang niyang itago muli ang panyo sapagkat nakakahiya iyong gawin sa harap ng kanyang mga kaklase.

Pinaypayan niya muli ang sarili niya. Nang maramdaman niyang nanunuyo ang kanyang lalamunan ay kinuha niya mula sa kanyang maliit na bag ang isang boteng naglalaman ng malamig na tubig. Nilagok niya ang laman nito hanggang maubos.

"Nes, may tubig kapa?" tanong ng matalik nitong kaibigan na si Karra. Tiningnan niya ang kanyang kaibigan. Maliit ito kumpara sakanya, ngunit umaapaw naman ng sobra ang kagandahan nito. Maikli lamang ang medyo kulot nitong buhok na umaabot lamang sa ibaba ng tenga. Maliit ang bilugang mukha nito tulad ng kanya. Manipis ang kilay at singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at mapupula ang tinintahang labi.

"Sorry Rara, naubos ko na e." kamot ulo nitong sabi sa kanyang kaibigan.

Napanguso naman ang kanyang kaibigan.

"Ayos lang. Nakakainis lang. Ang ulyanin ko na. Naiwan ko nanaman sa kung saan yung baunan ko ng tubig. Ang swerte ng nakapulot nun. Si Barney pa mandin ang design nun!"

Natawa naman si Ynes dahil sa sinabi ni Karra. Natawa na lang rin ito dahil sa pagiging makakalimutin niya.

Nagulat ang dalawa ng biglang lumapit sa kanila si Anjo at iniaabot sa dalaga ang dala nitong inumin.

"Hi Karra. Uhm. Sayo na lang tong inumin ko, hindi naman ako nauuhaw e." Nagkatinginan ang magkaibigan.

Magsasalita na sana si Karra ng biglang umalis sakanilang harapan ang binata. Napakibit balikat na lamang ang dalaga at ininom ang ibinigay sakanyang tubig.

Aasarin na sana ni Ynes ang kanyang kaibigan ng biglang pumito ang kanilang guro na si Mr. Guevarra. Nakuha nito ang lahat ng atensyon ng mga magkakaklaseng nakaupo sa damuhan.

"Okay class, since tapos na ang inyong warm up maari na tayong pumasok sa gym."

Naghiyawan naman ang mga estudyante dahil sa sinabi nito. Pinatahimik niya muna ito bago magsalitang muli.

"Teamsports tayo ngayon. Basketball o volleyball?" tanong niya sa mga ito.

Sabay sabay namang sumagot ang mga estudyante dahilan upang hindi sila maintindihan ng kanilang guro. Ang mga kalalakihan ay sumisigaw ng basketball samantalang ang mg kababaihan at mga pusong babae ay sumisigaw ng volleyball.

Naririndi na ang kanilang guro kaya napagpasiyahan na nitong pumito. Nanahimik ang buong klase.

"Okay class, dahil hindi kayo makapagdesisyon mag karacrus na lamang tayo. Head sa basketball at tails naman sa volleyball, okay ba yun?" tanong nito sa klase.

Nagtawanan naman ang buong klase sabay tingin sa kaibigan ni Ynes na si Karra. Sumimangot naman ang kanyang kaibigan dahil sa pangaasar ng kanyang mga kaklase sa pangalan nito. Pinatahimik muli ng guro ang kanyang estudyante bago maglabas ng piso.

Scythe and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon