Four: Alexander goes reaping

3 0 0
                                    

Matapos magising sa kanyang panaginip ay hindi na muling na katulog ang binatang si Alexander.

Naiinis siya kay Morpheus dahil hindi niya alam ang dahilan nito kung bakit siya binigyan ng ganoong panaginip.

Dahil wala naman na siyang ibang magawa, agad siyang naligo at nagbihis. Katulad ng nakasanayan nagsuot siya ng puting tshirt at itim na skinny jeans. Pagkatapos magsapatos ay agad niyang sinuot ang kanyang itim na jacket. Dinukot niya mula rito ang isang maliit na orasan.

6:00 AM.

Umatras siya ng limang beses bago pinitik ang kanyang mga daliri.

Sa isang iglap, napunta siya sa kanyang hardin. Hindi katulad ng hardin na nasa harap ng kaniyang kastilyo, ang kanya ay napupuno ng iba't ibang uri ng halaman. Mula sa hyacinth hanggang sa carnation. Isa isa niyang hinawakan ang kanyang tanim at sinamyo ang bango ng mga ito.

Pumitas siya ng isang puting rosas bago naglakad patungo sa isang malaking tipak ng bato. Nakapwesto ito sa pinakadulo ng kanyang munting hardin. Umupo siya rito at pinaikot sa pagitan ng daliri ang rosas. Natitinik man ay wala siyang pakialam.

Pinagmasdan niya ang isang munting bahay na nasa kanyang harapan. Matagal na itong abandonado. Nakalaban man nito ang panahon, bagyo at mga anay mababakas pa rin sa pundasyon nito ang mga ala-alang naiwan ng yumao nitong may-ari. Nadarama niya ang kasiyahan, hinagpis at takot ng mga ala-alang namamalagi roon. Nararamdaman niya ang mga emosyon na naiwan ng kanyang Ina.

Ang kanyang ina.

Lubha siyang nangungulila rito. Wala siyang alam tungkol sa kanyang ina dahil hindi naman nila ito napaguusapan ng kanyang ama.

Sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin, nakikita niya ang mukha ng kanyang ama. Iniisip niya lagi kung ano pa nga ba ang namana niya mula sakanyang ina. Bukod sa pagkahilig niya sa mga halaman at bulaklak, ano pa nga ba? Napabuntong hininga siya.

Hindi niya alam ang sagot dito. Gusto niyang malaman.

Habang pinagmamasdan niya ang kakasilip pa lang na araw, kinapa niya ang tableta sa kanyang bulsa. Umiinit ito.

Inilabas niya ito at tinitigan. Unti unting umuukit ang mga salita rito. "Rizza Misa. 11 Years Old. San Miguel, Espaliza"

Unti unting umikot ang kanyang paligid ng banggitin niya ang mga salitang ito.

Natagpuan niya na lamang ang sarili na nakaupo sa isang hagdan. Iginala niya ang paningin sa buong kabahayan. Mayaman marahil ang nakatira rito.

Ipinagpasya niya ng tumayo. Sinimulan niya ng hanapin ang kaluluwa ng batang kanyang susunduin.

Nanghihinayang siya. Bata pa lamang ito para putulin ng kanyang tiyahin ang pisi ng buhay nito.

Naglakad siya ng naglakad. Tumatagos siya sa mga bagay na kanyang nadadaanan.

Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi niya ito mahanap. Inisa-isa niya ang lahat ng kwarto ng makarating siya sa isang malaking silid.

Dito niya natagpuan ang isang batang nakaratay sa isang higaan. Maputla ang labi at balat nito. Lubog ang mata at pisngi dahil sa kapayatan. Nakadama siya ng pagka-awa rito. Napakabata pa nito para danasin ang ganiton mga paghihirap. Hihilahin na sana niya palabas ng katawan ang kaluluwa ng bata ng magmulat bigla ito ng mata. Nabigla ang babaeng nagbabantay rito. Nanlalaki ang mga mata nito habang sumisigaw.

"Ernesto! Ang anak natin gising na!" Malakas nito hiyaw.

Dagling pumasok ang isang lalake papasok ng kwarto. Bakas sa hitsura nito ang pagkabigla, ngunit napalitan din agad ito ng galak ng masilayan ang nakamulat nitong anak. Mabilis itong lumapit at hinagkan ang noo ng anak. Lumandas mula sa mga mata nito ang masasayang luha, samantalang tahimik naman ang paghikbi ng ina ng bata sa tabi nito.

Scythe and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon