Two: The Hero

4 0 0
                                    

Dinukot ng isang binata mula sa bulsa ng kanyang itim na jacket ang isang maliit na orasan.

6:00 pm.

Mahigit ilang oras na pala siyang nakatayo dito. Medyo madilim na ang kanyang paligid.

Kung makikita lamang siya ng mga tao tiyak ay agad siyang pagkakaguluhan ng mga kababaihan. Matangkad ang binata at medyo payat ang magandang pangangatawan nito. Magulo ang bagong tabas nitong buhok. Perpekto ang kilay. Mahaba ang pilik mata na bumabalot sa kulay abong mga mata nito. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi.

Tiningnan niya ang kalsadang nasa harapan niya. Sinuyod ng kanyang mata ang patutunguhan nito. Napansin niyang sa bawat kurba at kanto ng kalsada ay wala man lang poste ng ilaw na makikita. Mahirap lamang ang bayan na ito kaya marahil hindi kayang magpatayo ng mga ito ng mga poste ng ilaw. Nagkibit balikat na lamang siya. Hindi niya na problema kung mahirap man ang bayang ito.

Sinipa niya ang maliit na bato na nasa kanyang harapan at napagpasyahan ng umuwi.

Humakbang siya ng limang beses paatras ng biglang may isang pampasaherong bus ang tumigil sa harapan niya. Bumaba ang isang matandang babae kasama ang isang binatilyo na sa tingin niya ay apo nito. Kasunod ng mag-lola ang kundoktor na may hawak na mga susi. Marahil ay madaming gamit ang maglola sa compartment ng bus.

Hindi na niya ito pinagtuunan pa ng pansin. Ipipitik na sana niya ang kanyang mga daliri ng bigla siyang napatingin sa dalawang taong masayang nagkwewkwentuhan sa loob ng bus. Nakapwesto ang mga ito sa pinakadulong upuan. Sa tingin niya ay magkasintahan ang dalawang ito.

Mas malapit ang babae sa bintana kaya nakita niya agad ang hitsura nito. Maputi, may maliit na mukha at may paalon alon na buhok. Ang lalaki naman ay maputi rin at tuwid ang medyo magulo nitong buhok. Iniwas niya na ang kanyang tingin sa mga ito. Nagpasya ng uuwi na talaga siya ng isang makabasag tengang ingay ang umalingawngaw sa paligid.

Puno ng pagtataka ang mga pasahero ng bus, habang ang binata naman ay inilibot ang paningin sa buong paligid. Namataan niya ang isang family van hindi kalayuan sa nakahintong bus. Wasak ang buong harap ng van dahil sa pagtama nito sa isang malaking puno. Basag ang mga salamin at flat ang pumutok na gulong nito. Umuusok usok din ang makina nito.

Nanigas ang kalamnan niya. Tumagaktak ang malamig niyang pawis. Ramdam niyang naginginig ang buong katawan niya.

"Keres." Mahinang ngunit may galit na banggit nito.

Habang siya ay nababato sa kanyang kinatatayuan ay humahangos naman palabas ng bus ang mga pasahero nito. Bakas sa mga mukha nito ang takot. Ang maglolang kanina ay bitbit na ang mga gamit ay tulala at nanlalaki ang mata. Nakakalat sa lupa ang kanilang mga bagahe. Marahil nakita ng mga ito ang pangyayari. Ang kundoktor naman ay nagmamadiling isinara ang kompartment.

Ang mga matatapang naman na pasahero ng bus ay lumapit sa kinalalagyan ng bumanggang van. Dalawa sa mga ito ang magkasintahan. Nakaakbay ang lalaki sa naginginig nitong kasintahan.

Naiinis siya. Bakit pa lalapit at makiki-usiyoso ang babaeng ito kung alam naman niyang nakakatakot ang nangyari. Napailing na lang siya. Marahil ay nanalo ang kuryusidad sa babaeng iyon.

Humakbang siya papalapit kahit parang gulaman sa lambot ang mga binti niya. Napagpasiyahan niyang tumabi sa babaeng nanginginig dahil naroon ito sa pwestong kitang kita ang pinsala. Nang makalapit siya ay napansin niyang mas nanginig ang babae.

Napabuntong hininga siya.

Kahit sino namang tao ay manginginig ng todo kung ang nasa harapan nito ay may kamatayan at sa tabi nito ay may literal na kamatayan. Binalewala niya na lang ang babae. Binalik niya na lang muli sa family van ang kanyang atensyon.

Scythe and ArrowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon