Mahal kong Multo

17 0 0
                                    

Alam naman nating lahat na masakit magmahal. Masarap nga itong madama pero umiikot lang ang mundo. Hindi lahat ng oras ay masaya tayo, hindi rin lahat ng oras ay malungkot tayo. Pero pano kung nagmahal ka ng isang nilalang na hindi pwedeng mahalin? Hindi mo mahawakan pero nakikita mo. Nakakatakot sa paningin ng iba pero normal sa paningin mo. Posible bang mahulog ka sa isang taong hindi mo mayakap o mahalikan? Hanggang tinigin ka lang at hanggang pag uusap lang kayo. Pag-ibig kaya ito?

Abby Velado, 18 na taong gulang. Unang taon ko palang sa kolehiyo, AB Journalism ang kinukuha kong kurso. Nakalipas na ng 1st semester, medyo nasanay na rin ako sa paligid, nagkaroon na rin ako ng mga kaibigan. Akala ko mahihirapan ako pag dating ko ng kolehiyo, hindi naman pala masyado. Paborito kong magtambay sa rooftop ng departamento namin, at nagbabasa lamang ng libro. Pag minsan ay kasama ko mga kaibigan ko, pero madalas ako ay nag iisa o kaya dalawa kami, pero hindi ko kilala yung lalaking laging nandun.

Kararating ko lang ng iskul ng may biglang sumigaw ng pangalan ko..

“Abby! Dali na! Malalate na tayo!” sigaw ni Alody.

Si Alody Gelit pala ang aking matalik na kaibigan simula pa ng unang araw ng pasukan.

“Sorry! Natraffic kasi..” bigla akong napatingin sa lalaking nakatulala saakin sa may hallway.

“Abyy! Ano bang tinitingnan mo? Tara na!”

“Hah? Ah yung..” pagtingin ko ulit sa tinatayuan ng lalaki, wala na siya.

“Sus, kailangan pa ba talaga kitang hilahin?” Sabay hila saakin ni Alody.

Nagsisimula na yung klase ng pag pasok namin kay Sir. Pag upo ko sa upuan ko nakita ko na naman yung lalaking nakatulala saakin kanina. Lagi ko siyang nakikita sa rooftop, sa lobby, sa classroom ito ay simula nang nahimatay ako at nauntog yung ulo ko sa corridor. Hindi naman namin siya kaklase. Parang hindi rin nga siya napapansin ng mga prof namin. Nahihiya naman akong lumapit at tanungin kung sino siya at anong ginagawa niya dito.

“Psst. Alody, kilala mo yun na naka upo sa last row?”

“Hah? Sino? Wala namang naka upo dun. Hay naku Abby, okay ka lang? Kumain ka ba? Stress lang ata yan..”

“Ms. Gelit! Naststress talaga ako sa pag uusap niyo ni Abby.” Sigaw ni Sir saamin.

“Sorry po Sir.” Sabay naming sinabi ni Alody.

Pagkatapos ng klase naming papunta kami ng CR, nakatayo yung lalaki sa may labas ng CR. Naunang pumasok si Alody, naiwan ako at lumapit sakanya.

“Umm, ano pong pangalan niyo?”

Nagulat yung lalaki, tumingin sa likod niya at lumingon lingon.

“Nakikita mo ako?”

“Malamang, may mata ako eh.”

“Huh?! Imposible, hindi mo ko dapat makita.”

“Bakit naman?”

Lumabas si Alody ng CR.

“Uy Abby sinong kausap mo?”

“Si.. yan oh!” Sabay turo ko sa lalaki.

“Okay ka lang ba? Walang ibang tao dito tayo lang.”

“Nagbibiro ka ba? Hoy ikaw, sabihin mo sakanya na ikaw, tao ka.”

Lumapit si Alody sa tinuturo ko at parang ang hinawakan niya ay hangin lamang. Hindi niya ito nahahawakan!

“Oh my gosh….” Gulat kong sinabi.

“Oh diba wala? Tara na nga” sabay hila saakin ni Alody.

“Justin! Justin Estyo pala pangalan ko. See you tomorrow Abby.” Sabi saakin ng lalaking hindi nakikita at nahahawakan! Multo ba siya? Bakit ako lang nkakakita?

Pag dating ko sa bahay ay hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ilang oras na kong nakatulala sa ding ding. Biglang pumasok sa isip ko na isearch siya sa google o kaya FB, baka meron siya.

“Ano nga ulit pangalan niya..Justin..Estyo..” nang pagclick ko ng enter biglang lumabas pangalan niya sa google. May news article siya..

“February 23,2008, Justin Estyo accidentally fell off the stairs and died..” napanga nga ako sa nabasa ko.

Patay na pala siya! Multo pala yung nakikita ko?! Bakit ko kaya yun nakikita..ah! Baka ng dahil sa pagka untog ko. Pano kaya yun nangyari. Hindi naman siya nakakatakot. Bakit kaya hindi pa siya natatahimik..baka hindi talaga siya na aksidente..itutulog ko na lang nga ito.

Pag pasok ko sa iskul ay nakita ko na naman si Justin nakatayo sa may lobby.

“Hi Abby.” Sabay kaway at ngiti saakin.

“Bakit hindi ka pa natatahimik?” Napalakas ko yung boses ko at tingin saakin yung mga estudyante. Nag mukha tuloy akong sira ulo.

“Ah, mahabang kwento yun. Kung ayaw mong magmukang krung krung, wag mo naman ipahalata na may kausap ka. Bakit pala hindi ka takot saakin?”

“Bata pa lamang ako mahilig na ko mag ghost hunting. Yang mga paranormal activities na yan, hilig ko yan. Kaya dream come true na nakakausap ako ng multo.”

“Talaga? Buti naman at may makausap na ko. Nakakapanis ng laway kahit multo lang ako.”

“Abby! Sino na naman kausap mo? Lagi mo nalang kausap sarili mo. Baka may connect yan sa pagkauntog mo.” Sabay hila saakin ni Alody. Ang hilig niyang hilahin ako.

“Sige, maya kita tayo sa rooftop. Kwento ko sayo nangyari.” Sabay kaway saakin ni Justin.

Pagkatapos ng klase naming takbo ako sa pataas. Pag dating ko ng rooftop naka upo siya sa isang gilid.

“Hi Abby. Tara upo ka dito.”

“Ang bait mo naman, nangangailangan ka talaga ng kausap noh?”

“Naalala ko kasi may project kayo tungkol sa unrevealed news. Baka interested kang malaman yung storya ko?”

“Sige, sige. Baka matulungan pa kita.”

“Noon 2008, limang taon ng nakalipas ng namatay ako. Sabi, nadulas daw ako sa hagdan, nahulog ako, dumugo yung ulo ko, at namatay na.”

“Iyon ba talaga ang nangyari?”

“Hindi. Mayroon akong mahal noon, gusto niya na makipaghiwalay saakin dahil may nahanap na siyang iba. Hindi niya sinasadyang matulak ako sa hagdan. Tumahimik lamang siya at hindi sinabi yung totoong nangyari.”

“Kaya pala hindi ka pa rin nakakaalis dito. Dahil hindi ka pa natatahiimik. Asan na ba siya ngayon?”

“Hindi ko rin alam.” Tumayo siya at naglakad palayo, unti unti siyang nawala.

Nakalipas na ng tatlong taon, lagi ko siyang kausap. Mahilig siyang manakot ng ibang mga estudyante pero hindi naman siya pumapatay.  Hindi ko alam kung bakit iba na ang nararamdaman ko para sakanya. Pagmamahal na ata? Posible bang mapamahal ka sa multo? Pero ito na nga, nangyayari na.

Malapit na ko makagraduate. Hinanap ko yung sinasabi ni Justin na babaeng mahal niya noon. Nang mahanap ko na siya, tinanong ko siya kung kilala niya si Justin Estyo at kung ano ba talaga nangyari. Umamin yung babae. Hindi niya na rin daw kayang kimkimin ito. Naibalita na ito sa TV at nakulong yung babae tumulak kay Justin.

Nang naging maayos na lahat, matatahimik na ang kaluluwa ni Justin. Patakbo ako sa lagi naming tinatambayan na classroom. Inaantay niya ko dito.

“Justin!” Paiyak kong sigaw.

Yinakap ako ni Justin ng mahigpit.

“Magkikita muli tayo..”

At unti unti na siyang nawala.

Makalipas ng ilang taon. Kami ay nagkabunguan sa pedestrian lane. Sabay ngiti ng panibagong buhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kong MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon