Chapter 1 kilalanin ako

1.4K 9 3
                                    

hello Guys ...

Ako si Carmella ang Pinaka magandang babae sa balat ng lupa.. teka May balat ba ang Lupa?

Carmella Villar opppss.. hindi ako related kay Manny Villar o Cynthia Villar na may ari ng Camella homes, nagkataon lang na ka Apelyido ko sila

Cams for short 21 years old , medyo sexy, kayumanggi, kamukha ko daw si LJ Moreno asawa ni jimmy alapag basketball player hahaha simpling ganda lang ako at open minded

Isa akong Assumptionista pero hindi ako susyalera

kursong Bachelor of Science in Nursing

4rth year College Deans Lister Matalino daw ako pero sa totoo ang dali lang ng pinag- aaralan namin ewan ko ba lagi akong nangunguna sa klase (yabang no)

mahirap talaga pero nag aaral akong mabuti para makapuntang abroad, nandoon kasi ang magulang ko si ate at si kuya

Si Auntie Baba nalang kasama ko sa bahay, kapatid ng Tatay ko byuda sya at walang anak, kaya ng umalis ang pamilya ko naiwan ako kay auntie Baba para 4 na taon lang pagkatapos ng College Pupunta na ako dun

Malakas ako kay Lord kaya lagi akong nangunguna sa klase hahaha... Bakit ba naman hindi meron akong kasintahan na isang Seminarista malakas kay lord laging nagdarasal..

Nagtataka siguro kayo bakit ko naging kasintahan ang isang seminarista? diba bawal , diba magpapari sila, bawal sila mag GF at bawal sila Mag asawa kaya nga Pari db para kay Lord lang sila.

Sabi ng barkada ko Carmella Villar Matalino ka nga bobo ka naman sa Pag-ibig aagawin mo pa ang para kay Lord? Alam mo na umpisa palang hindi na pwede ang relasyon nyo .

Alam ko naman yun sa umpisa palang pero ang hirap pigilan, Ang hirap , sobrang hirap,

Halos nasa akin na daw lahat pero isang bagay lang ang hindi ko makukuha, at sa umpisa palang alam ko na..

Pero hindi ako susuko malay mo baka maawa sa akin si Lord db at ipa-ubaya na sya sa akin ng tuluyan, wala naman mawawala kung susubukan ko,

sabi nga ng mga Ginerba fans

NEVER SAY DIE !!!!!

at si justin bieber

NEVER SAY NEVER!!!!

Ang BoyFriend kong SEMINARISTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon