(7) Day dreamer

80 3 0
                                    

DEDICATED TO ATE LILY or BLACKLILY :)♥

Enjoy reading :)

***

Magkahawak kamay kaming naglalakad patungo sa paaralan. Sinundo niya kasi ako mula sa aming tahanan.

"Kevs, napatawag daw kayo aa office kahapon?" pagsisimula ko ng usapan.

"Ahh! Oo. Ang ingay daw namin kahit hindi naman. Nakakainis nga eh!" naiiritang sagot naman nya.

"Oh! Kalma lang! Haha" matawa-tawang sagot ko sa kanya.

Patuloy pa kami sa paglalakad habang nagkekwentuhan. Masaya kaming nag-uusap tungkol sa mga pangyayari sa aming buhay.

Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa ganito. Parang dati lang kasi, crush ko lang siya.

Sikat kasi si Kevin sa school. May pagka-notorious sila ng barkada niya but still, he's smart. Running for honors yan kahit tamad. Idagdag pa ang pagiging gitarista nya ng banda nila.

Matagal akong naghintay sa kanya para mapansin ako. Unang taon ko pa lamang, eh siya na agad ang naging laman ng puso at isipan ko. Ewan ko, parang ang bilis nga nun eh. Kakakita ko pa lang sa kanya, ngi hindi pa kami magkakilala eh nagustuhan ko na siya.

Kaya sinikap ko maghintay sa kanya at kaibiganin siya.

"Andrea! Huy. San ka papunta?" Nagulat ako ng may biglang lumapit at tumawag sa akin.

Nagulat ako. Si Kevin pala. Doon ko naalala. Ako lang pala mag-isa. Hindi ko siya kasama. Hindi niya ako sinundo, hindi kami magkahawak kamay at lalong walang KAMI.  Nangangarap at nagiimagine lang ako.  Dito naman kasi ako magaling, ang mag daydream. Minsan nga akala ko totoo na talaga yun pala, produkto lang ng imahinasyon ko.

"Ah. Sa school. Sorry hndi kita napansin" sagot ko na lang sa kanya. At nagpatuloy ako sa paglalakad. Mag-isa.

Minsan mas gusto ko na ang mabuhay sa panaginip ko. Kung saan masaya at kasama ko siya, pero hndi pwede. Kailangan kong magising at mamuhay sa realidad.

**

Gets nyo ba? Sorry magulo. Bored langXD

Short Stories CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon