ARZI
"Bes! Tingnan mo oh! Ang pogi pogi niyaaa!" pabulong kong sabi sa king bestfriend na si Nina.
"Oo nga bes! HAHAHA. Pinagpapalit mo na ba si...." pabalik naman niyang tanong.
"Bes nmana eh. Past is past. Wag mo ng i-bring up yng topic na 'yan. ang panget panget naman nun eh." nagmamaktol ko nmang sagot sa kanya.
Sakto namang dumaan ang lalaking tinutukoy ni Nina. Si Yllak Sean. Si Yllak Sean na apat na taon kong ng gusto. Pilit ko mang pagtakapan yung feelings ko para sa kanya, wala eh. Siya talaga.
Ang daming kong sinasbaing gusto ko pero, siya lang naman talaga. Si Yllak Sean lang talaga.
**
Lumipas ang ilang buwan. Pilit kong kinakalimutan ang feelings ko para sa kanya. Masakit, mahirap pero kinakaya ko. Para rin naman sa akin ito eh. Para sa ikabubuti ng puso ko.
Lingid sa kaalaman ng aking mga kaibigan na patuloy ko pa rin minamahal. Patuloy pa rin akong umaasa at nangangarap na, balang araw, darating ang panahon, magiging kame at masusuklian niya ang pag-ibig ko.
**
Ilang buwan pa ang lumipas at buwan na ng Agosto. Mahirap maging graduating student. Ang daming pinagdadaanan, ang daming problema, ang daming kailangan gawin..
"Nice Bes!" nagulat ako sa kantyaw ng mga kaibigan at kaklase ko. Nanadito nanaman pala kasi si Ivan. Ang masugid kong manliligaw.
Nagkakilala kami dahil sa isang common friend. Hindi kami magkakalase pero parehas kaming graduating na. Kina-ibigan niya ako sa text, fb at halos lahat na yata ng social networking sites na meron ako. At saka isang araw umamin siya sa akin at sinabi nyang liligawan niya ako.
Mabait si Ivan. Matiyaga siya sa panliligaw kahit na minsan eh, pinagtatabuyan ko siya. Sobrang effort niya at madals naman akong kiligin at matuwa sa mga ginagawa niya. Hindi niya alam ang tungkol kay Yllak pero siya ang tumutulong sa akin upang makalimutan ang feelings ko para sa taong iyon.
Minsan na ring sumagi sa isip ko na sagutin siya para tuluyan ko nang makalimutan si Yllak pero ayaw ko naman siyang gawinng panakip butas o rebound. Gusto ko na pag naging kame ay gusto ko na talaga siya.
Habang tumatagal ay lalo kong nakiita ang mga effort niya. Halos lahat na nga yata ng mga kaibigan, kaklase at kakilala namin ay boto na para sa aming dalawa.
Nabubura na rin ang pangalang Yllak Sean Benitez sa aking puso at nappalitan ng Ivan Ryan Baltazar.
**
Enero na. Lumipas na ang pasko at bagong taon at pasukan nanaman. At ngayon ko balak sagutin ang taong gusto ko. si Ivan..
Oo, tama kayo ng basa. Gusto ko na siya. Sa nakalipas na mga buwan ng kanyang masuyong panliligaw sa akin ay lubos kong nakita ang magaganda niyang ugali. Yung ugali at tiyagang nagtulak sa akin upang masuklian ang kanyang pagmamahal para sa akin.
"Ahm. Iv-van." medyo utal ko pang pagtawag. Medyo nahihiya kasi ako.
Sa totoo lang pinaghandaan ko na ang dapat kong sabihin sa kanya pero parang nawala lahat. Nakain ko na nga yata. Totoo nga yung sabi nila, iba na kapag andyan na talaga.
"Uhmm.. may sasabihin kasi ako." sabi ko ulit.
"Ano yun? Ikaw ah! nahihiya ka na sa akin. Gusto mo na ako no?" pang-aasar niya pa sa akin sabay ngisi ng nakakaloko.
"Ahm. parang ga-ganun na nga!" Shet talaga! Bakit ba ako nauutal? Pero okay na yun, atleast nasabi ko na!
"Ano ulit?" tanong niya habang may malaking ngisi sa kanyang labi.
Alam ko namang narinig niya eh! Nakakahiya talaga.
"Wala na. Wala ng ulitan. Ayoko na." pagmamaktol ko.
"Ah okay." sagot niya sabay talikod.
Bwist talaga itong lalaking 'to. Ang arte kung hindi ko lang ito mahal! Arrgghh!
"Oo na. Gusto na kita. Mahal na pala. Tayo na. Okay? Naintindihan mo na? Malinaw na ba?"
Dire-siretso kong sabi sa kanya.
"TALAGA? YEEEEEEEEESSSSS!" sigaw niya sabay taas ng kamay na may malaking ngiti sa labi.
***
Naging masaya ang relasyon namin ni Ivan. Umabot kami ng pitong taon .bilang magkasintahan at ngayon ang araw na ng kasal namin. Masaya ko sa ming naging buhay. Nagawa naming pagsabayin ang pag-aaral at nakatapos kmai sa tamang panahon. Sa ilang taon naming relasyon ay hindi ko ito matatawag na perpekto. Hindi nawawala ang away, tampuhan at selos ngunit nananaig pa rin ang aming pagmammahalan.
Sa buhay natin, may mga taong makilala natin na sadyang nagbibigay ng saya, kilig, tuwa at lungkot. Yung tipong, akala talaga natin ay sila na.. Iyon, dadaan lang pala. Sila lang pala ang magiging tulay upang makilala mo ang dapat makilala at marating ang dapat mong marating. Sila ang daan tungo sa isang tao, na sa iyo ay itinadhana.
Yllak may be my first love but Ivan is my greatest love. He's the one meant for me and we're meant to be.
BINABASA MO ANG
Short Stories Collection
RomanceDifferent Stories, Different People, Different Personalities, Different Scenes in one BOOK. Short Stories Collection.