Will It End Happily?

5 1 0
                                    


∞∞∞


Simula bata pa lamang ako ay pinangarap ko na ang isang mala fairy tale na love story ng buhay ko.


Yung maglalakad ako sa aisle ng simbahan papunta sa altar kung saan naghihintay ang prince charming ko.


Ang prince charming? Si Jayvie. Ang childhood friend ko.


Nursury, kinder, elementary, high school hanggang college ay magkasama kami. Sabi nga ng iba kambal tuko daw kami. Sabi naman ng parents namin, siguradong kami na daw ang makakatuluyan sa huli. At pinanghahawakan ko din ang paniniwalang iyon.


Kapag sa school noong high school, napapagkamalan kami na raw. Naalala ko pa dati iyong usapan naming magkakaibigan...


FLASHBACK...


Nasa canteen kami ng mga oras na iyon. Lima kami sa barkada. Lahat kami ay magkaklase din. Si Janin, na bestfriend ko, si Fred na boyfriend niya, si Kalvin na bestfriend ni Jayvie at si Jayvie.


Naguusap lang kami about random things hanggang mapunta samin ni Jayvie ang usapan.


"So, Jayvie at Tiffany, kalian niyo sasagutin ang tanong ng taong bayan?" biglang tanong ni Fred habang nakapatong ang kanang braso sa upuan ni Janin na parang nakaakbay ito.


"Oo nga. Kayo na ba?" dagdag pa ni Janin at inilapit ang mukha sakin ng may mapang-asar na ngiti.


Tinulak ko naman ang mukha ni Janin ng may ngiting nahihiya.


Hindi lang ako nagcomment. Iyon naman ang lagi kong ginagawa eh.


"Ano sa tingin niyo?"


Nagulat ako ng magsalita si Jayvie. Kadalasan kasi kapag may nagtatanong ng ganun samin ay ngingiti lang kaming dalawa o di kaya magkikibitbalikat lang si Jayvie.


Agad akong napatingin sa kanya. Iyong mukha niya ay may ngiting masaya na mapang-asar. Hindi ko magets.


"OMG!!!! So ibig sabihin kayo nga?" Mahinang tili na kinikilig ni Janin.


Si Fred naman ay inalis ang pagkakapatong ng braso sa upuan ni Janin at tumingin samin ng nanlalaki ang mata. Si Kalvin naman ay ngumiti lang. As usual, tahimik kasi na tao si Kalvin. Ewan ko ba kung bakit naging close sila ni Jayvie, eh kabaliktaran siya nito


Tumawa naman si Jayvie at akmang magsasalita n asana ito ng biglang tumunog ang bell hudyat na malapit na magsimula ang next subject.


Hindi namin nalaman ang ibig sabihin ni Jayvie ng mga oras na iyon. Hindi na rin muling nagtanong ang mga kaibigan namin. Mukha kasing ang pagkakaintindi nila ay kami nga.

NO HAPPILY EVER AFTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon