Chapter 10 --- Unanswered Question

2.9K 115 121
                                    




Amari's POV~



Mataman lang akong nakatingin sa pintuan ng library nang pumasok na si Nicolas doon. Sinubukan ko pang pumasok kaso pinigil ako ni lolo at pinaghintay nalang sa labas.


Nakapagataka dahil ngayon lang ito nangyari. Mahigit ilang minuto din akong naghihintay pero hindi pa rin lumalabas si Nicolas. Ano kaya ang pinag-uusapan nila?


Sinubukan ko pang idikit ang tainga ko sa may pinto baka sakaling marinig ko ang pinag-uusapan nila pero hindi ko talaga sila marinig.


Tungkol kaya sa sinabi ko kanina ang pinag-uusapan nila? If so, dapat nandoon din ako at nakikinig. Nagkibit balikat akong bumalik sa isang upuan na katapat ng pinto.


Nang sa wakas ay bumukas din ang pinto ng library at iniluwa nito si Nicolas. Agad akong tumayo at lumapit dito.


"Anong pinag-usapan ninyo?" usisa ko dito.


Tiningnan nya muna ako bago bahagyang numiti at sumagot.


"Nothing."


"Anong wala eh ang tagal mo sa loob. Anong pinag-usapan nyo kasi?" pamimilit ko ditong sabihin.


He sighed. "Wala nga." Sagot nito saka lumakad na. Susundan ko sana sya kaso tinawag ako ni Lolo.


"Amaris, halika nga rito." Pagkarinig ko nun ay pumasok ako at lumapit dito.


"Ano pong pinag-usapan nyu, lo?"


Hindi nya ako sinagot sa halip at ngumiti lang ito at nagsalita. "Payakap nga."


Lumapit naman ako dito at niyakap siya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Bahagya pang hinagod ni lolo ang likod ko katulad dati nung bata pa ako sa tuwing nilalambing nya ako.


"Okay lang po ba kayo, lo?"


Binitiwan na niya at hinarap ako.


"Oo naman. Alam mo mahal na mahal kita apo."


"Mahal ko rin po kayo, lo." Sabay ngiti kong sabi dito.


Gumanti rin iya bilang ganti. "Oh, sya. Kumain ka na doon at nang makatulog nang maaga para makapagpahinga ka naman."


"Sabay na tayo lo."


"Mauna kana. Magpapahatid nalang ako ng pagkain dito sa mga yaya."


"Sige po. Labas na po ako lo." Paalam ko dito. Ngumiti lang ito sa akin.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death God's DutyWhere stories live. Discover now