Chapter 2.2 : For You

14 7 15
                                    

RAIN

Bahagya akong hinigit ni Angelu para makarating sa open-field kung saan punong-puno ito ng mga tao, dahil na rin sa naggagandahang mga booth doon. Idagdag pa ang mga palamuti na banderitas na by color ang kulay na nakasabit. May isang booth pa akong nakita na mukhang bahay, nasa tabi ito ng puno. Para lamang itong mini canteen na puro lutong bahay ang inihahain. Marami pa akong nakitang booths sa paligid.

Nakapunta na ako sa ganitong event ng isang school pero highschool pa lamang ako noon. At iyon na ang panghuli.

" Tara d'on Rain! " sigaw ni Angelu at saka ako hinigit papunta sa isang booth.

Dreamcatcher? Napatingin ako kay Angelu habang titignan niya yung mga dreamcatcher na may iba't ibang design at size. Mura lang iyon, may singkwenta at may isangdaan. Sabi nung isang estudyanteng nagbebenta, handmade daw iyon.

" Bibilhin ko ito. " napatingin ako sa napili niya. Kulay red iyon at black. Bawat dreamcatcher may pangalan nanakakabit. Iyong mga pangalan niyong gumawa niyong product.

" Para saan yung pangalan? " bulong ko roon sa isang senior student kagaya ko na nagbebenta kasama niyong isa. Ngumiti siya sa akin bago sumagot. " Para bigyan ng review yung gawa nung kaklase namin. " sagot niya sa akin. Tinignan ko muli si Angelu habang kausap niya iyong isang nagbebenta at nagmwestra ng ilang beses sa kamay nito.

Lumapit siya sa akin habang hawak-hawak yung dreamcatcher na binili niya.

" Kaninong gawa iyan? " tanong ko pero ngumiti lang siya saka sumagot ng " Secret. "
Nauna siyang naglakad sa akin at pansin ko ang pamumula ng tenga nito. Napailing na lang ako sa kabalbalan niya. May pasecret-secret pa siyang nalalaman, si Paolo naman ang gumawa.

***

Ala-sais na ng gabi at malapit na ang fireworks display. Nandito na kami sa openfield ng biglang umilaw ang stage na ginanapan ng Mr. & Ms. Foundation kahapon. May isang lalaking may hawak ng mic ang nakita namin.

" Si Felix iyan. " bulong sa akin ni Angelu pero aanhin ko naman ang pangalan ng lalaking iyon para sabihin pa niya? Hindi ko kailangan niyon. Kilala ko siya.

" Ahm, pasensiya na sa abala pero napilit lang ako ng kaibigan ko rito. " saad niyong lalaki saka tumawa. Medyo awkward ang pagkakatayo niya sa harap at palinga-linga sa gilid. " Iyong kaibigan ko kasi may babaeng gustong kantahan. Pa-goodshot si loko e... "
Natawa ang mga tao sa paligid tapos may mga nagtilian.

Nagulat ako noong biglang umilaw ang paligid niya at may mga drum set na sa likod at may dalawang lalaking may hawak na ng gitara. Sa sulok may isang nakapwesto sa piano. Umalis iyong Felix sa harapan at pumwesto sa drum set. At may isang lalaking may dalang gitara ang bagong akyat na pumwesto sa may mic.

" Para sayo ito, Rain. " biglang nagtilian ang mga tao. Naramdaman ko ang pagyugyog sa akin ni Angelu. " Ikaw daw. "

🎵 Ano ang iyong pangalan
Nais kong malaman
At kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala
Di mo ko masisisi
Sumusulyap palagi
Sa'yong mga matang
O kay ganda o binibini🎵


Tulad Mo? Napatingin ako kay Elias habang kumakanta siya. Hindi ko alam kung nakikita niya ako dahil kaunti lang ang ilaw dito sa openfield pero pakiramdam ko, sa akin siya nakatitig habang kumakanta.

Hindi ko alam na maganda pala ang boses niya kaya hindi ko mapigilang tumitig habang pinapanood ko siya.

" Siguro, baka isipin mong ang creepy ko. Baka isipin mongㅡ " agad akong tumalikod dahil aalis na ako. Nalimutan kong may part time job nga pala ako sa oras na ito. Baka makapag-overtime si Aris ng wala sa oras.

10 Steps Closer [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon