Chapter 3 : Cancelled

20 3 1
                                    

ANGELU

Malakas ang hangin at patuloy parin ang pagbugso ng ulan. Napanguso ako at saka napabaling sa katabi kong nakatunganga rin sa bintana.

" Sa tingin mo, kailan matatapos ang ulan? " sinamaan ko naman siya ng tingin at saka hinampas ng malakas sa balikat. " Baliw ka ba? Try mong pahintuin yung bagyo, sakaling titigil iyong ulan. Duh! " reklamo ko sa kanya. Magyayayayang pumunta sa vacation house nila dahil may long weekend kami tapos ganitong kalakas yung bagyo? Paano ko maa-appreciate ang dagat ngayon kung nagngangalit ito? Magyayayang maggala pero hindi inaaalam ang lagay ng panahon.

Gusto ko ng umuwi. Napabusangot na lamang ako n'ong lalong lumakas yung ulan. Ayoko na. Gusto ko na talagang umuwi. Kung pwede lang ay susugod na ako, tutal kotse ko naman iyong dala namin. Kaso, umaawas na yung ilog, sabi niyong caretaker dito sa bahay ay nasira daw yung tulay. Kung hindi lang bumabagyo, napalapag ko na yung helicopter ni Ninong, kaso sa pagkakaalala ko nasa pangangalaga iyong ng bwisit niyang anak na si Jacob.

"Manahimik ka na lang kaya diyan," saad niya saka lumayo sa bintana at mukhang nawalan na ng pag-asang madaling huhupa ang ulan. "Magluto muna tayo ng kakainin natin. Hindi raw makakapunta si Manong dito dahil inakay pa niya yung mga alaga niyang baka."

So, ganoon?

Ayokong mastranded dito kasama ang chinitong tisoy na ito. Agad kong kinuha ang napakaganda kong phone na kung sinasadya nga namang walang signal. Ano ba?! Wala na ba talagang paraan para makalabas sa lugar na ito? Ganoon na lamang ba iyon?!

"KUMAIN ka na."

Napanguso ako noong hinainan niya ako ng tinola. Ang kati ng ilong ko! Agad akong tumalikod sa mesa at saka bumahing. May sipon pa ako. Humarap muli ako sa lamesa at napansin kong wala na roon si Paolo, pumasok siya sa kusina at pagbalik niya ay inilagay niya sa tabi ng baso ko ang isang paracetamol.

"Inumin mo matapos mong kumain," saad niya saka umupo sa harap ko. Nagsimula na kaming kumain at hindi ko maipagkakailang napakasarap niyang magluto. Ako nga ay hindi nakakatagal sa kusina.

Ang sarap.

RAIN

Mahina na ang ulan at unti-unti na itong tumitila. Napakagat ako sa takip ng ballpen ko habang nakatingin sa bintana. Hindi na nag-reply si Angelu sa mensahe ko sa kanya kanina. Tinatapos ko ang mga paper works na ibinigay sa amin ng mga professor, kapag mataas ang puntos ko rito, may malaking tyansang makapasa ako at makapag-OJT sa susunod na sem. Huling taon ko na sa kolehiyo at kalahati ng taon ay nakalaan para sa OJT, kung sana ay nakapag-OJT ako noong Junior ako ay hindi na ako mamomroblema ngayon. Kaya kailangan kong maipasa ang lahat ng subject ko para hindi muli akong magtake ng same subject next sem.

Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok roon. Wala akong inaasahang tao na pupunta sa apartment ko lalo na at ganito ang panahon. Hindi ko ito inintindi dahil alam kong hindi iyon ang landlady. Nakabayad na ako ng three months advance noong nakaraang linggo at wala siyang problema sa akin ngayon. Agad kumunot ang noo ko noong marinig ko sa ika-limang beses ang mga katok sa pintuan ko.

Marahas ko itong binuksan dahil sa inis at agarang napatigalgal noong makita ko kung sino ang kumakatok.

"Pizza Delivery," nakangiting bati ng isang lalaking may hawak na karton ng large size pizza at dire-diretsong pumasok sa apartment ko. Mukhang nagmamadali siya dahil sa bilis ng paglakad niya pero ang ipinagtaka ko ay ang suot nitong apron. Agad ko siyang sinundan noong mapagtanto ko kung sino siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Steps Closer [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon