RAIN
"Rain!" Naramdaman ko ang pag-akbay sakin ni Angelu pagkatapos niyon. Agad akong napangiti. At pinisil ang pisngi niya.
"Kamusta na?" Tanong ko. Napanguso naman siya at inilayo ang mukha niya sakin bago sagutin ang tanong ko.
"Ayos lang naman," sagot niya habang inaayos ang uniform niya at saka ngumiti sakin.
Simula na naman ng bagong semester. Marami akong nakikitang estudyanteng mukhang antok pa at hindi pa maka-get-over sa bakasyon at napakibit-balikat na lang ako. Hindi ako isa sa kanila, dahil gustong-gusto kong may pasok lagi. Pero siguro dahil na rin sa nakaabang na mga bagong activities, proyekto at ang madugong digmaan sa thesis. Hindi naman sila tulad ko na all-year-round ay may trabaho.
Isa akong Sanitary Engineering student, dahil na rin sa gusto ng mama ko na maging engineer ako someday. Pero iyon, hindi ako nakaabot sa quota na Top 150 sa entrance exam kaya matik na sa BSSE ang bagsak ko. Hindi pa ako nagtitino ng mga panahon na iyon.
"Ikaw, Rain, kamusta yung bakasyon?" tanong sa akin ni Angelu habang inaayos ang dala-dala niyang libro. Mukhang dadaan pa siya sa locker niya para iwanan ang iba.
"Boring." maiksi kong saad na ikinatango niya. Si Angelu ang tipong kilala na ang isang tao sa unang tingin pa lang. Masyado siyang sensitive sa nangyayari sa paligid niya at fully aware siya doon. Ako? Sabihin na nating isa ako sa mga taong walang pakiramdam basta nakakakain, nag-aaral, at nakakatulog, minsan, nagtatrabaho pa.
Naghiwalay kami ng daan dahil magkaiba kami ng first period pero may tatlong klase ako na kaklase ko siya roon. 'Di ko masasabing kaibigan ko siya dahil wala akong kinikilalang kaibigan. Acquiantance or stranger lamang ang dalawang uri ng tao sa buhay ko. Maliban sa pamilya ko. Kung mayroon pa nga ba ako?
Pagkapasok ko sa silid ay agad akong pumwesto sa likod kung saan 'di agad ako mapapansin.
Masyado pang maaga para simulan ang klase kaya naghintay pa ako ng ilang minuto. Napapansin kong napupuno na ang silid ng mga estudyante pero wala pa ring naglalakas loob na umupo sa tabi ko. Kung sakali man ay ayoko din.
Binuklat ko na lamang ang libro ko para makapagbasa-basa. Bahagya kong naibaba ang libro ng may nalaglag na eroplanong papel sa harapan ko.
Agad akong napalingon sa paligid habang hawak-hawak iyon. Wala naman sigurong maglalaro ng ganito kung college student na sila, 'di ba?
"Goodmorning class." Itinago ko na lamang ito nang dumating ang prof namin, hindi ko na tuloy natanong kung sino ang nagpalipad ng eroplanong papel sa pwesto ko. Kung sino man siya. 'Di ko alam kung nang-iistorbo ba siya o sadyang isip bata lang.
Natapos ang ilan kong klase bago maglunch. Imbis na dumiretso sa cafeteria ay pumunta muna ako sa locker room para iwan ang libro ko doon.
Ipipihit ko na sana yung lock ng locker ko nang mapansin ang gasgas sa paligid nito. Animo'y may nagpumilit na magbukas at hindi ginamitan ng dapat na susi. Napalingon ako sa paligid ko at saka naglakas-loob na buksan ito. Nagdarasal na sana hindi tulad ng mga series na napapanood ko na may daga o kung ano sa loob.
Kaya nagulat na lamang ako na tanging papel lamang ang naroon... agad kong binuklat ang paper airplane. May nakasulat.
' .--./.-.././.-/.../.|.../--/../.-../. '
Anong kalokohan ito? Agad kong kinuha ang isa pang papel na eroplano na nakita ko kaninang umaga. Agad ko itong binuklat.
' --./---/---/-..|--/---/.-./-./../-./--. "
Hindi ko maintindihan ang nakasulat kaya itinago ko na lamang ito sa locker ko at iniwan ko na din ang libro ko. Di ako nakakabasa ng mga ganitong bagay.
BINABASA MO ANG
10 Steps Closer [Under Revision]
De Todo"I'll take 10 steps closer to you when you take a step backward away from me. " Step Series #1: 10 Steps Closer Alira_Gail (2016) All Rights Reserved