8

16 1 0
                                    


"Wahhh Alziker ang ganda oh!" bulaslas ni Slyvhania habang niyuyugyog ang natutulog na asawa.

Nasa airplane na kasi sila, papunta na sila ngayun sa Hawaii para sa kanilang honeymoon na tatagal ng limang araw.

Manghang mangha si Slyvhania sa nakikita, pasikat palang kasi ang araw at sobrang natuwa siya ng maabutan ito habang sila ay nasa ere, dahil iba't ibang kulay ang nakikita niya sa mga ulap.

At habang enjoy naman siya sa panonood ay natutulog naman ang kanyang asawa.

"Uy Alziker, gising kana diyan! Tignan mo ang ganda!" at niyugyog niya ulit ang binata, pero walanh effect dahil natutulog parin ito habang nakapatong ang kamay sa mata.

Napasimangot tuloy siya at itunuon nalang ang pansin sa magandang tanawin sa labas.

Maya maya pa ay may lumapit sa kanila na lalaki. Matangkad ito, nakashades at mukang mayaman, base sa porma ay mahahalatang gwapo rin ito.

"Hi miss? Do you have some spare minutes? I just wanna ask kung may spare puke bag ba kayo? My stomach gets really upset when it comes to plane rides and suka kasi ako ng suka. If there are some can I have them?" Tanong ng lalaki sa kaniya.

She looked at the compartments on the back of the seat that is in front of her, may nakalagay dito na puke bag na hindi pa nagagamit, kinuha niya ito.

"Ah mero-" nahinto ang dapat sasabihin niya ng bigla siyang yakapin ni Alziker. He proceeded to bury his face on the side of her neck at hinaplos nitong bigla ang tiyan niya, nagtaka naman siya sa inakto ng binata.

"Bub, hindi kapaba gutom? Eh baby. Hindi paba?" Tanong nito kaya mas lalong nagtaka ang dalaga. Nakadroga ba yung asawa niya?

Alziker on the other hand was alerted when he felt the presence of someone talking to his wife. Nadako naman ang tingin niya sa lalaki na ngayun ay nakatingin sa kanila.

"Do you need something? Kanina kapa ata nakatayo diyan. Is there anything that we could help you with?" masungit na tanong ni Alziker at mas hinigpitan pa ang yakap sa asawa.

Napangisi naman ang lalaki. Sensing that Alziker was feeling jealous of him.

"I was just asking for some extra bag in case I vomit, and I happen to see hers is still unused. Which is why I'm asking for it." turan ng lalaki habang nakaturo sa bag na hawak ni Slyvhania.

Hindi man umangal ay sumimangot naman si Alziker, he took the bag that was in Slyvhania's hands and handed it to the man.

"Now if you'll kindly go, as you can see, my wife is trying to rest with our child." tiim bagang saad ni Alziker habang titig na titig sa lalaki.

Hindi naman nagsalita ang lalaki bagkus ay tumawa pa ito ng mahina.

"Bye miss! See you when I see you! Thanks for the bag, mauuna na ako" paalam ng lalaki at umalis na. Mas lalo tuloy na inis si Alziker.

****

"Ang ganda Alziker!" manghang mahang na sabi ni Slyvhania habang iniikot ang tingin sa paligid.

Kanina pa sila nakalapag at nasa labas na sila ngayun ng airport. Nakashades sila parehas at ang asawa naman niya ay nakacap at mask para hindi makilala ng mga tao si Alziker, mahirap na baka dumugin sila.

Maya maya pa ay may humintong sasakyan sa harapan nilang dalawa. Isang Lamborghini, napanganga tuloy si Slyvhania.

"Halikana Sly, pumasok kana sa loob" utos sa kaniya ng lalaki. Sure siyang sa asawa niya itong magarbong kotse kaya dali dali naman siyang pumasok.

UlayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon