1

36 2 2
                                    

Umagang umaga palang ay napakaingay  sa pamamahay ng mga Alvirañez. Nagkakagulo ang mga tao upang malaman kung sino ang itinakdang ipakasal sa natatanging anak ng mga Alvirañez. Si Alziker Mike Alvirañez.

"Salamat sa inyo sa mga taong naririto, mamayang gabi ang engagement party ng aking unico ijo sana ay makapunta kayo, at alam kong nasasabik narin kayong malaman kung sino ang dilag na napili ng aking anak" tumahimik ang lahat ng nagsimula nang magsalita ang padre de pamilya na si Don Melvaro, kasama nitong ang asawang si Donya Marsina.

Kilala ang magasawa sa lugar, marami kasi itong mga kompanya at establisyimentong napagawa. Hindi rin maipagkakait na mayaman ang pamilyang Alvirañez. Ngunit mas lalong nakilala ang dalawa dahil sa kabutihang taglay ng mga ito.

Hindi tulad ng ibang mayayaman ay hindi agnorante ang Don at ang Donya. Nagbibigay ito ng tulong sa mga mahihirap, paaralan, hospital at minsan pa ay nagbibigay ng libreng paaral.

Kaya ganun nalamang magkandaumayaw ang mga tao na malaman kung sino ang papakasalan ng nagiisang anak ng Don at Donya. Hindi rin naman maipagkakait na gwapo at matipuno ang kanilang anak. Maraming babae ang nagkakandarapa rito.

Inaasahan na ng marami na isa ring dilag na galing sa mayaman na pamilya ang mapapangasawa ng binata. Nakakasiguro na ang mga tao na kung hindi man ito anak ng mga mayayaman ay siguro anak ito ng mga tao sa politiko o gobyerno.

Nasimula na ulit umingay ang paligid nasasabik na ang mga tao sa nagaganap na pagtitipon pwera lang sa isa...si Slyvhania.

Kanina pa ito paikot-ikot habang nginangatngat ang mga kuko sa daliri.

"Langya nayan kinakabahan ako!" Sabi nito.

"Aray!" sumigaw naman ito ng batukan ito ng kaibigan na si Kathy. "Bat mo ginawa yun!?" Inis niyang tanong sa kaibigan.

"Eh kasi ikaw ehh, kanina kapa paikot-ikot diyan. Di mo ba alam nakakahilo ka" asik ng kaibigan nito sa kaniya. Sumimangot naman ang huli.

"Syempre nininerbiyos ako. Hindi mo ba alam kung gaano karaming tao ang nasa labas? Hinihintay nila ang sasabihin ng Don" paliwanag ni Slyvhania sa kabigan habang hinihas himas parin ang batok.

"Magrelax ka nga lang. Para kang natatae na ewan eh, tsaka friend okay lang yan kapag nalaman nila na ikaw ang mapapangasawa ni Alziker sure naman akong di ka kaagad susugurin ng mga yon" ngingiti na sana si Slyvhania sa sinabi ng kaibigan pero nagsalita uli si Kathy "Sisigurin kalang nun kapag wala kang kasama! Baka nga ipakidnap kapa eh!"

Mas lalo tuloy natakot ang dalaga. Kung sabagay sino ba naman ang magiisip na ang isang mahirap na babae na katulad niya ay papakasalan ng isang Alziker Mile Alverañez.

Magsasalita pa sana si Slyvhania ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Alziker na nakasimangot.

"Hinihintay na tayo nila mom at dad" masungit na saad nito na hindi man lang tinapunan ng tingin si Slyvhania.

Nangunot ang noo ng dalaga. Anong pake ko? sungit mo kuya, tinalo mo pa ang merong dalaw. Isip nito at tinignan ng masama ang binata.

"You're just gonna stand there? Wag mo sabihing paghihintayin mo sila" nakatingin narin sa kaniya ang binata. Nagsusukatan sila ng tingin.

"Um guys? Siguro mas mabuti lang umalis na tayo" suhestiyon ni Kathy. Para na kasing magkakaroon ng gera kapag hindi pa lumabas ang dalawa.

Nauna nang lumabas si Alziker na sinundan naman ng dilag. Sumunod narin si Kathy sa dalawa.

Nakarating na sila sa gilid ng stage, nakita ni Slyvhania ang Don at Donya sa gitna ng entablado. Napalunok ulit ito dahil sa kaba.

Lord please po, marami pa po akong pangarap sa buhay. Wag niyo po hayaang chugiin ng mga tao dito. Dasal ng dalaga habang tinitignan ang kumuplan ng mga tao.

UlayawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon