Prologue

135 7 7
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either products of the author's imagination or based from her experiences used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental.

PLAGIARISM is PUNISHABLE by law. 
(If ever na may mag-plagiarize hahahaha.)

Enjoy Reading!

Unang Pagkikita

Naglalakad ako ngayon patungo sa isang pre-school dahil walking distance lang naman ito mula sa bahay namin. Wala si Yaya, nasa lugar nila siya ngayon nagbabakasyon kaya naman inatasan ako ng nanay kong sunduin ang aking bunsong kapatid na lalaking si Giulio Alfred V. Dela Torre.  His name sounds old, doesn't it?

Pagkarating ko sa may gate, laking gulat ko dahil kay...

"Kuya Guard?!" gulat kong sambit na may halong ligaya.

"Sino ka?!" may gulat at pagtataka niyang tanong.

Aba't si Kuya Guard, nalimutan na yata ako? Well, It's been...how many years? Ten? Eleven? Twelve? Yes! Twelve years na pala ang nakalipas simula nung natapos akong mag-aral dito at ilan sa mga taon sa labindalawang iyon ay ang pananatili ko sa Maynila.

"Kuya Guard, 'di mo ba talaga ako naaalala? Ako lang naman ang unang tumawag sa'yo ng Kuya Guard, ah? Nakakatampo ka, ah! O baka naman niloko mo ko nung sinabi mong ako--"

"Arianne?!" medyo naguguluhan niya pang tanong.

Parang nung una lang, ah? Nabasa niya kasi yung pangalan ko sa damit ko noon, akala niya kasi silent d. Hahaha. 

"Kuya Guard, hanggang ngayon ba naman? Arianne pa rin? Ilang ulit ko bang sasabihin ito sa'yo ha, Kuya Guard? AIR-YAD-NEE."

Sa totoo lang, ang layo naman ng Arianne sa Ariadne 'pag binibigkas e. Ang arte naman kasi ng nanay ko. Hahaha. She's into Greek mythology, that's why she named me Ariadne, goddess of labyrinth, passion, snakes and swords.

"Ariadne, ang laki mo na! Dalaga ka na! Dati ang liit-liit mo pa at nililibre pa kita ng ice cream, ngayon..." maluha-luha niyang sambit.

"Hays, time flies nga naman." sambit ko.

"Kuya, kailan ba ang sem break nina Freddie dito?" usisa ko.

Sem break na kasi sa ibang mga paaralan habang sila ay hindi pa.

"Sa Lunes wala na silang pasok at ang balik ay sa isang Lunes na ulit." sagot naman sa'kin ni Kuya Guard.

Balik ay sa isang Lunes na. Iyon din ang araw ng pagbalik ko.

Napatango-tango na lang ako sa sagot niya.

"Yan naman may boyfriend ka na, ha?" may intriga niyang sambit.

Natigilan ako dun. 

"Wala, Kuya Guard." nakangiti kong sambit.

"Manliligaw?" tanong pa niya

"Wala rin." nakangiti ko pa ring sambit habang umiiling.

"Siya nga pala, ba't ka napadpad dito?" nagtataka niyang tanong.

"Yung kapatid ko si Freddie, susunduin ko." sagot ko.

"Ahh, siya! sige na."

Mukhang hindi pa sila nag-uuwian, ah?

I checked my wristwatch and it's just 2:30 in the afternoon. 

What the?! 

Bakit yung wall clock sa bahay nung tiningnan ko bago ako umalis ay 2:45 pm? Naglakad ako papunta rito for fifteen minutes, so dapat 3:00 pm na, 'di ba?

He Slipped AwayWhere stories live. Discover now