Flashback 2

44 5 2
                                    

Sorry, late UD. 

________________________________________________________________________________


Ice Cream sa Locker


Naka-one week na akong pasok. Nasa bahay lang ako ngayon. Wala si Mommy dito, nasa bahay siya ni Tita Amy.  Nakahiga ako sa bed ko dahil pinatutulog ako ni Yaya. Wala kaming pasok tuwing hapon. Si Kuya naman ay may pasok. Sana pala buong araw na lang akong may pasok para buong araw ko ring nakikita si Morgan. Dati ayaw kong pumasok tapos ngayon nag-iba. Ang bilis palang magbago ng isip.

NAKAKAINIP. 'Di ako makatulog. Wala naman akong makalaro. Gusto kong lumabas ng bahay at maglaro sa playground, baka pati nandun si Morgan.

"Yaya, pwede akong lumabas?" malambing kong tanong.

"Bakit naman, Ariadne?" may pagsusungit na sagot ni Yaya.

"Kasi nakakainip dito." simple kong pagdadahilan.

"Maya-maya, Ariadne. Ang init pa, oh." sambit niya sabay turo niya sa labas ng bintana.

Mainit pa nga.

Nagdesisyon akong matulog muna habang nag-iintay na lumilom. Pinikit ko ang mga mata ko. Maya-maya lamang ay iminulat ko ito. Pero 'di ako makatulog. Bumangon ako. Nakita ko naman si Yaya na nagwawalis sa may hagdan. Pinuntahan ko siya.

"Ya, labas  tayo." malambing ko ulit na sabi.

"Nasaan ang po?" sungit-sungitan niyang tanong.

"Yaya, labas po tayo." maliwanag kong ulit sa sinabi ko kanina.

"Sige-sige, pagkatapos ko rito. Yan naman ngayon ka lang mag-po sa'kin. Siya! Maglabar ka muna." sambit niya habang nagwawalis.

"Sige po!" maligaya kong sambit sabay takbo papunta sa CR. 

Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ito ng toothpaste. Hindi masyadong nabula yung toothpaste namin 'di katulad ng iba. Gan'to kasi gusto ni Mommy. Nagmumog ako ng three times tapos naghilamos ako at kung anu-ano pa. Pagkatapos pumunta ako sa room ko para magbihis.

"Ya, magbibihis na po ako!" sigaw ko kasi parang nasa baba si Yaya.

Pumunta ako sa aking room. Kama, study table at side table na may nakapatong na lamp at walk in closet ang laman ng room ko. May bintana ito malapit sa side table. 'Di gano'n kalaki ang walk in closet ng room ko, yung kina Mommy at Daddy kasing room malaki kasi pinagsama na ang mga damit nila at yung kay Kuya naman parehas lang sa'kin.

Pumasok ako sa walk in closet. Kumuha ako sa drawer ng mga undies at sinuot ito. Ano naman kayang isusuot ko? Yung cat face sweater na puti na lang tapos leggings na black. Kinuha ko ito tapos isinuot. Magsa-sandals ako o rubber shoes? Magsi-slippers na nga lang ako. Kinuha ko yung havaianas na parang flat sandals lang rin dahil may nakapaikot na 'di ko alam ang tawag sa may taas ng heel ko. Dinampot ko ang comb sa may salamin at sinuklay ang buhok ko. Gusto ko magpuyod kasi mainit pero hindi naman ako marunong.

"Ariadne? Nandito ka ba sa kwarto mo?" rinig kong tanong ni Yaya sa may pintuan.

Nagtago ako sa likod ng mga damit kong naka-hanger.

"Ariadne?" ulit pa ni Yaya.

Papalapit na si Yaya. Nakita kong may nakakalat na damit sa sahig. Yun yung kinuha ko kanina pero 'di ko naman isinuot. Baka matapakan ni Yaya!

He Slipped AwayWhere stories live. Discover now