Flashback 12

18 4 0
                                    

How Would You Feel?

Nai-discharge agad ako matapos ng pag-uusap kagabi. 

Maaga nanaman akong nagising. Papasok na sana ako sa loob ng CR nang bigla kong naalalang kailangan ko nga pala munang kumain.

I gargled, and I combed my hair before going downstairs. Kailangan ko sigurong sanayin ang sarili kong ganito.

Ngayong araw na ito, susunduin daw ako ni Zach at pupunta kami sa kanilang farm dito. I can't let this continue. Aasa siya. Aasa lang siya sa wala. Dahil iba ang gusto ko at hindi ko alam kung posible ko ba siyang magustuhan.

"Ariadne, bawal ka raw sa kape. Iyang maligamgam na tubig ang iinumin mo ha?" Ani Yaya.

"Opo." 'Di ko naman siya susuwayin. Ayoko na ulit mangyari yung kahapon.

"Sina Mommy at Daddy po?" Tanong ko habang kumakain.

"Ay maagap umalis. Inimbitahan kasi si Freddie ng kaklase niya sa isang out-of-town na outing. 'Di ka na isinama at kagagaling mo pa lang sa ospital." Paliwanag ni Yaya.

Napatango-tango ako.

"E si Kuya po?" Tanong ko ulit.

"Sasamahan ka daw." Sagot ni Yaya'ng habang tinititigan akong mabuti.

"Saan ka ba pupunta?" Intriga niya.

"Sa farm po nina Zach." Sagot ko na lang.

"Villamayor? At bakit naman? Nanliligaw ba yun sa'yo, Ariadne?" Intriga pa niya.

Wala akong maisagot kung hindi tango.

"Pumayag ka?!" Gulat  niyang tanong. Kahit siguro sarili ko ang sabihan ko nito, yan din ang itatanong. Masyado kasi akong nagulat nung gabing iyon. I didn't know what to do. I don't want to hurt him with no proper and acceptable reason

"Opo." Mahinahon kong sagot.

"Kailan lang?" Mid-thirties na si Yaya at hanggang ngayon interesado pa rin siya sa mga ganitong bagay. Alala ko pa dati nung bata pa ko. Sa kanya at kay Jas ko lagi kinukwento ang tungkol kay Morgan. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang nangyari nung gabi pagkatapos ng recognition.

"Napilitan ka lang ata e." Yun ang huling sinabi ni Yaya na hindi ko na sinagot pa. Sino ba naman kasing hindi makakahindi sa oras na yun? Dumiretso na lang ko sa kwarto ko at naligo.

Pagkatapos ko, napagpasyahan kong i-text si Zach. Itatanong ko rin pala kung anong gagawin namin doon.

Ako:
Zach, kasama ko raw si Kuya. Okay lang naman siguro?

Sana talaga ay okay lang sa kanya dahil awkwardness lamang ang mamumuo sa pagitan namin kung kaming dalawa lang. Tumunog ang phone ko at si Zach ito.

Zach:
Oo, ayos lang. Kasama ko rin si Shreya.

Mabuti naman pala. Si Shreya lang? Well, back then, I thought Shreya likes Morgan, but I knew that it was impossible because their cousins. Naisip ko namang isama si Jas kaya lang ang alam ko ay kauuwi lang ng Mommy niya galing UK. I don't want to disturb their alone time with each other. 

Ako:
Ano bang gagawin natin doon?

Nagreply siya.

Zach:
We're going to a waterfalls near our farm.

Ahh. I chose to wear a shorts and a short-sleeved black rash guard. Then, I wore another shorts and a thin long sleeves. Para 'di mabanas at para tatanggalin na lang. Syempre, nagdala ako ng pamalit na nasa loob ng shoulder bag na dadalhin ko.

He Slipped AwayWhere stories live. Discover now