Flashback 3

29 5 2
                                    

Naihi


Kakagising ko lang at nasa CR ako ngayon. Lumabas ako at kumain na. Waffles ngayon ang nasa dining table. Pagkakain ko pinaliguan na ako ni Mommy at binihisan. Nandito na si Daddy kaya naman siya ang maghahatid sa'kin ngayon. One week din siya sa Manila gawa nung kasong hawak niya raw tapos babalik ulit pagkatapos ng dalawang araw dito.

Nauhaw ako sa ininom kong juice kaya naparami ang inom ko ng tubig.

"Ariadne, are you done?" tanong ni Daddy.

"Yes, Daddy." sagot ko.

"Let's go, my little girl." sambit ni Daddy.

Malambing naman yan si Daddy kahit palaging seryoso.

"How's your new school, little girl?" tanong ni Daddy.

"Great." simple kong sagot.

"Mukhang great nga, ah? Dati good o kaya fine lang." nakangiting sambit ni Daddy.

Tumingin ako kay Daddy at ngumiti. Maraming nagsasabi na kamukha ko raw siya at tama nga sila. Kay Mommy ko nga lang naman namana ang balat ko.

"Daddy, ako na lang po."

"Are you sure?" tanong ni Daddy.

"Opo." sagot then ni-kiss siya sa cheeks.

Tulad din ng dati, kaming dalawa palang ang nandito ni Jasmine. 

"Ariadne, ba't ang aga mo pumasok? Marami namang pwede maghatid sa'yo, 'di tulad ko." sambit ni Jasmine.

"Gusto ko lang, haha." simple kong sagot na may konting tawa.

Naiihi nanaman ako. Nakakainis.

"Jasmine, CR lang ako, ah." sambit ko sa kanya.

"Sige." sambit naman niya.

Pumunta ako ng CR. 

"Konti lang naman!" sambit ko pagkaihi.

Binuhusan ko na lang ito kaysa i-flush pa. Sayang naman yung tubig. Bumalik na ako ng classroom pagkatapos. 

Marami ng nandito ngayon, malapit na kasing mag-time e. Pagkaupo ko, siya namang pagpasok ni Morgan sa classroom. Ang gulo nanaman ng buhok niya. Mga lalaki talaga porket maikli lang ang mga buhok nila 'di na magsusuklay, pero bagay pa rin kay Morgan.

Dumating na si Teacher Alex kaya naman natigil na ako sa pag-iisip. Kung ano ang paggamit ng he, she, it, they at marami pa ang tinuturo niya ngayon. May pinasagutan sa'min tapos tagalog naman ng mga yun ang sunod niyang itinuro sa Filipino. Marunong naman na kasi kami magbasa 'di lang gano'n kabilis at kagaling. Science naman ngayon. Mga parts ng bawat animal. Ngayon, bago mag-recess pinagra-writing na kami. Mga putol-putol na linya na dapat susugin mo. Iniisa-isa kami ni Teacher Alex. Kung ano ba dapat ang uunahing iguhit kung yung patayo ba? pabilog? at kung ano man yun. Papunta sa akin ngayon si Teacher Alex.

"May I see your work?" nakangiti niyang sambit.

Hindi ko na siya sinagot at ipinatingin ko na lamang ito sa kanya.

"How do you hold your pencil, Ariadne?"

Hinawakan ko naman ang lapis ko gamit ang aking kanang kamay at ipinakita kung paano ko ito hawakan. Nasa gitna ng index finger at middle finger ko ang lapis at nakasuporta naman sa baba ang thumb ko.

"That's wrong, Ariadne." sambit niya. "This is the right one." sambit ni Teacher Alex tapos pinahawak ako sa lapis. Inilagay niya ang lapis sa gitna nga thumb ko at ng middle at index finger ko. 

He Slipped AwayWhere stories live. Discover now