PROLOGUE

11.7K 212 27
                                    

ALEXANDER's POINT OF VIEW

"Can you be my husband?" 
Nagulat ako sa tanong ni Maddox sa akin.

Bigla-bigla na lang lumalapit sa akin ang bububwit na ito tapos ay kung ano-ano ang ginagawa o tinanong niya sa akin.

At naiinis ako dahil sa kakulitan niya pero mas naiinis ako sa sarili ko kung umiiyak siya dahil sa akin.

I don't want to see her cry. Hindi kasi bagay sa mukha niya.

She's pretty kahit bungal siya sa harapan ng bibig niya.

"No way!" sigaw ko.

Sumimangot tuloy ang mukha niya.

She's cute!

Pero kahit cute siya o pretty hindi pa rin ako papayag. Never! 

Husband means magiging asawa niya ako tapos gagawa kami ng baby?

No way! Ayaw ko sa kanya. 

"Why?" humihikbi niyang tanong. 

"Hindi kita gusto maging wife." Walang gana kong sagot pagkatapos ay tinalikuran siya.

"Pero gusto kitang maging husband!"

"Bakit?"

"Kasi perfect ka. And mommy said the perfect person is perfect for me. At ikaw iyon..." 

"Hindi ako perfect kasi walang perfect na tao."

"No, you're perfect. And we are perfect for each other. Marunong kang mag-alaga sa mga kapatid mo tapos masunurin ka pa. And momma said kapag masunurin ang isang tao, he or she is perfect. And that's you. Kaya bagay tayo. Ay hindi pala tayo bagay kasi we're human eh," at bumungisngis siya.

Ngayon nasa harapan ko na naman ang asungot na ito.

"Kailangan mo lang pala ng mag-aalaga sayo. Di ba may yaya ka? Eh, hindi mo na ako kailangan."

"Iba naman si yaya. At iba ka naman. Si yaya, siya ang nag-alaga sa akin at ikaw...." Tiningnan niya ako ng mariin. "...ikaw ang magiging future ko. Ikaw ang magbibigay sa akin ng anak sabi ni mama. Kaya sige na pumayag ka na. Promise magiging mabait ako tapos magiging good wife ako. Just like my mom to my dad."

Hindi ko pa rin siya sinagot. Nakatitig lang ako sa kanya.

Naaliw ako kapag nakikita ko ang bungal niya.

"Please, Alex, please?" pagmamakaawa nito.

"Still no," pagmamatigas ko.

Anim na taong gulang lang siya tapos kung ano-ano na ang sinasabi niya.

 CALLAHAN SERIES 1: Alexander--Published On Novelah/FameinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon