part three MIKOYA

30 0 0
                                    

Namimilipit sa sakit ang tiyan niya bat kasi kumain siya ng napakaraming manggang hilaw hindi naman siya nag almusal ng kanin.

Im in no luck this day

Kanina niya pa hinihilot ang tiyan bumili na rin siya ng langis na pwedeng ipahid ngunit wala pa rin iyong epekto.

Mama okay lang po ba kayo?

Kahit na may iniindang sakit pinilit pa rin niyang ngumiti sa dalawang bata na siguro naglalaro sa pito o walo ang edad.

Medyo masakit lang ang tiyan ko mga iho pero okay lang ako

Nagkatinginan ang dalawang bata tapos tumingin sa tiyan niyang hipo hipo niya pa.

May kilala po kaming albularyo baka po matulungan niya kayo

Albularyo? Ano daw mukhang madadagdagan pa ang kamalasan niya ah

Halika na po kayo

Teka hindi na kailangan okay na ko

Ano bang laban ng isang katulad niyang namimilipit sa sakit ng tiyan sa dalawang napaka aktibong mga bata.

Is this a house or a haunted one? Gusto niyang umatras ngunit hindi siya binibitawan ng dalawang bata.

Halina po kayo sa loob siguradong nandoon lang po si ate albularyo

Baka wala siya namili balik na lang tayo ng makatakas ako

Nandiyan lang si ate hindi po yun lumalabas kami nga lang po inuutusan nun bumili ng pagkain niya.

Natigilan siya isang taong hindi lumalabas may nag eexist pa bang ganun sa modernong panahon. Hindi naman masasabing kabundukan ang pinagtatayuan ng bahay nasa paanan nga siguro ngunit hindi naman iyon liblib na lugar na napakalayo sa kabihasnan. Actually nilakad nga lang nila ng mga bata ang bahay na iyon mula sa bayan.

Dahil sa kaniyang pag iisip namalayan na lang niyang nakapasok na sila sa loob ng bahay.

Wala naman masyadong kakaiba sa loob bukod siguro sa mga wirdong estatwa o mga bagay na tingin niya ginagamit sa mga kakaibang orasyon. Wala ring napakabahong amoy ng paligid tulad ng sa mga napapanood niya. Malinis pa nga kung tutuusin ang paligid medyo madilim nga lang tignan may takip kasing kurtina ang nag iisang bintana.

Ate! May dala po kaming mama may sakit po siya

Bumalik ang kaba niya ng gumalaw ang kurtina sa isang silid. Napasigaw siya ng may nakita siyang kamay na gumagapang sa lupa. Pag aari iyon ng isang babaeng maputi ngunit namumutla ang kulay napakahaba ng buhok nito. Ngunit ang mas nakakagimbal sa kaniya ang pag gapang nito sa sahig

Diyos ko saan ba ako dinala ng mga batang to!

Hi ate kamusta na po?

Nagtayuan ang mga balahibo niya ng nasa tapat na niya ang gumagapang na babae.

A-yos lang

Napakalalim ng boses nito na para bang sa kinailaliman pa ng sikmura nito nagmula mahina rin iyon matalas ang pandnig niya kaya narnig niya pa rin iyon ng maayos.

Ah ineng bakit ka pagapang maglakad?

Mula sa pagkakasubsob sa sahig umangat ang tingin nito

Pinigil niya ang sariling mapasigaw na naman wala siyang makita sa mukha nito kundi itim nitong buhok ang visible na lamang ay ang pinkish nitong labi. Mukha talaga itong multo sa mga horror movies.

Pi-nu-li-kat a-ko

(pambihira! Kala ko kung ano na! hehe)

Ano daw? Muntikan na siyang sumubsob sa lupa tulad nito dahil sa narinig.

Ate ano tingin mo anong nagyari kay manong?

Si-na-pi-an siya

Ayaw na niya sobra ng kawirduhan to uuwi na siya

Teka lang

Natigilan siya mula sa balak na pagtayo

Bakit sa kabila ng malalim nitong boses para bang may nakakapa siyang napakalamyos na katangian mula sa boses nito? Is he imagining things a lot lately?

Tumayo na ito siguro lumipas na ang pagkapulikat nito. Dahan dahan ito maglakad napakabagal na maihahalintulad mo sa lakad ng mga multo sa movies

What a weird lady aniya sa sarili

May binuksan itong cabinet may kinuha roon dahon. Tapos pumunta sa maliit nitong kusina nagsindi ng apoy saka nag init ng kaunting tubig. Dinurog nito ang hawak na mga dahon.

Pagkalipas ng mga limang minuto nakagawa ito ng inumin mula sa dahon na hawak nito kanina.

Nakaramdam siya ng pagtitiwala sa binigay nito kahit hindi kagandahan ang amoy nun. Tama ang desiyon niyang magtiwala dahil pagkalipas pa lang ng ilang minuto nawala na ang iniinda niya.

Salamat

Tumango lang ito saka lumapit sa dalawang bata. Nakangiti naman siyang napatingin na lang sa mga ito.

Ate may iuutos ka po ba?

Wa-la ma-a-a-ri nin-yo na siyang i-u-wi

Bakit kaya ang boses nito para talagang nasa horror movie ang tono talagang

Wa la iu wi niyo na lang ng ma a yos si ku ya

Ganoon talaga ang pagkakahiwalay nito sa mga salita. Napakahina pa ng boses nito seryoso na ewan.

Baka makasalubong kami ng espiritu sa daan at gawa ka muna ng orasyon

Tumabingi ang ngiti niya

Tumango ang babaeng nakaputing bestida lumapit na naman sa cabinet nito may kinuha roon kwintas na gawa sa kinurbang bilog na kahoy na may ibat ibang kulay, mangkok tubig at kandila meron din itong parang palaspas na gawa sa mga dahon.

Wala itong binigkas na ritual na salungat sa akala niya ngunit sinorpresa siya nito ng mula sa mga hawak nito nakagawa ito ng ritmong naka apekto sa mag bata. Nakakatakot kasi ang tunog nabuo mula sa simple nitong pag alog sa kwintas pagtulo ng kandila at pag alog sa mangkok na sinasabayan ng pag hampas nito sa hangin ng palaspas.

Kahit na tapos na ito nakapikit pa rin ang mga bata

Lig-tas na ang in-yong ga-ga-wing pag-li-san

Saka lamang dumilat ang mga bata nagpasalamat ang mga ito sa babaeng nakaputi saka siya nilapitan upang yayain ng umuwi na inunlakan niya ngunit bago siya tuluyang umalis nag iwan siya rito ng nakasobreng bagay na hinanda niya habang nag riritual ito.

Hindi niya alam kung tatanggapin nito ngunit sana makita niya ito sa academy balang araw bitbit ang gold card na hinihiling niyang ikonsedera nito.

IU as MIKOYA

Rhytmitic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon