Malakas ang tunog ng ipod niya umiindak indak rin siya dahil sa paborito niya talaga ng kantang pinakikinggan. Paliko na siya ng kanto ng matigilan ng may narinig siya sa kabila ng nakakabingin tunog na mula sa headset. Tama nga ba siya ng nariirinig iyak nga ba iyon ng isang bata. Pag lingon niya nakumpirma niyang tama siya ng kutob. May nakita siyang batang lalaki na umiiyak nakatabi ito malapit sa basurahan. Hindi man lang nito ininda ang amoy ganoon na ba kalaki ang problema nito. Tinaggal niya ang headset sa tenga pinatay ang I pod saka lumapit sa umiiyak na bata.
Anong problema?
Basang basa na ang mukha nito kakaiyak ng mag angat ito ng tingin sa kaniya
Nawawala po si robo
Pasinghot singhot pa ito ng nagsalita
Sinong robo?
Yung laruan ko pong robot
Napangiti siya iba talaga mag isip ang bata napakabilis nitong mag pahalaga sa isang bagay at napakalawak magpahalaga. Masarap sigurong maging bata na lang habang buhay.
Saan mo ba siya naiwanan?
Kinuha po siya ng aso
Hala may aso ng involve mahanap pa kaya nila yun?
Nasaan ang aso?
Doon po sa isang kanto kawawa na nga po si robo paulit ulit niyang dinidilaan
Mas nakakapansin ang inis na nabuhay sa mata nito.
Halika bawiin natin si robo
Talaga po?
Napatalon pa ito palapit sa kaniya tuwang tuwa na yumakap sa kaniya.
Oo kaya halika na siguradong namimiss ka na ni robo
Sunod sunod ang naging tango nito nakahawak itong mahigpit sa kamay niya habang naglalakad sila sa kantog tinuturo nito.
May alanganing ngiti na nabuhay sa labi niya ng makita na tinitignan na sila ng matalim ng aso. Nagtago naman ang batang lalaki sa likuran niya.
Hoy anong binabalak niyo?
Napatingin siya sa matandang babae na nasa kabilang gilid
Kukuwain po namin yung laruan sa aso
Hay naku baka makagat ka pa ang tagal ng walang amo ng asong yan mabangis kaya yan naku baka magka rubies ka pa. Hayaan niyo na lang na durugin niya yun laruan titigil din yan. Tutal kasalanan naman ng bata paliparain ba naman yung laruan niya napunta tuloy sa aso.
May narinig siyang iyak sa kaniyang likuran na siguradong nagmumula sa bata.
Para namang kaya kong hayaan na lang na malungkot ang isang bata
Nilingon niya ang bata nginitian ito bilang assurance na makukuha niya ang robo nito. Sumunod naman ito sa sinabi niya pumunta ito sa kabilang gilid sa tabi ni manang. Pagkatapos huminga ng malalim tinalon niya ang bakod ng abondonadong lupat bahay na iyon.
Ang bagsik ng pagkakatahol nito sa kaniya pumalakpak siya kasunod ng pagpadyak sa lupa naging alerto ang mukha ng aso. Ipangpatuloy niya ang ginagawa sa pammagitan ng kamay at paa gumagawa siya ng tunog na nakakuha ng atensyon nito. Sinsundan nito ng tingin ang kamay niya habang unti unti naman siyang humahakbang palapit sa binitawan nitong si robo.
Sa wakas nakalapit siya kay robo saka iyon mabilis na dinampot nabuhay ang bagsik sa mukha ng aso. Para naman siyang hinahabol ni kamatayan na mabilisang tumakbo sa may bakod kaso nahagip nito ang paa niya napaungol siya ng makagat nito ang paa niya. Sa kabila ng sakit buong lakas niyang tinanggal ang ulo ng aso sa paa niya tapos sinamantala ang pagkakatoan upang makatalon ng maayos.
Aray!
Napahawak siya ng mahigpit sa nakagat na paa ang sakit sakit nun
Kuya okay ka lang? Sorry po… sorry po
Umiiyak na lumapit sa kaniya ang bata halatang natatakot ito sa nangyari sa kaniya
Kasalanan ko po sorry talaga
Nakangiti niyang ginulo ang buhok nito
Ano ka ba wala yun o ito nakuha ko na si robo pero hugasan mo muna siya ng alchohol ha saka ikaw rin maghugas ka ng kamay baka may germs si robo kailangan linisan.
Sorry po dahil kay robo nasaktan kayo
Hindi niya alam kung anong gagawin halatang apektado ang bata sa nangyari sa kaniya
Parang superman si kuya ano bata? Niligtas niya si robo kahit na pwede siyang masaktan. Alam mo ba kung bakit niya iyon ginawa?
Bakit po
Pansamantalang tumigil sa pag iyak ang bata ngunit pasinghot singhot pa rin ito
Kasi po si kuya ang superhero mo at ni robo
Si kuya nasaktan kasi hero naming siya ni robo?
Inosenteng tanong ng bata sa lalaking lumapit
Tama kaya imbes na humingi ka ng sorry dapat saluduhan mo si kuya kasi naging magaling siyang hero
Bumalika ng ngiti sa labi ng bata nakangiti na ito ng lingunin siya.
Thank you po kuya salamat po sa pagigig hero naming ni robo
Nakangiti itong sumaludo sa kaniya
Okay lang yun hala layas na hugasan mo ng maayos si robo gumamit ng alcohol ha pati ikaw mag linis na rin.
Di na nawala ng ngiti niya habang pinapanood itong lumayo na tuwang tuwa habang bitbit ang laruan na para ditoy isang mahalagang kaibigan
(May kakaiba akong naramdaman habang sinusulat ko to parang hindi bagay sakin haha)
Kailangan mong madala sa hospital mukhang may rubbies nga ang asong iyon
Salamat po sa tulong manong
Wala yun kung ikukumpara sa ginawa mo
Anito saka siya inalalayan upang makatayo tumulong din ang manang na sumaway sa kaniya kanina. Tama nga ang sinsabi ng dalawa na may rubies ang aso mabuti na lang at naagapan ang mas malala pang komplikasyon na pwede niyang maramdaman.
Paulit ulit siyang nagpasalamat sa dalawa ng mag paalam na ang mga ito.
Ngunit ang lalaki may iniwanan sa kaniyang gold card bago ito umalis
Rhytmitic Academy? Aniya habang tinitignan ang hawak na card.
Sam concepcion as MATTHEW
BINABASA MO ANG
Rhytmitic Academy
Teen FictionFRIENDSHIP? TEAM WORK? MUSIC? DREAM? AND LOVE? HOW CAN THIS THINGS BE IN YOU AND STAY'S WITH YOU? LET'S FIND OUT HOW FRIENDS WILL CONTRIBUTE TO THE PERSONALITY WE HAD? HOW CAN TEAMWORK BE OUR STEPPING STONE TO BE THE BEST? HOW CAN MUSIC LEAD US TO T...