Lapis

16 0 0
                                    

Ang pinakagusto kong lugar ay sa maiinit mong palad. Tuwing hawak mo ang katawan ko lubos ang aking kasiyahan. Ramdam kong dito ako nababagay, dito ako nararapat. Sa mga kamay mo lang..

Una tayong nagkakilala ng iregalo ako ng iyong ama para saiyong ikalabindalawang kaarawan.

Akala ko noon tulad ka ng mga batang walang pagpapahalaga sa mga katulad ko, marami ng nakapagkwento sakin sa dati kong tirahan.. marami na ring nakapagpatunay..

Mali pala ako. Iba ka sa kanila. Hindi ko akalaing labis ang magiging kasiyahan mo ng una mo akong mahawakan.

Naaalala ko pa noong unang madampian ng iyong maliliit na kamay ang buo kong pagkatao.. Napagtanto kong dito na nga magsisimula ang bago kong buhay.. Bago kong buhay kasama ka..

Tanda ko pa noong dinala mo ko saiyong ekswelahan. Ipinakilala mo ko noon sa mga kaklase mo. Ipinagyabang. Ipinagmalaki. Nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil saiyo..

Lalo akong napahanga dahil sa pagiingat na ginagawa mo sakin, sa tuwing pagkatapos mo akong gamitin ay tinatago mo ako agad, naalala ko noong minsan na bigla akong nawala at napunta sa kamay ng kaklase mo, nakita ko ang galit saiyong mga mata at agad mo akong binawi sa kanya.. Nagsimula akong mahalin ka..

Minahal kita ng labis at ipinagkatiwala ko sayo ang sarili ko. Hinayaan kong gamitin mo ko para mabuo ang obra mo. Naging masaya rin ako sa tuwing hawak mo ko, ramdam ko rin naman ang kasiyahan mo.. bawat guhit at kulay ay gawa ng iyong damdamin.. Kita saiyo ang determinasyon na makagawa nanamang ng isang napakagandang obra.. Umaapaw ang kaligayahan ko sa tuwing nakikita ang ningning ng mata mo at tamis ng ngiti mo kapag natatapos mo na ang mga iginuhit mo. Pakiramdam ko ay isa ako sa mga rason saiyong kaligayahan.

Minsan ay bigla nalang akong napudpod at binalak mo akong tasahin. Nakita ko ang lungkot saiyong mukha, mababawasan nanaman kasi ang maikli kong buhay.. ngunit ngumiti lang ako at hinayaan kong mawala ang kapiraso ng aking buhay. Basta masaya ako sayo.. Sapat na sa aking may saysay ang buhay ko sa mga palad mo.

Ngunit isang araw ay hindi mo na ko pinansin.. kinalimutan mo na rin ang iyong hilig.. nawalan ka na ng ganang ipagpatuloy ang iyong mga obra. Nalungkot ako ng sobra ng bigla kang nagbago. Naging abala ka na sa bagong regalong cellphone ng iyong ama. Lagi ka nalang nakaharap sa kompyuter. Ni hindi mo na nilingon ang kinalalagyan ko.

Lalong nawala ang atensyon mo sa akin ng magkatrabaho ka na. Ang lagi mo ng hawak ay iyong modernong panulat.. makinis ang balat at may magandang tinta..

Ano nga bang laban ko sa kanya? Ramdam ko na rin ang paghina ng aking katawan. Nakuntento na lang ako sa pagmamasid saiyo.. Masayang kahit papaano'y kasama pa rin ako sa buhay mo..

Kasabay ng pagtanda at pagkakulubot ng aking katawan ay pagkakaron mo ng masayang buhay pag ibig. Isang araw ay napagdesisyunan mo na lamang n magpakasal sa lalaking nakilala mo sa kolehiyo noon. Nakita ko ang ningning ng iyong mga mata kapag kasama siya.. tulad noon, kapag natatapos mo ang iyong obra.

Labis ang saya ko na nasilayan kong muli ang iyong mga ngiti..

Bumuo ka ng pamilya, nagkaroon ng mga anak at lalong sumaya ang iyong buhay.. at eto ako, pinagmamasdan ka pa rin mula sa iyong munting lamesa.. hinihintay na sana balang araw ako ay maalala mong muli.

Ramdam ko ang paghina ko.. Ngumiti ako ng mapait ng makita kitang nakaupo saiyong kama habang umiiyak.. Nasasaktan din ako. Gusto kitang damayan ngunit wala akong magawa. Gusto kitang akapin ngunit hindi maaaari. Lumapit ka sa lamesang kinalalagyan ko. Gamit ang iyong braso, sinubukan mong hawakan ang iyong mga ipininta noong bata ka pa. Nahawi lamang ito. Ngumiti ka at isa isa nanamang pumatak ang mga luha mo. Dinudurog ang buong pagkatao ko sa bawat luhang lumalabas saiyong mata..

Napagawi ang iyong mata sa lalagyanan ko, pinilit mo kong buhatin ngunit dumulas lamang saiyong braso ang mahina at matanda kong katawan,Nahagip ko pa ang pagsubok mong habulin ako ngunit tuluyan na akong lumagapak sa malamig na sahig naramdaman ko ang pagkabali ng mapurol kong katawan.. Sa ilang segundo ng natitira kong buhay ay nasilayan ko ang napakalaking pagsisisi saiyong mukha kasabay ng iyong tahimik na pag iyak at kasabay nun ay ang panghihinayang na hindi ko na muling mararamdaman ang mainit mong palad..

<InkUser>

Muni MuniTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon